Prologue

532 71 62
                                    

·:*¨༺ ༻¨*:·

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.·:*¨༺ ༻¨*:·.
ELIORA

MY FEET ARE hanging as I sit dangerously at the edge of the window at the highest point of this tower, staring in admiration over the magnificent town of Alcadia. I was born and raised in this magnificent town, but I was never given the chance to wander around and get to know the people.

I shiver when a gust of cold wind brushes against my bare skin. Winter's coming, and that's my favourite season! I tucked a few strands of hair behind my ear and continued to stare at the busy people working on the town and the children playing in the park.

"How I wish I could walk freely around the town, too..."

I sighed in despair, knowing I couldn't do that. Because I don't have a choice. My own family confined me permanently to this dark side of the castle, cut off from the rest of Alcadian.

Ni hindi ko na maalala kung kailan ako simulang itago rito ng pamilya ko. Siguro simula nang ipanganak ako ay dito na ako ikinulong dahil wala ako ni isang memory na nakalabas ako mula rito sa tower. Buong buhay ko nandito lang ako. Nakakulong.

Ang tanging nakakabisita lang sa'kin dito ay ang kakambal kong si Annalyn – na patago at tuwing gabi lang nakakadalaw, at kasama ko naman ang mag-asawang si Manang Imelda at Manong Ronald na nagpalaki at nagtiyagang nag-alaga sa'kin simula pagkabata ko. Si Ate Sally na naging teacher ko simula pagkabata ko hanggang magdalaga ako, at minsan napapadpad din ang magulang ko rito na mabibilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses nangyari 'yon.

"Princess Eliora bumaba ka nga r'yan at baka mahulog ka!" Agad akong napalingon kay Manang Imelda na nakahawak pa sa kanyang dibdib dahil sa kaba.

"Nay! Mas lalo nga akong mahuhulog dahil sa pagsigaw mo." Natatawang sagot ko. Nanay na rin ang tawag ko kay Manang dahil siya na ang nagpalaki sa'kin.

"Halika na't kakain na tayo. Bumaba kana r'yan! Ikaw talagang bata ka, aatakihin ako sa mga ginagawa mo!"

"Ang ganda po kasi ng view dito, e. Tanaw na tanaw ko ang buong Alcadia."

I heard Manang Imelda sigh as I heard her footsteps approaching me. She reached for my hand, gently squeezing it.

"Konting tiis nalang at makakalabas ka rin dito Princess Eliora." I looked over my shoulder and slightly smiled at Manang, who had a sad look on her face. Ilang beses ko na bang narinig mula kay Manang Imelda 'yan? Hindi ko na mabilang dahil hindi naman nagkakatotoo.

Sandali kaming natahimik ni Manang bago ko mapagdesisyonang umalis sa pagkakaupo sa bintana. Ramdam ko na rin kasi 'yong kaba ni Manang Imelda dahil ang higpit nang pagkakakapit niya sa kamay ko dahil sa takot na mahulog ako.

"Siya nga pala at nagdala ng paborito mong pagkain si Princess Annalyn kanina."

"Babalik pa raw po ba siya?" agad na tanong ko. Nginitian ako ni Manang bago dahan-dahang tumango kaya napangiti agad ako.

Ever After #10: Behind The Icy GlareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon