Kwadernong papel,
Gusto kong magwala at mainis dahil naiinip na ako dito. Buti na lang at nakakausap ko pa ang wolf ko na si Wrije. Nagkasundo kami na tatakas kami sa kahit anong paraan. Hindi kami papayag na mabulok dito sa kwarto ito. Naghihintay pa ang mga kasamahan namin. Alam ko!
Muntik na sana!
Naisahan ko iyong nadala sakin ng pagkain. Porket babae ako ay mamaliitin na nya ako. Tumatakbo ako bilang isang asong lobo at malapit na ako sa border ng pack na ito ng bigla na naman akong dambahan ng itim na lobo. Peste!
Handa na sana akong laban ito kaso nakaramdam na lang ako ng hilo at parang naparalisa ako. Hindi ko maigalaw ang sarili ko. Hindi ko man naisin ngunit bigla nalang nawala ai Wrije at bumalik ako sa anyong-tao. Nanghihina kong nakapa ang syringe sa leeg ko.
Tangina! Mukhang mag-aala Snow White ako kaso syringe ang ginamit sakin. Buti sana kung may prince charming kaso wala!
Bago pa ako matumba sa lupa ay isang matipunong braso ako lumapat na naghatid pa ng kakaibang init sa katawan ko. Nanlalabo ko itong tiningan ngunit unti-unti na akong inaagaw ng dilim at hulinh narinig ko ang ang salitang...
"Bongga sis! Maganda ang katawan mo! Nakakainggit!"
Putcha! Si Bakla!
Beta-rouge na tinatamad pero maganda pa din ang sulat,
Astharine.
BINABASA MO ANG
Your Villain Mate, Astharine (COMPLETED)- Journal Version
FantasyDiary? Nah! I will call it Journal. It is! Hi! This must be the purpose of my entries. For you, to know what I had in my mind and true behind of my all action. I love you as who you are not only because you are my mate, it is because for you are moo...