Chapter 4

2 0 0
                                        

[Previous Chapter]


Papikit na ako nang bigla ulit itong nagmessage sa akin

To: Celestiana Alonzo

From: Sion Contreze

Alright, magkita nalang tayo sa HeartAria Port ng  mga 10pm tomorrow. See ya there, Celes! And have a good night!

Yan ang huli kong nakita bago ako tuluyang nasakop ng aking kaantukan

Sana maging maganda ang aking gabi bukas...


[Current Chapter]


Celestiana POV


Today is the day.. It's the first day of school so many new things to learn and do--

Ughhh... ang ingay talaga ng speaker ng katabi kong condo, tipong isang batang paslit lang ang manonood kailangan naka bluetooth pa tss.

Instant alarm clock ko yan tuwing umaga.

Kahit ayoko ay pinilit kong bumangon sa higaan pero makulit 'tong higaan na ito, yinayakap ako sabay sasabihin na tabihan ko nalang daw siya at sabay kaming matutulog ulit at syempre ako itong si marupok humiga ulit at pinipilit kong matulog ulit.

Pero....

Argh! wala na yung antok ko, sarap isigaw sa katabi kong kwarto na 'Nawala antok ko dahil sa'yo! Hanapin mo ulit yon! '

'De char lang kasuhan pa ako nyan hehe.

Habang nakahiga pilit kong inaabot ang cellphone ko sa nightstand at tiningnan ang kalendaryo ko, lumaki ang mga mata ko sa aking nakita.

"Sh*t" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at dali daling tumakbo papuntang banyo para tumae 'de charr lang syempre para maligo.

Dali dali kong ginawa ang ritwal ko sa banyo na may halong pag iingat dahil mamaya mabagok yung ulo ko dito at baka wala pang makapansin na patay na pala ako rito or madulas at nadislocate ko yung buto ko wala akong mahihingian ng tulong or kung meron man ay makikita akong naka hubo't hubad.

Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis, simpleng black jeans at oversized white T-shirt na naka tuck-in lang ang suot ko, pinirehasan ko ito ng white rubber shoes at black jacket na may hoodie. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng agahan ko, habang nagluluto ay nag unat unat ako ng konti pagkatapos nun ay nakita ko nalang na okay na ang pagkain ko.

Inahain ko ito ito sa lamesa at nagsimulang kumain, pagkatapos kong kumain hinugasan ko ito alangan namang yung multong nakikitira dito sa condo ko ay ang paghugasin ko.

Bumalik agad ako sa kwarto ko para ayusin ang gagamitin kong damit at nilagay ko ito sa bag at kinuha yung mga importante kong gamit gaya ng powerbank, cellphone, emergency pills, payong at iba pa at syempre ang passport ko, pagkatapos kong mag impake ay linagay ko ito sa tabi ng upuan para ready to go na.

Bumalik ako sa kuwarto ko para ayusin ang buhaghag kong buhok sa dalawang tirintas at tinaas ito at saka ko lang linagyan ng ribbon at hinayaan kong malaglag ang ilang buhok ko sa bandang tenga at inayos yung bangs ko, ang itsura ng buhok ko ngayon ay kamukha kay Mitsuha ng 'Kimi no Nawa' o 'Your name' sa english.

Yung ribbon naman na gamit ko ay ginawa ng mga kapatid ko noon para sa akin, noong di pa sila galit sa akin.


Just An OptionWhere stories live. Discover now