Baklang Perseus,
Simula ng dumating ang mga magulang mo naging abala ka nasa pagiging alpha ng pack na ito. Kaya gabi ka na lang nakakauwi at kasabay noon ay ang pagiging omega ko sa pack na ito. Oo, Perseus. Itinalaga ako ng iyong ama bilang omega ng teritoryong ito kapalit ng pananatili ko sa tabi mo. Lahat ng naririto naging saksi sa pang-aalipin ng iyong magulang sa harap ng lahat pero ayos lang dahil mas mahirap ang nararanasan namin noong rouge ako kasama ang mga kasamahan ko. Dito nga lang, nakikita ko ang awa ng lahat sa kanilang mata at hindi nakakarating sayo dahil sa takot sa banta ng iyong ama na kikitilin nya ang buhay ng lobong magsasabi sayo. Habang wala ka, latigo o pamalo ang tumatama sa katawan ko buti n lang at madali itong maghilom dahil sa pagiging lobo ko.
Kahit masakit at mahirap, kung makasama ka naman ang dahilan...
Handa akong gawin lahat at makipagpatayan... Basta hanggang sa gugustuhin mo.
Your villain mate,
Astharine
BINABASA MO ANG
Your Villain Mate, Astharine (COMPLETED)- Journal Version
FantasyDiary? Nah! I will call it Journal. It is! Hi! This must be the purpose of my entries. For you, to know what I had in my mind and true behind of my all action. I love you as who you are not only because you are my mate, it is because for you are moo...