Entry #1

1.1K 30 0
                                    

Kwadernong papel,

Hindi ko alam ilang araw na akong andito pero ang tanging alam ko eh binubuhay pa nila ako sa hindi malamang dahilan. Kung ano yon hindi ko iyon alam. 

Basta ang natatandaan ko lang ay ang digmaang ginawa namin sa pack na ito sa pangunguna ng aming Alpha female-rouge na si Vashiera. Na akala namin ay mapapasamin na ang teritoryong ito na pinamumunuan ng malandi at mahilig sa lalaki na si Perseus pero planado pala nila ito at talagang tinaraydor kami ng pesteng si Alleah dahil sa kanyang mate na isang pack warrior dito.

Sumunod ang pagkaubos at pagdanak ng dugo ng mga kasamahan kong babae. Puno na din kami ng galos ni Alpha Shiera pero wala sa grupo ang salitang susuko ng buhay. Lalong kinangitngit ng ngipin ko ay ang hindi pagpapakita ng mga namumuno sa mga ito. Tanging mga pack warriors lang. Hindi sana nangyari ang pagkaubos at pagkasira ng pinaka kinikilalang malalakas na purong babaeng rouge kung hindi dahil sa traydor. Nalinlang kami kaya halos kalahati ang nawala sa pwersa namin at nahirapan na kaming lumaban kahit galos kami kalalakas.

Ang huli kong naalala ay nasa kalagitnaan ng aking pakiki pagbuno ko habang nasa anyo ng aking   mala kayumangging asong lobo laban sa dalawang asong lobo ay bigla na lang akong nilundagan ng isang itim na itim na lobo kayat nasa italim ako nito at nadadaganan. Nagpumiglas ako ngunit malakas akong kinagat nito sa may balikat kaya napa angil ako kasabay noon ay pagdidilim ng paningin ko.

Nagising na lang ako dito sa puting puting kwarto na wala ni isang bintana. Buti nga may sarili akong banyo may bintana nga kaso maliit at may pilak na rehas. Hayop! Bibigyan lang nila akong pagkain at damit pagkataon ay wala na. Pasalamat at may nakita pa akong bag sa ilalim na may lamang kwaderno kung saan ay ikaw na sinusulatan ko at syempre panulat.

Basta! Tinatamad na akong magsulat. Babalik na lang ulit ako at babalikan ko ang gagong lobong kumagat sakin. Ang itim na lobong iyon! Makikita nya! Maghahalo ang balat sa tinalupan. Hmph!
Hindi ako tinatawag ng mga kasamahan kong tarantado ng wala lang.

Beta-rouge na maganda ang sulat,
Astharine

Your Villain Mate, Astharine (COMPLETED)- Journal VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon