Chapter 5

12 0 1
                                    

"Huy dadahan ka lang kasi,"

Saturday ngayon at na sa mall kami nila Ella, Sean, at Irish, at napaka PDA nitong dalawa, OA din si Sean eh, natalisod lang naman si Irish, kung makareact parang nasagasaan na ng kotse.

"Respeto sa tropa," inis na sabi ni Ella,

"Bakit kasi sumama ka pa si Sean. Epal ka lagi no?" inis na sabi ko din,

"Bakit ba, ano masama kung sasama ako?" sabi niya saamin habang masama ang tingin,

"Dapat kasi kaming tatlo lang, pero sumama yung isang unggoy dyan na ewan." inirapan ko siya,

"Ang sama talaga ng ugali mo, Vyana. Dapat nga tayo yung gumagala eh, tayong trio, ikaw, ako at si Ella, tsk tsk." asar niya saakin,

"Tanga, diba ayaw mo kasi nagmumukha kang bakla," inis na sabi ko sa kanya at natawa na lang siya.

Kumain na kami sa isang japanese restaurant, napaka KJ kasi nila, alam naman nila na ayaw ko ng japanese food, tempura lang makakain ko dito aa.

"Ano sayo, Vyana?" tanong ni Irish saakin,

"Mukha bang may choice ako, ha?" inis na sabi ko sa kanila,

"Ano nga?" inis na tanong saakin ni Irish,

"TEMPURA NGA, PWEDE BA GUTOM NA AKO!" sigaw kong sinabi sa kanila, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao,

"Kaya ayoko tong kasama kumain eh, mainit ulo pag gutom," sabi ni Ella, at inirapan ko na lang sila, inintay ko na lang yung pagkain.

Sa wakas dumating na yung pagkain, habang inintay kong ilapag ng waiter yung mga food sa table, may biglang nag chat saakin,

From: Yandrei

Small world, huh?

Nanlaki ang mata ng makita ko na si Yandrei pala ang nagchat saakin.

To: Yandrei

Ano?

From: Yandrei

Are you stalking me?

What?! Rereplayan ko na sana ng biglang mag lapag yung waiter ng apat na plate ng tempura, dalawa lang inorder namin ah,

"Sir, dalawa lang po inorder namin, nagkamali po ata kayo," sabi ko sa waiter,

"Ay, mam, sainyo po talaga yan, inorder po ng kabilang table para sainyo daw po," sabi niya at tinuro niya kung sinong table ang nagbigay saakin.

Nagulat ako ng makita si Yandrei na sa kabilang table, giving me a playful smile. Siya nanaman?! Pwede ba palakihin yung mundo para di na kami magkita pls?

"Sige po mam, tawagin niyo na lang po kung may kailangan pa po kayo," sabi ng waiter,

"Thank you po," pagpapasalamat ko sa kanya.

"OMG! YIEEE!" sabi ni Irish habang kinikilig, kakaalis lang nung waiter,

"Pulang pula ang pisngi, Vyana" asar ni Ella,

"Inutusan niya yan no cap," asar din ni Epal Sean,

"Ako'y tinamaan puso'y tinamaan, sadyang ikaw lang ang tanging dahilan," pag kanta ni Ella saakin, ang dahilan kung bakit ko siya binatukan,

"Aray!" daing niya,

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yon,

From: Yandrei

Eatwell!

To: Yandrei

Why the heck are you doing here?

From: Yandrei

Nakain kasama sila Renz, hindi ba obvious?

NAPAKA PILOSOPO UGH!

To: Yandrei

Magkano yung dalawang plate ng tempura na bigay mo saakin?

From: Yandrei

No, you don't have to pay. Narinig ko kasi kanina na yan lang kinakain mo sa japanese restaurants.

Binababa ko saglit yung phone ko sa table, at tinignan siya ng masama sa kabilang table. Tumunog ulit ang phone ko,

From: Yandrei

Ano tinitingin mo dyan? Are you already falling for me?

WHAT?! FEELINGERO ANG GAGO!

To: Yandrei

Wtf?

From: Yandrei

Kumain ka na dyan, para tumaba ka, ang payat mo eh,

WHAT THE HECK!

To: Yandrei

HOW DARE YOU!

From: Yandrei

Just kidding, eatwell!

Di ko na nireplayan ang chat niya, at kumain na ako. Ang lakas ng tama nitong lalaki na to, kala ko ba di ito sanay sa strangers sabi ni Irish. Pag bukas nagkita kami ulit mananapak na ako.

Faith and Love of an EagleWhere stories live. Discover now