Happy Vacation! :)
Enjoy........ Please vote my story. Thankyou :))))
***
"WOW" Tatlong letra lang ang masasabi ko ngayon.
"W-O-W" Napakaganda ng lugar na ito. Para ito isang paraiso na punong punong ng mga magagandang bulaklak. Kitang- kita rin ang kabuuhan ng kamaynilaan. Sobrang liwanag nagdadala ang mga ilaw sa buong syudad. Sobrang presko ng hangin na parang gusto ko ng tumira dito. Baket wala akong alam na ganitong lugar?! Nakakainis naman, minsan nga try kong magadventure para makanap rin ako ng ganitong lugar.
"Ang ganda dito!" Sabay lapit ko kay Sean at umupo din sa tapat ng kotse nya.
"Yah, This place is my comfort zone. Dito ako pumupunta pag masyado akong depressed or malungkot. Dahil pagandito ako nawawala ang mga negative thoughts ko sa buhay." Nakangiti nyang sabi nung una pero parang bigla na lang sya lumungkot na parang may naalala syang hindi magandang pangyayari. Pero nagtataka ako kung baket niya ko dinala dito sa comfort zone nya. Ako pa lang ba ang unang babae na dinala nya dito? Maybe not, sa playboy nyang yan baka lahat ng babae nya nadala nya na dito.
"Siguro iniisip mo kung may ibang babae na ko dinala dito noh?" Tingnan mo tong lalakeng to. Mind reader ba to at nababasa nya ang nasa isip ko. Bigla na lang ako kinabahan at baka kung ano pa ang mabasa nya sa utak ko. Omygee, baka serial killer din to? Hay nako, erase erase sa mind ko at baka mabasa niya pa to at ipapatay pa ko nitong playboy dahil pinagiisipan ko sya ng masama.
"Siguro, iniisip mo din na mind reader ako, pwes sinasabi ko sayo na hindi ako mind reader"
Baliw ba tong lalakeng to. Di daw mind reader pero nasabi nyang iniisip ko na mind reader sya e yun naman talaga iniisip ko. Baliw talaga to.
Nagulat na lang ako ng bigla sya tumawa ng malakas. Baliw nga talaga sya. Bat sya tumawa ng wala dahilan.
"What's funny?" Tanong ko na nakakunot ng noo.
"Nakakatawa kasi yung mukha mo habang nagiisip e ha-ha-ha-ha. It's priceless hahahahahaha"
Tumawa nanaman sya. Baliw nga talaga tong lalakeng to.
"Oy, Mr. Playboy na baliw. Baliw ka nga talaga. Tumigil ka nga dyan sa kakatawa. Nakakainis ka na aaa"
Di pa rin sya tumigil sa kakatawa. Mas tumawa nga pa sya ng malakas habang nakahawak pa ang kanang kamay nya sa tiyan.
At dahil naiinis na ko may naisip akong paraan para tumigil sya sa kakatawa. Kumuha ako ng malaking bato at itinapon ko sa kotse nya.
"Oy Man-hater, anong ginawa mo sa kotse ko!" Sigaw nya saken na nakakunot ang noo na mukhang galit na galit. Buti nga sakanya. Bayaran ko pa kotse nya e.
"BUTI NAMAN TUMIGIL KA NA SA KAKATAWA. NAKAKAINIS KA NA E! TAWA KA NG TAWA NA PARA KA NG BALIW! BALIW KA NAMAN TALAGA E!" Sigaw ko din sakanya na inis na inis. Nung tumingin ako sa mata nya na nakatingin din saken. Ang kanyang mata ay puno ng concern at sincerity.
"Sorry na, Ang dali naman kasing basahin ang mukha mo kung galit ka o masaya ka o kung ano pa man ang iniisip mo. Kaya wag mo ng isipin na mind reader ako o kung ano pa man" Sincere nyang pagkakasabi na walang halong biro o ano pa man. Napagisip ko naman na totoo ba yung sinasabi nya madali lang talaga basahin ang mukha at ang emosyon ko.
"Fine, sa susunod kasi wag kang tatawa ng ganun. Nakakainis kasi ang pagtawa mo e"
"Okay, Sorry ulit"
Ilang minuto na kaming walang imikan. Nakakabaliw na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Siguro, panis na panis na ang laway ko dahil ilang minuto na kong hindi nagsasalita.
Magsasalita na sana ko ng inunahan nya ako.
"Si Kien ba ang dahilan kung baket ka man-hater? Kung baket ka galit na galit ka sa aming mga lalake at kung baket na hanggang ngayon kung baket di ka parin nag boboyfriend"
Di na lang ako sumagot dahil wala naman akong balak sabihin sakanyan ang mga nakaraan ko. Like duh, kakakilala pa lang namin tapos isheshare ko sakanya ang buhay. Ano sya chixx nyan!?
Nung namalayan ni Sean na ilang minuto na kong hindi sumasagot sa tanong nya. Nagsalita nanaman sya.
"Pwede ka namang magshare saken. Promise hindi ko ipagkakalat." Sabi nya na may pa taas taas pa ng kamay na nagpropromise sign. Napagtanto ko naman na pwede ko din naman ishare sakanya dahil ang pagkakasabi nya ay puno ng sinseridad.
"Hindi lang naman si Kien ang dahilan kung baket man-hater ako, kung baket galit na galit ako sa inyong mga lalake at kung baket din hanggang ngayon di pa din ako nagboboyfriend."
Tiningnan ko sya at seryoso lang syang nakikinig saken.
"Isa lang si Kien sa dahilan kung baket ako ganito. Si Kien ang first love ko at first heartbreak ko. Niloko lang naman nya ko dahil sa stupid dare na yan ng mga kaibigan nya."
Naalala ko nanaman ang lahat ng sakit na binigay saken ni Kien. Di ko namalayan na umiiyak na lang ako. May naramdaman na lang akong kamay na humahagod sa likod ko. Tiningnan ko si Sean at sersoyo pa rin sya parang gusto nyang ituloy ang sasabihin ko.
"Pero di ko alam kung baket two years na ang na kalipas pero di parin natatanggal ang sakit sa dibdib ko. Di pa rin talaga ako nakakamove-on. Pinatawad ko na sya pero ang hirap makalimot. Ewan ko ba parang gusto ko ng saksakin ang puso ko para makalimutan ko na ang sakit. Tapos ang daddy ko naman na akala ko ay sya na ang perpektong magmahal sa mommy ko. Niloloko din kami. Sya ang unang lalaki sa buhay ko na akala ko na hindi kami lolokohin kahit kelan, na hindi magsisinungaling pero ginawa pa din nya. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko at para gusto ko ibagok ang ulo ko para magkaamnesia na ko at makalimutan ko na to ng tuluyan."
Bigla na lang niya ko niyakap. At hinahagod-hagod pa nya ang likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak sa braso nya. Di ko alam kung ano nararamdaman ko pero I feel safe pagkayakap ko sya.
"Di ko alam kung ano ang nararamdaman mo pero andito lang ako kapag kailangan mo ng kausap o kayakap. Andito lang ako kapag kailangan mo ng kaibigan. Sana wag mo naman saksakin ang dibdib mo dahil marami pa naman nagmamahal sayo. At sana din wag mong ibagok ang ulo mo para magkaamnesia ka dahil ang utak lang ang nakakalimot at hindi ang puso." Lumayo ako ng kaunti at tumingin ako ng diretso sa mga mata nya na punong puno ng sinseridad at pagaalala. Ang dalawang palad nya ay nakahawak sa aking mukha.
"I can be your superman in times you're in trouble or you need a shoulder to cry on. Alam kong sa maling oras tayo nakapagkita. Galit ka sa akin dahil lalake ko at specifically dahil I'm a playboy pero sana bigyan mo ko ng another chance to prove to you that i'm a better man. I will help you to move-on. I will help you to forget all the pain"
Nakatingin lang ako ng diretso sakanya. Di ako makapaniwala na ang isang playboy ay ganito ang sasabihin saken.
"Sean kasi anoooo------" Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil di ko masabi sa kanya. Feeling ko maooffend ko sya or what. Bahala na nga.
"Don't worry I'll give you a time to think about it" Tumango na lang ako bilang sagot. Buti sya na ang nagsabi nun. Feeling ko talaga maooffend ko sya if ako nagsabi nun. Siguro nabasa nya ulit sa utak ko na yun ang gusto kong sabihin.
"Let's go. I'll drop you home" Nakangiti nyang sabi at dumiretso na sakanya kotse.
At dahil masunurin ako ay sumunod na din ako sa kanya.
Feeling ko talaga bumait sya ng mga 5%. Mejo nabawasan kasi ang naughty side nya yung mapangasar kumbaga.
Bahala na nga sa mga susunod na mangyayari basta ang gusto ko na lang makapagpahinga.
***
Hi readers, sorry ang lame ng update. Sana ivote niyo naman ang story na to at magcomment na din kayo. Thankyou :)))))))
-babeeeyyyy

BINABASA MO ANG
Ms. Man-hater meets Mr. Playboy
RomanceWhat if, Ms. Man-hater meets Mr. Playboy? Magiging compatible ba sila sa isa't-isa? What if, Ms. Man-hater fell inlove to Mr. Playboy? There are many questions starts of WHAT IF. How can we able to answer that WHAT IFS. If we don't know the whole...