Chapter 3

12 0 0
                                    

 "Ay weh, na fall talaga?" asar saakin ni irish,

Kinuwento kasi ni Ella kay Irish yung nangyari kagabi, yung natapilok ako at na salo ako nung lalaki aka Yandrei, at panigurado eto namang si Irish ipapasa sa jowa niya. Kakagaling ko lang din sa cheerdance practice, at nandito kami sa dapitan bumisita kasi si Irish, since di naman daw siya sasama bukas kasi nga may date sila ni Sean.

"Oo! Yung lalaki na lumabas ng kwarto mo kagabi, siya yon, siya yung sumalo kay Vyana!" tawang tawang sabi ni Ella.

"OMG DID YOU GUYS DO SOMETHING?!" sigaw na sabi ni Irish, tangina napaka dumi talaga ng mga isip netong mga to.

"Hoy! Vyana, di mo yan saakin na kwento!" asar naman ni Ella,

"Gago! Napaka dumi ng mga isip niyo! Diba pumunta akong balcony, di ko alam na nandoon din siya!" paliwanag ko,

"Ohhhhhh, edi ano ginawa niyo?" tanong ni Irish,

"Nagusap," sabi ko,

"Ano pinag usapan niyo?" tanong ni Irish

"Cinonfort niya ako," sabi ko,

"Omg! Kiliggggggg!" kilig na sabi ni Irish amp,

"Tas kinuha din number ko kasi gusto niya daw maging friends" sabi ko,

"Huh?! Di nga?! Impossible! Yandrei doesn't want to be friends with a random stranger!" sigaw na sabi ni Irish,

"Maybe he likes you!" malakas na sigaw ni Irish, dahilan kung bakit ko tinakpan bibig niya,

"Irish, yung boses mo to the max na, hinaan mo," sita ko sa kanya,

"But I'm serious, maybe he likes you," sabi niya ulit,

"Naks, dapat pala mag heels na ako next time" sabat ni Ella,

"Jusko, lahat may malisya no! Kagabi lang kami nag meet gusto na niya ako kaagad?!" sita ko sakanila,

"Malay mo love at first sight!" sigaw ni Ella, at napairap na lang ako.

Umuwi na si Irish dahil ang rami pa daw niyang babasahin, veterinary medicine kasi ang course niya, kahit naman di yan mag aral ang tataas pa rin ng grade, sana ol!

7:00pm na nandito pa rin kami ni Ella ang dinner na namin itong BBQ, nagkwekwentuhan lang kami ni Ella, pero agaw pansin yung table sa likod namin ang ingay, mga lalaki nag aasaran,

"Pre, hina mo naman dapat inamin mo na kaagad!"

"Are you out of your mind? Kakameet pa lang namin,"

"You said you like her,"

"No di ko yon sinabi, ang sabi ko nagandahan lang ako di ko sinabi na gusto ko siya," narinig kong mga asar nila, familiar din boses ni kuya,

Habang nakikinig ng mga asaran nila, hehe chismosa ako eh, bigla na lang ako hinampas ni Ella sa braso,

"Hoy! Earth to Vyana!" sigaw niya,

"Ano ba?" tanong ko,

"Kanina pa kita kinakausap bobo," sita niya,

"Napaka chismosa mo talaga," sita niya ulit,

"Grabe siya," sabi ko,

Tumawa na lang siya at may biglang umupo sa table namin si Renz.

"Huy! Vyana, Ella kamusta mga plato natin?" tanong ni Renz,

"Oks lang rami nga eh," reklamo ko,

"Wow nahiya ako pinaka magaling na ID student," pambola saakin ni Ella,

Faith and Love of an EagleWhere stories live. Discover now