28

54.7K 1.3K 106
                                    

Dedicated this chapter @ma catalina agustin salamat sa pakape😅🤗




Oscar keep working on his restaurant even if I'm pregnant and having a what you called "paglilihi" and that's okay. Napaka-hands on talaga nito sa negosyo kahit minsan sinasabi niya sa akin na hindi naman talaga dapat. But like now I went again with him on his resto, may mga naging kaibigan na nga din akong empleyado niya at mga regular costumer na kumakain doon sa araw-araw ba naman na pagsama ko.




"You can go on my office Luna, hindi mo naman kailangan mag-lagi dito sa kusina." Pang ilang beses na sabi ni Oscar.





"Im watching, kaya wag ka magulo." Saway ko sa kanya, chef Aldrin is cooking  seafood paella at natutuwa ako kapag hinahagis nito ang kawali.




"Pero mainit nga dito, baka makasama sayo." Sabi ulit ni Oscar, he's been more caring to Luna after he knew her pregnancy. May pagka-clumsy pa naman ang babaing ito kaya nga gusto niya ay nakikita ito palagi o kasama lagi. Kukuha na nga din siya ng kasambahay para hindi na sila ang maglilinis pa ng bahat at para din may kasama si Luna kapad lumaki na ang tiyan nito. Hindi naman kase niya ito puwedeng akayin dito sa restaurant niya palagi.





"Tumigil ka diyan Weizman, kanina ka pa." Irap ko sa kanya. "Im still watching here."




Napatingin na lang ang naglulutong chef na naroon sa boss niyang si Oscar. Two weeks na din kaseng laging kasama nito si Luna sa Mid east. At naging masaya ang kusina nila sa kakulitan ni Luna, lagi kase itong may tanong tuwing nagluluto sila.




Napasandal na lang ang pagod na si Oscar sa lamesa na naroon habang tinitingnan si Luna na busy din sa panonood sa pagluluto ng chef niya, hindi talaga ito sumusunod sa kanya. Tapos kapag siya ang nagluluto puro puna naman ang inaabot niya kesyo bakit ganoon at bakit ganyan but in the end kakainin naman nito ang luto niya, ng biglang pumasok ang isang empleyado niya at tinawag siya.




"Sir Oscar may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi ni Danica isa sa service crew ng restaurant.




"Sino daw? Sila Eros ba?" Tanong ni Oscar, kilala kase ng mga empleyado niya ang mga kaibigan niya.




"Hindi Sir, babae ho."



Nakakunot ang noong sumunod si Oscar sa empleyado, sino naman kaya 'yon?



Agad kong tiningnan si Weizman na palabas na ng kusina, babae daw? Sandali.. "Sige chef labas muna ako." Paalam ko kay chef Aldrin tsaka lumabas na din ng kusina para sundan si Oscar.





   "T-trina?" Tawag ni Oscar sa isang babae ng makilala niya ito matapos lapitan.




"Oscar!" Agad niyakap ni Trina ang binata. "How are you? Ang tagal natin hindi nagkita ah."



"Its really you, yeah it's been years. So kamusta na? Ano palang ginagawa mo dito at buti alam mo ang restaurant ko?"



"Naglilibot-libot lang, galing ako sa isang resort sa Estrella then nadaanan ko itong Restaurant mo, of course I knew your place so I tried my luck to drop by here kung nandito ka."




"Oooh I see, come let's seat." Aya ni Oscar sa dalaga. Naging kaklase niya ito noong nag-aral siya sa isang culinary school, mahilig kase siya mag-enrol sa iba't-ibang eskuwelahan ng nag-uumpisa pa lang siya sa pagnenegosyo 'yong mga short courses lang para mas magkaroon siya ng idea sa tamang pagluluto. And yes they dated before pero hanggang doon lang 'yon, wala kaseng spark kapag magkasama sila.




My Daks Chef (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon