33

55.7K 1.4K 84
                                    


Happy new year! Welcome 2022🖤


We are now going somewhere, yes somewhere na naman pero atleast hindi ako nakapambahay katulad ng dalhin ako ni Oscar sa Baguio. I am now 6 months pregnant, at nalaman namin kahapon na lalaki ang magiging unang anak namin. "Saan ba talaga tayo pupunta Weizman?" Tanong ko ulit sa kanya, kanina pa ako naiinis sa taong ito dahil hindi man lang sinasabi kung saan ba talaga kami pupunta.



"Basta nga, relax ka lang diyan." Nakangiti pang sinulyapan ni Oscar ang asawa, he have a surprise for her at ilang buwan niya din itong pinag-handaan.





Ilang sandali pa nakarating na kami sa lugar na hindi ko inaasahan ang makikita ko, hindi naman kami umalis ng San Juaquin dahil nandito lang din kami sa bayan ng Caspir. "Weizman.." tingin ko sa kanya na hindi pa din makapaniwala.




"This is my surprise for you." Masayang sabi ni Oscar at inalalayan pa si Luna papasok sa kakapatayo pa lang nilang bahay. It's a two storey modern house, pinagawa niya ito para kay Luna at para na din sa bubuuhin nilang dalawa na pamilya. "Come on, pumasok tayo sa loob." Aya niya pa dito.



Im so surprised right now, is this for real? O baka chinacharot-charot lang ako ni Weizman. It's a fully furnished two storey house, ang ganda sa loob lalo pa at may mga gamit na. May malawak na sala kung saan bida ang isang 65 inches tv. Meron din pang-waluhang lamesa sa dining area, at ang kusina! Siyempre fully equips din. From the two door refrigerator, to gas stove range at kung anu-ano pang appliances na pang kusina ay meron.



"Si Hunyo ang gumawa nitong bahay, at tumulong sa akin sa pag-design." Sabi ni Oscar, natutuwa siyang makita na mukhang nagustuhan ng asawa ang bagong bahay nila.




"Seryoso ba to' Weizman? O baka prank lang ito ah." Tanong ko sa kanya habang binubulatlat ang ref, may mga laman na ito at ang daming pagkain!



"Of course, I'm serious Luna. I want to live here with you and with our baby." Excited na sabi ni Oscar, he can't still believe until now that they are having a baby boy! At ilang buwan na lang makakasama na nila ito.
"Come on, akyat tayo sa taas."




Sumunod lang ako kay Weizman, limang kuwarto ang nasa itaas including the guest room. Mero'n din maliit na living room doon. Bawat kuwarto ay iba-iba ang motif, ang isa ay kulay green ang pintura, yung isa naman ay blue at 'yong dalawa pa ay kulay violet at mint green.


"This is the master bedroom.." Sabi ni Oscar ng buksan niya ang huling pintuan. "We have a huge bed here Luna kaya hindi mo na ako basta-basta mailalaglag sa kama."



Natawa ako sa sinabi niya ilang beses ko na kase itong nailaglag sa kama kapag natutulog kami. The room have a white theme color, napaka-linis tingnan. May malaking cabinet na tingin ko ay para sa mga damit namin, pero natuwa ako ng makita kong mayroong vanity mirror!



"Are you happy?" Hinila ni Oscar si Luna sa kama, siya ang nakaupo at ito ang nakatayo. "Yung katabi nating kuwarto ang gagawin nating nursery room." Dagdag pa niya, sakto at kulay blue ang pintura ng dingding no'n, naeexcite pa naman na siya mamili ng mga gamit para sa baby nila.



"Ang ganda ng bahay mo." Sabi ko sa kanya at muling pinalibot ang tingin sa loob ng kuwarto.



"Bahay natin, we're married Luna at sabi mo nga kung ano ang akin ay sayo din. So whatever I have it all yours too."



"At dito na tayo titira?"



"Yes if you want." Hinalikan ni Oscar ang umbok ng tiyan ni Luna, natuwa siya ng maramdamang sumipa ang baby nila. Parang maging ito ay excited na din sa bago nilang bahay.




"Thank you Weizman, hindi ko ineexpect ito."



"I know, and this is my surprise for you pero mero'n pang-isa." Sabi ulit ni Oscar.



"Meron pa? Ano naman 'yon?"



"Your clinic, sa labas lang ng subdivision na ito."



"C-clinic? You mean dental clinic?"



"Yes, may nabili akong lupa doon tapos pinatayuan ko ng dental clinic mo, I'm not sure if kumpleto ba lahat ng gamit na nabili ko but sabi ni Abigail 'yon daw ang mga kailangan doon." Paliwanag ni Oscar, katulong niya si Abigail sa surpresang clinic para kay Luna, alam niyang sabik na ito mag-trabaho at hindi din naman niya ito pipigilan pagka-panganak nito sa kanilang anak. "Kapag may kailangan pang idagdag sa mga gamit doon bibili na lang tayo."



"Weizman naman eh." Naiiyak kong tawag sa kanya.
Siyempre pangarap ko din ang magkaroon ng sariling clinic pero hindi ko naman ineexpect na ngayon na agad.




"I just want to make you happy and give you more reason not to go back on Israel Luna. I want you to stay here in the Philippines with me, and I want to work out this marriage, for us and for our baby." Sabi nga ng mga kaibigan niya bigyan niya lagi ng dahilan si Luna para huwag itong umalis at heto na nga.



Work out this marriage? "Hindi naman natin mahal ang isat-isa eh, lagi mo nga ako inaaway Weizman." Hindi ko maiwasang sabihin sa kanya, para nga kaming aso't-pusa palagi. I know I always pissed him, at alam ko din na nauubusan na din ito ng pasensiya sa akin but still lagi ako nitong iniintindi.




"Who said I don't love you?" Pinaupo ni Oscar si Luna sa kanyang hita, she really gain weight but he don't care. "I have something to say to you but please promise me that you will not get mad at me."



"About what?" Para naman akong kinabahan.



"Remember when you had your scholarship way back in Israel? Twice ka nag-exam for the scholarship diba."




"O-oo, paano mo nalaman?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya, yes dalawang beses ako sumubok sa scholarship exam, dahil 'yon lang ang tsansa ko makapag-aral. No one will gonna support me, ang kinikita ko sa part time job ko noon ay hindi naman ganoon kalaki at sakto lang sa pang-renta at daily expenses ko.



"Because you didn't really get the scholarship, you failed on that. But I helped you, I talked on the Dean officer on your school. Palalabasin na nakapasa ka sa scholarship mo in return ako ang magbabayad ng tuition mo."




"O-oscar.." Napatakip ako sa aking bibig sa sinabi niya.




"I know your dream is to be a dentist, at ayokong hindi mangyari ang gusto mong 'yon."



"P-pero bakit ngayon mo lang sinabi? B-bakit mo 'yon ginawa?" Tanong ko sa kanya, so all along hindi pala talaga ako nakakuha ng scholarship, at siya talaga ang nagbabayad ng tuition ko!




"Dahil gusto ko, dahil alam kong 'yon ang pangarap mo at magiging masaya ka kung matutupad mo 'yon. Believe me or not Luna, I love you. I love since then." Sabi ni Oscar habang nakatingin sa mga mata ni Luna. This is the perfect time to tell her about what he feel, so he did.

My Daks Chef (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon