Chapter 6

30 0 0
                                    


"Cookie and Cream daw, ano yon tol?"

"Sira walang flavor na ganon sa Starbucks,"

Na sa milktea shop kami ngayon nila Ella, Sean, umuwi na si Irish mag aaral pa daw kasi siya. Eto namang si Sean ang yabang yabang madalas daw sa Starbucks, "DAW" eh wala namang ganong flavor.

"Meron kaya," pag pumilit ni Sean,

"Bruh wala," pag sagot ni Ella,

"Ayaw mo pa kasi aminin na kuripot ka kaya di ka umiinom sa starbucks," pang aasar ko sa kanya.

"O ano naman? At least marunong ako mag ipon di katulad nung isa dyan every week may uwing Chanel," sabi ni Sean, dahilan para batukan ko siya, kahit naman di niya sabihin yung pangalan ng tinutukoy niya obvious naman na ako yon duh.

"Aray! Mapanakit ka talaga!" daing niya,

"Yan ang pinaka matalinong sinabi mo Sean" asar ni Ella kay Sean,

"Edi wow! May savings din naman ako sira!" napairap na lang ako tinawanan na lang nila ako.

"Pero bakit parang wala ka namang binili na Chanel this week? Di ko din nakita yung limited edition na bag gusto mo bilin sa closet mo. Diba nung sinundo na ako nila Dad na iwan ka sa Chanel?" pag taka ni Ella,

Shit! Di ko pa pala nasasabi kay Ella yung nangyari saamin ni Yandrei doon, jusko!

"Uhm, oo pero di ako nakabili," sabi ko, I have no plans telling them ano talaga nangyari, pag nalaman nila, jusko asar nanaman aabutin ko,

"Papamisa na ako!" asar ni Sean,

"Himala to sobra! Si Vyana De Jesus walang biniling chanel ngayong week!" asar si Sean,

"Bakit di ka nakabili?" tanong ni Ella,

"Nawalan daw ng stock, nationwide." sagot ko,

Ughhhh, nakakainis kasi si Yandrei aa if sana sumunod na lang siya sa deal ko, EDI SANA MERON NA AKONG YUNG BAG NA YON!

"Ugh, stupid atenean flirt," walang malay kong sabi, GAGO SHIT!

"Ha?" tanong ni Sean,

"Atenean?" tanong ni Ella, WALA NA ALAM NA NIYA,

"Wala," tanggi ko,

"Uy order pa tayo ng isa pang milktea," tinary ko ichange yung topic,

"Wag mo ibahin usapan, may ibang nangyari no? Kaya mo di nabili yung bag?" ano ba kasi kinakain netong Ella na to at kakaiba ang bestie instinct jusko,

"What? Anong ibang nangyari? Wala nga!" sabay sabay kong sagot,

"Vyana speak now, hawak ko buhay ng bags mo." banta niya saakin,

"WHAT?! OKAY FINE! NAGKITA KAMI NI YANDREI SA CHANEL TAS NA SA KANYA YUNG LAST PIECE NUNG BAG DAHIL IBIBIGAY NIYA SA SISTER NIYA, TAPOS SABI KO AKIN NA LANG YUNG BAG TAS SABI NIYA IBIBIGAY LANG NIYA YON IF MAG DATE KAMI, TAPOS SYEMPRE LIMITED EDITION BAG YON SINO BA NAMAN MAG SSAY NG "NO" SOOO," para akong rap sa sinabi ko,

"So nag agree ka?" tanong ni Ella habang may nakaka asar na ngiti, tumango ako,

"HAHAHAHA "Taken si Vyana" is waving" asar ni Sean,

"Ready ka na maging in a relationship ulit?" tanong ni Ella, halatang nag aalala,

"What? Para lang yon sa Bag, Ella." sagot ko sa kanya, wala naman kasing halong malisya talaga,

"Nako, nako, kilala kita kilalang kilala kita Vyana jusko sinasabi ko sayo," sabi ni Ella,

"Paano ba yan Ella ikaw na lang single," asar naman ni Sean,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faith and Love of an EagleWhere stories live. Discover now