SA INIS ni Jeremiah naibato niya ang cellphone niya. Napabuga siya ng hangin at napatingin kay Storm na nakatingin sa kaniya.
"What?" He asked.
Umiling si Storm.He sighed.
It's been many days since Blaze left. At hanggang ngayon may ginagawa pa rin ito at hindi pa ito bumabalik. He even declined all his calls. Kaya naman nainis na siya at naibato na niya ang cellphone niya.
"Storm, kailan ba babalik si Blaze?" tanong niya kay Storm.
Kumunot ang nuo ni Storm. "Babalik? Anong babalik?"
Si Jeremiah naman ang kumunot ang nuo. "Si Blaze? Hindi ba nagpaalam siya na may gagawin? He told me na ikaw muna ang pansamantalang papalit sa kaniya bilang bodyguard ko? Iba lang ang mga pinadala niyang bodyguard na nasa labas ng opisina ko." Aniya.
"He didn't tell you?" Storm asked.
Mas lalong kumunot ang nuo ni Jeremiah. "Told me what?" he asked.
"Ako na ang bodyguard mo hangga't hindi nahuhuli ang gustong pumatay sa 'yo, Mr. Lim. Bumalik na si Commander sa Agency at kasalukuyan silang may misyon ngayon tungkol sa Dionysus Syndicate," sabi ni Storm.
"What?"
"Even Mr. Jeremy Lim agreed for this arrangement."
Napasandal si Jeremiah sa swivel chair. "So, hindi na siya babalik?"
Umiling si Storm. "Commander is now focused in Dionysus Syndicate, Sir."
Napabuga ng hangin si Jeremiah. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Tinignan niya ang mga bodyguards na ibinigay sa kaniya ni Blaze saka niya tinungo ang opisina ni Isabella na nasa tabi ng opisina niya.
"Don't follow me," sabi niya kay Storm na nakasunod sa kaniya.
Tumango ito at tumayo na lang sa labas.
Napailing si Jeremiah at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng opisina ni Isabella.
"Hi," bati niya sa dalaga.
Isabella looked at him. "You looked pissed."
He sighed and nodded his head.
Itinigil ni Isabella ang ginagawa at tumingin kay Jeremiah na umupo sa sofa. "Anong nangyari sa 'yo?"
"I'm fine. I'm just pissed of someone."
Kumunot ang nuo ni Isabella. "Hindi naman siguro ako ang kinaiinisan mo?" Aniya.
"Of course, it's not you. It's Blaze," Jeremiah said.
"Bakit si Blaze?" tanong ni Isabella.
"He left. Hindi na siya ang bodyguard ko. Hindi niya sinabing hindi na siya babalik sa pagiging bodyguard ko. He's not even answering my calls," sabi ni Jeremiah at sumandal sa sofa.
Tumingin siya sa glass wall. He looked outside.
"Baka naman may importante siyang gagawin," sabi ni Isabella.
Jeremiah sighed. "Mayroon nga pero sana sinabi niya naman para hindi naman ako nag-alala sa kaniya."
Tumayo si Isabella at naglakad palapit kay Jeremiah dala ang isang folder. "Tapos ko na pala ang pinapagawa mo sa akin." Ibinigay niya ito sa binata.
"Ang bilis mo, ah," sabi ni Jeremiah at kinuha ang folder.
Ngumiti si Isabella at umupo sa tapat ni Jeremiah. "You are kind to me so it's at least I could do for you."
BINABASA MO ANG
Fast As A Bullet (COMPLETED)
General FictionBlaze Morales is a Secret Service Agent. He is a member of Secret Service Enforcement Agency. He was under the protective division of the Secret Service who are in charge of providing protective services. And Commanding Officer of the third division...