Kabanata 3.

4 2 12
                                    



Seriously?


"Baka masisante ka sa ginawa mo!" Dinig kong sabi pa sa'kin ni Rei, katrabaho ko rito sa coffee shop, habang naglalakad ako palabas ng locker room.



"Edi masisante! Ginawa ko lang naman yung tama. Kung yung lalaki pa rin yung kakampihan nila, aba putangina!" Sagot ko.



Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng apron ko hanggang sa makarating kami sa may counter area kung saan may bagong customers na nakapila na halatang naguguluhan sa kung anong nangyayari dahil may pulis sa labas.



Mabuti naman at dumating na sila.



Inasikaso ko muna yung customer sa harap ko. Ready naman ako kung sakaling kunan nila ako ng statement.



"Can I have a latte?"



"One cup of latte, coming right up sir!"



Hindi ko na muna inintindi ang paligid. Day off ko bukas kaya makakapagpahinga ako. Tuwing weekdays ng gabi at saturday ng umaga lang naman ang pasok ko rito.



"Miss puwede ba naming hingiin ang statement mo tungkol sa insidenteng nangyari kanina?" Paglapit sa'kin nung pulis. Agad naman akong pinagtinginan ng lahat.



"Teh jusko good luck." Sabi pa ni Rei sa'kin.



Natanaw ko pa yung babae kanina sa labas. Nakatingin din siya sa'kin. Napabuntong-hininga nalang ako bago pinunas ang mga kamay sa apron ko. Tumango ako ro'n sa mga pulis tsaka sumama sa kanila palabas.



Yari talaga sa'kin 'yang lalaking 'yan.



"So ayon nga po, habang umoorder 'tong si ate girl ng inumin niya, napansin kong dikit nang dikit yung gunggong sa likod niya kahit ang lawak-lawak nang space sa likod niya. Like omg po ha, ang lawak-lawak oh ba't ka dikit nang dikit kay ate girl?" Pagsasalita ko nang walang tigil nang makalabas kami.



Nag-uumpisa na namang uminit ang ulo ko. Yung babaeng tinulungan ko kanina, halatang umiyak. Tangina ba naman kasi nung lalaki, nakakapakyu.



Nakinig naman yung mga pulis sa'kin habang nay isinusulat.



"So ayon nga eto pa mga sir, yung kamay medyo nakaano sa pang-upo ni ate girl. Halatang hinahawakan niya tapos ayon shuta, titig na titig siya. Ang sarap dukutin ng mata niya sa totoo lang. Napansin ko rin na uncomfortable si ate kaya naman may ginawa ako." Pagtutuloy ko pa.

Sa Dulo Series #1 | Pahimakas sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon