Three months later...
JEREMIAH can't help but to blew a big breath. Tumingin siya kay Storm at inginuso si Blaze na nakaupo sa sofa ng opisina niya. Nagkibit lang naman ito ng balikat. He sighed. He looked at Blaze. Kanina pa ito sa loob ng opisina niya. Pumasok ito sa opisina niya at umupo sa sofa ng hindi nagsasalita. Itinigil niya ang kaniyang ginagawa at tumayo. Nagtungo sa sofa at umupo sa tapat ni Blaze.
"You came here. What with that long face?" Jeremiah asked.
Inilapag ni Blaze ang isang envelope sa centertable. "I want you to keep it."
Kumunot ang nuo ni Jeremiah at hindi kinuha ang envelope. "Anong laman ng envelope na 'yan?" tanong niya.
"Don't worry. Walang illegal diyan. I just want you to keep it for me. Kapag may mangyari sa akin, ibigay mo 'yan kay Thea. Kung ibalik ni Thea, just say, it's my last wish," sabi ni Blaze.
Mas lalong kumunot ang nuo ni Jeremiah. "Ano bang sinasabi mo?"
Blaze smiled. "Jer, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa susunod na bukas. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong 'to." Aniya. "I just want to leave everything to Blaire."
"Blaze, is this..."
Tumango si Blaze. "It's my last will. Kapag may nangyari sa aking masama, remember to give it to Thea."
Jeremiah sighed. "Blaze, why are you doing this?"
"Jer, I don't know what will happen to me to this risky mission. I will continue my mission. Kung sinuman ang mabubuhay sa aming dalawa ni Alistair," umiling si Blaze, "ay hindi ko alam."
Kumuyom ang kamay ni Jeremiah. "Don't talk. I don't want to hear what you will say."
"Jeremiah, just do me a favor."
Napabuga ng hangin si Jeremiah. "Whatever." Kinuha niya ang envelope.
Ngumiti si Blaze. "Thank you."
Umiling si Jeremiah. Tumingin siya kay Storm. "Are you going to this mission too?"
Tumango si Storm. "Yes, Mr. Lim. Don't worry about your bodyguards, they are skillful. They weren't trained for nothing." Sabay tingin ni Storm sa mga bodyguards ni Jeremiah na nasa loob ng opisina.
"I'm not talking about that. What I wanted to say is take care. Both of you," sabi ni Jeremiah at bumalik siya sa sariling mesa.
Napabuntong hininga na lang si Jeremiah nang makalabas si Blaze at Storm sa loob ng opisina niya. Napailing siya at napatingin sa envelope na ibinigay sa kaniya ni Blaze. Natawa siya ng mahina. Inilapag niya ito sa gilid ng mesa niya at ipinagpatuloy niya ang kaniyang trabaho.
BINABASA MO ANG
Fast As A Bullet (COMPLETED)
General FictionBlaze Morales is a Secret Service Agent. He is a member of Secret Service Enforcement Agency. He was under the protective division of the Secret Service who are in charge of providing protective services. And Commanding Officer of the third division...