Ang aga ko ngayon pumasok 4 pa lang ng umaga nandito na ako sa school ang aga kase ng service namen ngayon eh. Nakakatakot sa school ang dilim pa kase tapos ang konti pa lang ng mga tao.
Ayos din naman pala na maaga ako dahil ako nga pala ang may hawak ng susi ng room namen ngayon.
Pumasok na ako sa room at umupo nagbasa muna ako ng libro.
Biglang humangin at lumamig natural lang yun kase madaling araw pa lang eh kaya nagpatuloy pa din ako sa pagbabasa. Maya-maya parang may naguudyok saken na tumingin sa direksyon ng bintana.
Dahilan na rin ng sobrang kuryosidad lumapit ako sa bintana at sumilip.
Nagulat na lang ako ng may makita akong isang babae na nakaputi at nakalutang siya sa lupa at para siyang si sadako lahat ng buhok niya nasa harap ng mukha niya. Kinusot kusot ko pa nga yung mata ko eh baka kase antok pa ako.
Pero ng tinitigan ko ulit yung babae ganun talaga nakalutang talaga siya.
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH." nagtatakbo ako palabas ng room at nagpunta ako sa CR tapos isinara ko ang pinto at nagkulong doon.
Takot na takot ako naghilamos ako at tumingin sa salamin. Laking gulat ko ng pagtingin ko sa salamin andun yung babae na para talagang si sadako nilingon ko siya sa tabi ko at kinilabutan ako ng makitang lumulutang talaga siya dahil yung mga paa niya ay nakaangat pero hindi siya nakatingkayad.
Pumikit ako sandali at pilit kong sinasabe sa sarili ko na namamalikmata lang ako.
"Okay. Breath in breath out. Calm down." unti unti kong idinilat ang mga mata ko at tumingi muli sa salamin pero....
Nandun pa rin siya.
"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH." nagsisigaw ulit ako at nagtatakbo pagkatapos ay nadapa tako t na takot na talaga ako.
"Oh halika hija itatayo kita. Ayos ka lang ba?" sabe ng teacher ko
"O-opo M-maam." garalgal ang boses ko na nanginginig pa
"Ano bang nangyari? bakit ka sumisigaw at nagtatatakbo?" sasabihin ko ba? sigurado namang hindi sila maniniwala eh. Sino ba namang maniniwala sa multo diba? ikaw nainiwala ka ba?
Maniniwala lang naman sila na may multo kapag sila na mismo yung nakakita. To see is to believe daw eh.
"Wala po Maam may lumulipad po kaseng ipis sa may CR kanina eh." galing naman ng palusot ko
"Naku kang bata ka akala ko kung ano ng nangyari sayo halika na at magsisimula na ang klase"
***
Bakit ganun? kapag nagkukwento ka sa ibang tao na nakakita ka ng multo pagtatawanan ka nila o kaya sasabihan ng sus pang bata lang yung mga ganyan ang laki laki mo na multo pa din?
Tapos aasarin ka pa. "Naniniwala ka sa mga multo? bakit nakakita ka na ba? sige nga kung nakakita ka na ipakita mo din samen"
Sana nga magpakita din sa kanila yung multo ewan ko lang kung hindi sila magtatakbo sa takot. Kunwari lang yang hindi natatakot eh pero kapag nagkwento ka makikita mo nagtataasan na yung mga balahibo.
Sauce! Lokohin niyo lelang niyo. Takot din naman kayo sa multo eh! Amin amin din pag may time xD