16

60.7K 1.4K 55
                                    



"Merry Christmas!" Masayang bati ni Oscar kay Luna ng makita niyang gising na ito pagpasok niya sa loob ng kuwarto. Kanina pa siya gising, nakapag-exercise, nakaluto na ng almusal at nakapaglinis na siya ng bahay. Hinihintay niya lang talaga ito para sabay silang kumain.


Nangingiti akong umupo, "Merry Christmas din." Sabi ko naman. Aba, mukhang fresh si Weizman ah! Bagong ligo yarnnn? "Bukas pa ang christmas Weizman, 24 pa lang ngayon."



"Ganon na din yon, kaya merry christmas pa din. Come on kumain na tayo, nakaluto na ako ng breakfast." Aya ni Oscar at inabot pa ang kamay niya kay Luna para makatayo na ito. Kung siya medyo maaga magising kahit papaano itong si Luna alas dyis na talaga bumangon.



I feel famished when I saw the food on the table, hindi talaga ako magugutom kapag si Oscar ang kasama ko. He really cooks well, imagine one of the best chef in the Philippines always cook for me. Parang ibang level na yata ito! "Wala ka pasok today?" Tanong ko sa kanya matapos kong humigop ng mainit na kape.



"I will not go on my restaurant today until tomorrow. Need some day off and time to my wife." Sagot ni Oscar, beside binilinan naman niya ang mga tauhan sa restaurant niya habang wala siya ng dalawang araw.



"H-hoy! Wag mo nga ako nilobola-bola okay, time on your wife ka diyan!" My God bakit ba ganito itong Oscar na to!



"It's binobola Luna, not nilobola.." Pagko-correct ni Oscar, ganito talaga ang babaing ito kapag kinakausap mo ng mabilis, hindi niya mabigkas at maintindihan ng maayos ang sinasabi mo. But atleast Luna knew how to speak Filipino.


"Basta yon na yon!" Tsaka aalis tayo mamaya diba? Magdidinner tayo kila Abigail?" Excited na sabi ko!



"Yes, pero mamaya pa young gabi so puwede ka ulit matulog pagkatapos mong kumain." Suggestion pa ni Oscar, maglilinis lang din siya mamaya ng kanyang sasakyan pagkatapos nito. Tapos bago sila pumunta kila Gerald mamayang gabi ay dadaanan na lang nila ni Luna sa restaurant niya ang mga pagkain na dadalhin doon.


"Ayoko, hindi ako matutulog. Ang dami mo na nga sa aking pinapakain tapos papatulugin mo pa ako. Lagi na lang akong busog Weizman and I'm getting fat." Nakangusong sabi ko sa kanya, maybe it's one of perks living with a chef like Oscar. Laging may pagkain at lagi kang busog. Kaya lang tataba ka nga!


"Your not getting fat Luna, mas nagkalaman ka lang nang nandito ka na sa Pilipinas." Paliwanag ni Oscar.



"Pero sabi ni Abby tumataba daw ako." Tuloy naba-body conscious na ako eh pero hindi ko naman mahindian ang mga pagkain na niluluto ni Oscar para sa akin.



"Don't believe her Luna, binibiro ka lang nu'n. At isa pa kahit tumaba ka naman maganda ka pa din."


Napairap na lang ako, bolero talaga ang Weizman na to!





  Halos mag aalas sais imedya na ng gabi pero heto ako at nasa harap pa din ng salamin, I'm almost ready. Si Weizman naman kanina pa katok ng katok sa pintuan dahil anong oras na daw. Im wearing a color red backless haltered dress and paired it with a wedge black shoes. Manipis lang din na makeup ang nilagay ko at tanging kulay pulang lipstick lang din ang nagbigay kulay sa mukha ko.



"Damn.." Piping mura ni Oscar ng makita si Luna, she looks so stunning tonight!
Worth it pala ang paghihintay niya na matapos ito sa pag-aayos.



"Don't give me that look Weizman, alam kong maganda ako." Sabi ko dito, he's looking me intently.



"Tsk, your getting boastful you know that." Kontra agad ni Oscar.


"Im not, so ano na? Im ready! Let's go."



Pinintahan muna ni Oscar ang suot ni Luna, kung huwag na kaya kaming pumunta sa bahay nila Gerald? Kakain lang naman kami doon, tsaka puwede ko namang iutos na lang na dalhin kila Gerald yung pagkain diba? Parang mas okay kainin itong si Luna eh. "You exposed too much skin Luna, kita na ang likod mo." Puna niya sa suot nito, yes her dress is beautiful and really suits her but still her skin is too exposed.



"Backless nga kase tawag dito." Sagot ko naman, ang dami talagang arte ng Oscar na ito eh.


"And it's too short."



"Too short? Eh hanggang tuhod ko nga ito so paano naging too shorts?"



"You can change your dress Luna if you want, hihintayin kita dali."



"No way! Bahala ka diyan. Kabibili ko lang nito no! And I will not change this for you!"

"Aba't.. Ang tigas talaga ng ulo ng babaing ito." Walang nagawa si Oscar kung hindi sundan si Luna na nauna ng lumabas ng bahay.




We're on our way on his friends house, ang dami pala na pinahandang pagkain ni Weizman para sa dinner namin ngayon sa bahay nila Abigail. Walong putahe lahat at sa malalaki pang tray nakalagay.



"Lahat ng inaanak ko Luna nandoon for sure." Nakangiting sabi ni Oscar habang nagmamaneho, siguradong makikipag-kulitan na naman sa kanya ang mga kambal ni Hunyo at lelecturan naman siya ni Miracle na anak nila Eros at Sienna tungkol sa mga nabasa na nitong libro.


"You like kids.." I told him out of nowhere.



"Yes, ako na lang ang walang anak sa mga kaibigan ko, and of course I want to have my own child. Lugi ako kapag pasko eh." Napapailing na sabi ni Oscar, lahat ng anak ng mga kaibigan niya ay binibigyan niya talaga ng pamasko. Tatlo ang anak nila June at Angela, at yung bunso ang talagang inaanak niya. Sina Eros at Sienna naman ay dalawa ang anak at pareho niyang inaanak ang mga ito. Sila Abigail at Gerald ay dalawa din ang ang anak, yung panganay naman ang inaanak niya doon. Tapos sina Micheal at Lily ay quadruplets naman at lahat yon ay inaanak niya. So eleven lahat ang mga inaanak niya sa mga kaibigan pa lang niya.


Natahimik ako, so he really love to have his own kids? Natural hindi naman bumabata si Weizman at isa pa stable na ito sa buhay kayang-kaya na nito bumuhay ng sariling pamilya.
"Who's Lily? Sabi ni Sienna kanina makikilala ko na daw si Lily mamaya."

"Asawa siya ng friend namin, si Micheal. Medyo magulo din ang sinapit ng relasyon ng dalawang yon so matagal nawala. But now dito na din sila sa San Juaquin nakatira."
Sagot ni Oscar.


"Hmmn.. I see, so every christmas you really gather for dinner?"

"Not every year, kase puro pamilyado na sila. Last year nga naki christmas lang ako kila Eros eh. Tapos noong new year kila June naman ako. Im living alone remember? Malungkot mag celebrate mag-isa." Paliwanag ni Oscar, but he used on that already. Specially on his birthday, minsan aakyat na lang siya sa Baguio para bisitahin ang restaurant niya doon o kaya sa Olonggapo. But one thing he always wish for, sana next christmas may kasama na siyang mag-celebrate sa mismong bahay niya.

My Daks Chef (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon