Entry #3

422 17 0
                                    

Baklang Perseus,

Sayo ko na ito papangalan. Bakit? Kasi bwiset ka! Kasi sa dami ng lobong magiging katuwang ko ay talagang sa bakla pa na iyon!!!

Kaya pala hindi ako pinakakawalan o kaya ay pinapatay. Kasi alam ko walang sinumang mga rouge ang nabubuhay matapoa tumapak sa pack na ito. Pero mas gugustuhin ko na mamatay kaysa maging mate ng peste'ng bakla ito! Napakalandi!!

Pumasok ba naman dito ng nakahubad pang itaas at talagang nilalapit sa katawan ko. Gusto kong mangdiri sa kalandian nya pero pati katawan ko traydor na din! Nakakaramdam ako ng init ng kalamnan!!! Hindi porket meron syang anim na pandesal sa dyan, magandang katawan, at napakararismatic na personalidad, dagdagan pa ng kulay abo na mata ay hindi ko hahayaan na halayin ko sya--- ibig kong sabihin ay bibigay ako sayo!! 

Sa sobrang inis ko sayo tinangka kitang ibalibag kaso dahil malandi ka ng bakla ka ay sinama mo ako sa pagkatumba mo na sinamahan pa ng nakakarindi mong tili, Putcha!

Malala pa ay talagang nginisian mo pa ako dahil sa nakita mo ang inis sa mukha ko at talagang hinalikan mo ako bago akong tinulak! Tama! Ikaw pa ang nanulak! Tapos sasabihin mo,

"Pwede na sis. Lasang mint na strawberry yong labi mo. Sarap ngatngatin. Mukhang hindi na ako magpapatasya sa mga lalaking gigolo ko! Bongga!"

Sinundan mo pa ng pagtaas-taas pa ng kilay mo na parang manunuya at nilabas pa ang labi mo na parang nilalasan na kung ano sa labi mo!!

Tangina!! Bakla ka!!

Buti na lang tinigil mo iyon at lumabas ka dahil sigurado ako kung nanatili ka, ang biro mo ay sapilitan kong totoohanin at kahit hindi ka mabubuntis ay bubuntisin kita bakla ka!!! Kaya lubayan mo ako malanding bakla!

Your villain mate,
Astharine

Your Villain Mate, Astharine (COMPLETED)- Journal VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon