Yey! Dahil sa comment ni ate gusto ko na ulet magupdate agad agad! haha nainspire ako eh! ^_____^
***
Setting: Holy Cross Cemetery
Galing kameng bayan ni mama naggrocery at dahil medyo maaga pa naman naglakad na lang kame pauwi. As usual yung dadaanan namen eh yung sementeryo wala namang ibang daan eh. Hahaha
Habang naglalakad kame ni mama biglang naramdaman ko na lang na tinatawag ako ng kalikasan meaning naiihi na ko.
Dahil medyo kaya ko pa naman tiisin nagpatuloy pa din kame sa paglalakad, alangan naman kaseng umihi ako dun sa damuhan di ba? mamaya dalawin pa ko ng nakalibing dun TT______TT I'm scared.
Waaaahhhh bakit parang ang layo layo pa din namen? bat ganun?
Waaahhhh hindi ko na kaya sasabog na pantog ko!
"Ma, naiihi na ko."
"May malapit na CR dito"
"Eh ayoko magCR dun Ma nakakatakot dun"
"Oh sige tiisin mo yan hanggang sumabog yang pantog mo!"
"Eh? sige na nga"
"Oh ayun na yung CR oh. Bilisan mo hintayin kita dito sa labas"
O_______________________O
"Ma, samahan mo ko natatakot ako"
"Ang aga aga mumultuhin ka kagad? pumasok ka na bilisan mo"
No choice pumasok na ako. At habang umiihi ako nakapikit ako. Ayokong makita yung paligid baka kung anong makita ko.
Nang matapos na ako
O______________O
Ayaw mabuksan ng pinto parang may malakas na pwersa na humahawak sa pinto at hindi ko talaga mabuksan T__________T
"MA! TULUNGAN MO KO MA AYAW MABUKSAN NG PINTO" mukang hindi ako naririnig ni Mama
Napaluhod na lang ako sa may bandang pintuan. Naisip kong silipin yung ilalim.
O_______________O
May nakita akong mga bakas ng paa. Maraming footprints na may dugo. Dali dali akong tumayo at pagbukas ko ng pinto, bumukas na.
Nagtatakbo na ako palabas ng CR na iyon.
"Oh? bakit namumutla ka?"
"Wala po Ma, tara na"
Hindi ko sinabe kay Mama yung nakita ko. Pero tumayo talaga ang mga balahibo ko ng makita ko yung mga footprints kase pagpasok ko sigurado akong wala pa yon eh. Nakapagtataka talaga.
Simula noon sa tuwing dadaan ako sa may CR na iyon kinikilabutan ako at tumatayo ang mga balahibo ko. I swear kakaiba yung feeling pag nasa tapat ka ng CR na yon. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam mo.
***
A/N: Thank you for reading.
Nanindig ba ang mga balahibo niyo? Lemme know! XD