THHVP - Chapter 2 ♡

358 23 17
                                    

Chapter 2 ♡

"And where do you think you're going?"

Manyak ata itong lalaking ito eh? Di kaya? Yakap niya ako! For the record! At husky voice pa siya! Pero ang alam ko prohibited yung pag-inom dito eh? O di ko lang talaga alam kagaya nung kaninang mag-syota na naglalampungan dun? Nakapikit ako at huminga ako ng malalim. Ready na ako para i-hagis siya paharap.

1..2..3.. Pero pag mulat ko, nawala ang readiness ko dahil nandirito na ako ngayon sa may likod ng school building! Oo alam kong likod ito dahil may eskinita na ngayon doon kami nakaharap. Paano? Teka? Di naman kami gumalaw ah?

Huminga ulit ako ng malalim habang nakapikit tsaka minulat ang mata ko.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!"

Sigaw ko yan na para talaga sa pwersa ko para mapatumba siya sa harap ko, pero yang sigaw na yan dahil itulak ba naman daw ako sa may eskinita?! Ang sakit sa likod nun!

May street light sa kinatatayuan ko ngayon pero papatay patay iyon. Naririnig ko ang tunog ng sapatos niyang papalapit sa akin. Ano ba ang lalaking ito? Holdaper? Magnanakaw? Manyak? Naka-drugs?

"Wala ako sa mga nasa isip mo.."

Ayan na naman ang nakakakilabot niyang boses. Nangangatog na talaga ako. Pero wait! Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Mind reader ba siya? Baka naman baliw itong lalaking ito? Tapos isa siyang serial killer? O kaya bagong labas sa mental gaya nung sa Wrong Turn? Kyaaaaaaaaaahh! Gusto ko pa mabuhay!

Papalapit na siya sa akin at naaaninag ko na ang labi niyang naka-smirk sa akin. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay iyong ngipin niya! Ay hindi! Hindi ngipin yun! Pangil iyon! Kyaaaaaaaahh! Binabawi ko na po yung sinabi ko kanina kay Kuya Nicolo na gusto ko magpakagat sa mga bampira! Malay ko bang magkakatotoo diba? Masama magkamali?

Luminga linga ako sa paligid ko. Naghahanap ako ng pwedeng matakbuhan ang kaso hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga daanan na iyon!

Mga limang steps na lang siguro siya bago sa akin at nakikita ko na ang buo niyang mukha! Siya yung nakita ko doon sa gilid ng school! Yung sinasabi kong Out of Place kasi tumabi ba naman sa dalawang naglalampungan!

"For your information, hindi sila naglalampungan.."

Nasa tapat ko na ang bampira! Kyaaaaaaahh! Malay ko bang ganito sila ka-gwapo sa malapitan. Ang kaso nga lang mapula ang mga mata nila na parang may sore eyes tapos may pangil siya! Pangil!

"A-ah-e-eh a-anong g-ginagawa nila?"

I manage to say pero lumapit lang siya ng mas malapit pa sa akin na parang hahalikan niya ako. Kyaaaaaaaahh!! Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pero naramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko atsaka bumulong.

"Gusto mo malaman?"

Matapos niyang sabihin yan na naging dahilan ng pagtaas ng lahat ng buhok ko sa katawan, bigla na lang akong nakaramdam ng parang may tumusok sa leeg ko! Napaka sakit! Hindi ko na kinaya. Kung yung babae na nakita ko kanina ay parang high na high, ako naman nahimatay!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Nagising ako sa isang kwarto na saradong sarado dahil sa mga kurtinang di ko malaman kung gaano kakapal. Hirap siguro nun labhan? Teka! Bakit ba yung kurtina ang iniisip ko na imbes na isipin ko kung nasaan ako?!

Tumayo ako sa hinihigaan ko tsaka lumabas ng kwarto ko. Malaki ang bahay kaya nagpalingon lingon muna ako. Nakakita ako ng hagdan kaya pinuntahan ko na yun ka agad pero bababa pa lang ako ng isang hakbang, biglang bumukas yung pinto sa may medyo tapat ng hagdan kaya nagulat ako.

Akma na akong babagsak ng hagdan at ready na nga akong magpagulong gulong doon pero nagulat ako sa isang hangin tapos may nakahawak na ngayon sa beywang ko.

Ang pwesto namin parang naka-liyad ako tapos siya naman nasa harap ko at yakap ng isang kamay niya ang likurang beywang ko. Poker faced lang siyang naka-tingin sa akin at ako naman nakatingin lang din sa kanya. Mga ilang minutes kaming ganun ang pwesto nang biglang may tumawag sa baba ng hagdan.

"Vlad! Magtitinginan na lang ba kayo dyan? Kakain na oy!"

Inalis niya yung braso niyang nakapulupot  sa beywang ko tsaka iniwan akong naka-tulala doon. Bumaba na siya without Good Morning man lang? Matapos niyang gawin yun sa akin kagabi? Parang wala lang nangyari? Nawala na ang akin! Tsaka masakit iyon nung ginawa niya!

"Ah hello Miss? Okay ka lang?"

Nakita kong may lalaking kumakaway kaway sa tapat ko. Bumalik na ako sa sarili ko tapos ngumiti na lang ako sa kanya at nakita ko namang ngumiti din siya sa akin.

"I'm Eldon Fane Fabian, pinsan ni Vlad"

"I'm Abigale Nicole Ferreira, Abby na lang"

Aabutin ko na sana ang kamay ni Eldon ang kaso may hangin na dumaan sa harap namin and at this moment, hawak na ni Vlad ata un? Oo Vlad yung kamay ko at siya ang ka-shake hands ko.

"Ok Nicole, I'm James Vladimir Monteiro at halika na at kakain na tayo ok?"

"Ah-eh t-teka lang Vlad, si Eldon kasi.."

"Hayaan mo yang pinsan ko marunong yan bumaba!"

Hinatak niya na kasi ako ka agad matapos niyang magpakilala at makipag-shake hands sa akin na dapat kay Eldon ako makikipag-shake hands. Ano bang problema nitong Vlad na to?

Pagkaupo ko pa lang ay sa akin nakatingin ang mga tao doon. Oo mga! Nandito ata buong angkan nila eh. Bakit ba kasi ako nandito? Pero wala naman dapat akong dahilan para kabahan dahil mga nakangiti sila sa akin lahat.

Nakaupo ako ngayon katabi ni Vlad sa table. Sila kumakain ng maayos, ako parang out of place na awkward. Asar kasi. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandirito!

"Ah iha, kailangan ninyong magpakasal ni Vlad sa lalong madaling panahon"

Kaka-subo ko pa lang ng pagkain nun kaya nabulunan ako ka agad. Tapos nagulat ako dahil halos lahat sila ay biglang nagbigay ng tubig sa akin. Grabe naman daw po pala sila ka-hospitable ano po? Pero ano yung kasal na iyon? 18 pa lang ako for goodness sake! Wala pa yun sa plano ko!

"A-ano po?"

"Kapag sinabi kong sa madaling panahon, ibigsabihin nun mamaya. Kaya nandito na kaming lahat!"

This time, si Vlad naman ang nabulunan. Buti siya gumawa ng nasa isip ko na gawin. Eh kasi parang shunga pag nabulunan ako eh hindi na ako kumakain dahil nanlalaki ang mga mata ko sa pinagsasabi ng lalaking nasa gitna naka-pwesto ng mahabang rectangular table na ito. Masasabi kong papa ata ito ni Vlad?

"Anong mamaya Pa?! Eh magagalit ang mga magulang nito!"

Yung nito na sinasabi niya is me yours truly. Kung maka-nito siya parang pusang gala lang ako sa kanto na ayaw niyang pakasalan. Pagkatapos nang nangyari sa amin kagabi! Di niya ba inisip na masakit iyo?!

"Ah-eh. Tama po si Vlad. Eh paano naman po ang mga magulang ko? Hindi man lang nila makikita na ikasal ako ganun po"

"Eh di makikita nila! Bilisan niyong kumain lahat dyan at pupunta tayo sa bahay nila!"

Napa-yuko na lang ako. Ano ba itong napasok ko? Nawala na nga ang sa akin. Well, hindi naman kasi pagkababae ko ang pinatutungkulan ko dun kundi yung dugo ko! Tapos magpapakasal pa ako dito sa isang ito. Tapos ano pang sunod? Sana hindi pumayag sila Mommy! Sana..

--*

Vote naman po kayo tapos comment. Nagmamakaawa po ako. Hahahahaha so un! Hope you enjoy it. Tapos ano pa ba? Ah salamat po sa pagbabasa. God bless us all :*

The Half Human Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon