CHAPTER 15

226 21 0
                                    

"I GOT IT. Don't worry, ako na ang bahala rito." Narinig ni Jeremiah na sabi ni Blaze sa kausap nito sa cellphone nang makapasok ito sa loob ng inuokopa niyang kwarto. Ibinaba niya ang binabasang aklat.

"What's wrong?" tanong ni Jeremiah kay Blaze.

"Your dearest brother will come here. My tracker just informed me," sabi ni Blaze.

Kumunot ang nuo ni Jeremiah. "Dearest brother? Alistair?"

Tumango si Blaze. "Bakit may iba ka pa bang kapatid, maliban sa kaniya?"

Umiling si Jeremiah saka napabuntong hininga. "Ano naman ang kailangan niya sa akin?"

Blaze gave Jeremiah the obvious look. "Malamang titignan ka niya kung buhay ka pa ba o hindi na?"

Jeremiah tsked. "Hindi ko alam sa 'yo."

Blaze just chuckled.

Sabay na napatingin ang dalawa sa pinto ng kwatong inuokopa ni Jeremiah nang may kumatok doon. Bumukas ang pinto at pumasok si Alistair kasama ng dalawang nitong bodyguard. Hindi tumayo si Blaze at nanatili lamang na nakaupo sa sofa. Nagkunwari siyang nagbabasa ng magazine pero pasimple niyang inoobserbahan ang mga bagong dating.

"Alistair, what are you doing here?" Nakakunot ang nuo tanong ni Jeremiah kay Alistair.

"Of course, I heard what happened to you. So, I came here to visit you," sabi ni Alistair.

"Checking if I'm still alive?"

"Of course not, Jeremiah. But I'm here to see if you are not yet disabled. I heard that if the heir of Lim's Family is disabled. He will no longer have an importance in the company." Nakangising sabi ni Alistair.

Ngumisi rin si Jeremiah. He crossed his arms. "Really? I never heard of it. Or maybe I skipped it when I was reading the family's rule."

"You..."

"Okay, if you're just here to insult me, you better go." Seryosong sabi ni Jeremiah. "And to tell you, Alistair, I won't become disable. I survived the accident the other day. It's my luck." Ngumiti siya.

Alistair smiled. "It's really your luck. Okay. Aalis na ako. Binisita lang talaga kita."

"Thank you, I guess." Jeremiah said. And better if you won't come back.

Nang makaalis si Alistair, napabuga ng hangin si Jeremiah. Ibinaba naman ni Blaze ang hawak na magazine.

"Kailan ba ako pwedeng lumabas?" tanong ni Jeremiah.

"Nakausap ko na ang doktor mo, pwede ka ng lumabas ngayon," sabi ni Blaze saka kinuha ang bag na nasa sofa. "Nandito na ang mga damit mo. Hinanda ni Nanay Coring kanina."

"Really? Kapag magtatagal pa ako dito sa hospital, magkakasakit lang ako dito," Jeremiah said.

"Kasalanan mo rin lang kung bakit ka nandito sa hospital..."

"Oo na. Oo na. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin," sabi ni Jeremiah at bumaba sa hospital bed. Kinuha niya ang bag at pumasok sa banyo.

Hinubad ni Blaze ang suot na blazer at inayos ang ibang gamit ni Jeremiah at inilagay sa bag saka ito hinintay. Habang hinihintay ni Blaze si Jeremiah, nakatanggap siya ng text message galing kay Gabriel.

'Commander, your car is bugged. But don't worry, I already destroy it.'

Tumaas ang sulok ng labi ni Blaze. Sino pa ba ang gagawa no'n kung hindi si Alistair? Malamang inutusan nito ang mga tauhan nito na lagyan ng bugging device ang kotse niya pero minalas ang mga ito dahil na-detect kaagad ito ni Gabriel.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon