"Pupunta ka ba sa birthday ni Janine?"
"Oo, ikaw?"
"Parang ayoko eh, alam mo namang parang hunted house yung bahay nila sobrang nakakakilabot talaga"
"Alam mo hindi naman totoo yang mga multo na yan eh"
"Eh basta malakas ang pakiramdam ko na may something jan sa bahay nila"
"Pakiramdam? eh hindi mo naman pala nakita eh."
"Bahala ka nga jan basta I can feel it"
*** 7:30 pm Janine's house
"Sabe ko naman kase sayo Diane eh ayoko ngang pumunta dito"
"Alam mo ikaw ang dame mong sinasabe eh nandito na tayo oh"
"Eh natatakot talaga ako"
"Ang OA mo naman kase bawas bawasan mo nga yang panonood mo ng mga horror"
Ano bang nakakatakot sa bahay nila Janine? simple lang naman yung bahay nila kaso nga lang sobrang laki at mukhang itinayo pa nung panahon ng mga espanyol. Walang kabuhay buhay yung bahay nila at kahit umaga ka pumunta dito sa bahay nila eh talaga namang kikilabutan ka talaga. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga multo pero sinasabe ko lang kung ano yung nakikita ko sa bahay nila Janine.
"Dito ka lang Shane ah magCR lang ako"
"Teka sasama ako ayokong maghiwalay tayo"
"Ang OA mo talga ayun lang yung CR oh? dito ka na lang"
Tapos pumunta na ako sa CR walang tao kaya sinamantala ko na ang paggamit ng salamin ayoko kaseng gumamit ng salamin pag may ibang kasama nakakailang eh. Ang OA kase n CR dito parang CR sa mga mall. Pssshhh
"Pssssttt"
Habang kinukuha ko yung powder ko sa bag eh may narinig akong sumitsisit.
"Shane ang kulet mo naman eh diba sabe ko sayo hintayin mo na lang ako dun"
"Psssstttt"
"Pakshet naman shet wag ka ngang sitsit ng sitsit jan"
"Pssstt.Psssstttt"
Tumingin ako sa salamin para magpulbo pero nabigla ako sa nakita ko isang babaeng puno ng dugo ang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kaya umiling iling ako at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagdilat ko nandun pa rin siya gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses mula sa bibig ko sobrang natatakot na ako at hindi ko maigalaw ang mga mata ko nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko ngunit naramdaman kong may humawak sa balikat ko
"Dianne ang tagal mo eh kaya naisipan kong sundan ka dito"
Unti unti kong iminulat nag mga mata ko
"Oh? bakit parang nakakita ka ng multo"
"Oo Shane nakakita nga ako umuwi na tayo bilis"
"Teka anong nakakita ka ng -- Ha? nakakita ka ng multo? as in?"
Oo tara na lumabas na tayo dito. Pagpihit ko ng pinto ayaw bumukas.
"Shit"
"Bakit?"
"Nakalock yung pinto"
"ANOOO?!"
"HEEEEEEEEEELLLLLLLLPPPPPPPPPP"
"Mauubos lang ang boses mo pate na rin ang lakas mo kakasigaw di nila tayo maririnig dahil nagsimula na yung party at sobrang lakas ng tugtog sa labas."
"HHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA"
Nakarinig kame ng malakas na tawa ng isang babae. Paglingon namen sa likod namen andun yung babaeng nakita ko kanina at papalapit siya ng papalapit samen
"Shane tulungan mo ako kailangan nateng makalabas dito"
Nagtulong kame para pwersahang buksan yung pinto
