Last dance
Sa ilang araw palang matapos ng check-up ko sa ospital, kapansin-pansin na ang pagbagsak ng timbang ko at pamumutla ko sa araw-araw.
Araw-araw ko namang iniinom ang gamot ko pero parang walang nagbabago. Pilit ko nalang na sinasabi sa sarili ko na parte lang 'to ng process nang paggaling ko. Na gagaling din ako.
Pero may bahagi sa akin na sinasabing wala nang pag-asa.
But I am getting my hopes up. Telling myself that I'll heal soon.
"Uuwi ka na?" Tanong sa'kin ni Rei nang makita akong nakabihis na ulit.
"Binago na ni madam schedule ko. Ngayon daw magsisimula." Sabi ko. Kinuha ko ang backpack ko sa tabi tsaka nagpaalam na.
Simula nang malaman ng boss namin kay Lilac yung nangyayari sa'kin, binago niya yung schedule ko. Mas mabuti raw kung makakapagpahinga ako ng mas maaga imbis na uuwi ako palagi ng twelve AM ng madaling araw.
Umoo nalang ako at nagpasalamat dahil magagamit ko na rin yung free kong oras pagkauwi para sa paggawa ng nakatambak kong activities. Medyo dumadami na rin 'yon.
Nag-abang ako ng jeep pagkalabas ng cafe. The night was cold and breezy, kaya nagdala ako ng jacket. Malamig, lalo na ro'n sa pupunta namin.
Papara na sana ako ng jeep nang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Sa kotse palang ay alam ko na kung sino 'yon. Ibinaba niya ang windshield ng sasakyan niya. Nang matanaw ko siya sa may driver's seat ay kumindat pa siya sa'kin. I frowned at him.
Maya-maya ay bumaba na siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng shotgun seat. Nagbow pa siya sa harap ko na para akong isang prinsesa. I just laughed while fixing my seat.
Umikot naman siya para sumakay matapos akong pagsarhan ng pinto. Nagsimula na agad siyang magdrive papunta sa pupuntahan namin. Lumingon ako sa likuran at nakita ko naman ang ilan naming gagamitin mamaya.
We've decided to have a camping and time capsule burying. Para raw may ikeep na naman kaming bagong memories. Maliban sa mga memories namin ng mga gawain sa school.
Sa gabing 'to, pipiliin ko munang kalimutan ang lahat. Sa gabing 'to, kami lang munang dalawa.
"May nadala kang marshmallows?" I asked, habang diretso ang tingin niya sa unahan. Medyo malapit na rin naman kami.
"Wala retsam." Sagot niya.
Rumeretsam na siya ngayon. Hindi ko alam kung sa'n niya natutunan. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to.
"Ikaw ang iihawin ko Adi." Sambit ko na ikinatawa niya naman.
Subukan niya lang talaga na walang marshmallows. Mamaya wala na siyang paa, dahil inihaw ko na.
Mga ilang minuto pa, nakarating kami sa may cliff. Gaya kagabi, madilim ang paligid kaya may dala na agad kaming flashlight. Kapit-kapit ko yung bag na pinaglagyan namin ng pagkain habang sa kanya yung tent na iuunfold namin mamaya.
Nag-alalayan naman kami sa pag-akyat sa tuktok. Medyo madulas kasi umulan kanina.
Gaya rati, yung puno ang una naming nasulyapan pagkarating namin. Diyan daw sa ibaba niyan ililibing yung time capsule namin mamaya. Tapos huhukayin namin after five years. Kung kailan successful na kami.
Wala nga lang kasiguraduhan kung kasama niya pa ba ako na gawin 'yon.
"Ako na sa tent, ikaw na magready ng iihawin natin." Sabi niya. Kinuha ko naman agad yung bag na pinaglagyan namin ng pagkain.
Puro chichirya nakita ko ro'n. Kailangan ko pang halukayin para makita ko yung barbeque at marshmallows sa kailalim-ilaliman.
Nilabas na naman niya yung ihawan sa tabi. May uling na rin 'yon at kailangan nalang sindihan.
Alas dies pa naman ang pasok ko bukas kaya malakas ang loob kong pumayag sa camping na 'to. Alas onse naman yung kanya. Pero uuwi rin kami ng alas sais ng umaga para gawin yung mga natitira naming activities.
Malapit na namang magchristmas break. Pahinga na 'yon.
I glanced at Adi who's fixing our tent. Ayos na yung labas, yung tutulugan nalang namin sa loob ang inaayos niya. Sana lang 'wag kaming magkagulo sa higa mamaya.
Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin nang magdaan ang ilang minuto. The cold breeze started penetrating my shirt. Malamig ang nararamdaman ko kahit nakatapat ako sa camp fire namin.
I stood up to take a look at our food. Marami nang naluto at yung marshmallows nalang talaga yung lulutuin namin mamaya habang nakaupo kami malapit sa may camp fire. Maybe we'll talk some random things later while having a nice view at this area.
Inihanda ko na yung mga pagkain sa isang lalagyan at dinala 'yon sa isang maliit na table malapit sa may camp fire. Naupo ulit ako nang matapos ako sa gawain ko.
While waiting for him to sit around the camp fire area too, my mind was clouded with some random thoughts. Iniisip ko kung anong mangyayari pagkatapos nang araw na 'to. Kung may dadating na naman bang bago.
Everytime I am happy, may kasunod na problemang agad na dumadating. Kahit pa sandali lang 'yong kasiyahan na 'yon.
Parang lahat, laging may kapalit.
"Anong iniisip mo?" Narinig kong tanong ni Adi sa'kin na nakapagpabalik sa'kin sa realidad. He putted a blanket around me tsaka umupo sa tabi ko.
"Wala naman." I answered.
May iniabot siya sa'king stick para sa marshmallows ko. Kumuha naman ako ng isa at itinapat sa apoy.
"Let's play something." He said.
"Anong lalaruin natin?"
"Magtatanungan tayo. Kung ilan 'yang marshmallows na nasa loob ng pack, ganun din kadami yung tanong natin sa isa't-isa." Sambit niya na ikinatingin ko sa marshmallows namin.
May pitong marshmallows nalang kami rito. Pinapak ko na yung iba kanina. Masarap e.
"Okay game, ako muna!" I excitedly said before thinking of a question.
Ano ba yung puwedeng itanong ko sa kanya? Yung hindi ko pa dapat naitatanong dati. Dahil yata sa kadaldalan ko, naitanong ko na lahat ng tanong sa mundo.
I smiled when I thought of a question. "Nagkajowa ka na ba?"
"Hindi pa. Not interested into someone back then." Sagot niya. Gulat ko naman siyang tiningnan.
"E seryoso?!"
"Pangalawa mo nang tanong 'yan, ako naman." Nginiwian ko lang siya.
Kumakain kami habang nagtatanungan. Yung bawat marshmallows na katumbas nang tanong namin, itinutuhog namin sa stick na hawak namin.
"Are you interested into someone nowadays?" I asked. It is already our third question.
Naisipan ko 'yong itanong sa kanya. Wala, nacurious lang. Curiosity kills the cat daw e.
"Yes," Sagot niya naman. Tumatango naman ako.
'Awit, interested naman pala sa iba. Bawi nalang tayo next life Farewell Beatriz.'
Pero ano bang pake ko? Charot.
"For my third question, can you describe your special someone in one word?" He asked.
Nabanggit ko nga pala sa kanya yung special someone ko ngayon. Tinanong niya e. Curious din siguro.
Pero pa'no ko nga ba idedescribe yung special someone na sinasabi ko sa kanya?
Hindi ba pwedeng pangalan nalang niya? Charot.
"He's my safe place." Pagsagot ko.
Totoo naman 'yon. Siya naman talaga ang safe place ko. He's my comfort and everything. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa'kin at nagkaganito ako.
Natahimik kami ng ilang sandali. The coldness of the wind made me hug the blanket around my body more. Ginamit ko na rin ang sandaling 'yon para mag-isip.
"For the second question, kailan mo nagustuhan yung taong 'yon?" Pagtatanong ko.
'Di naman masamang magtanong 'di'ba? Gusto ko lang malaman kung kailan. Baka sa panahong ding 'yon, nagugustuhan ko na siya.
"When I met her." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.
Wala, talo na tayo nito. Matagal na pala niyang gusto yung nagugustuhan niya. Love at first sight pala. Hayop.
"Last question--"
"Luh, ako pa ah." Putol niya sa sasabihin ko. Napatawa naman ako kasi seryoso talaga siya.
"Ako na muna, para matapos na ko." Tinanguan niya lang ako.
Ano nga bang magandang itanong? Wala na akong tanong na nasa isip ngayon. Nawala na yung matitino. 'Di bale, last question na naman 'to. Panggagong tanong nalang.
"Ba't ang ganda ni Farewell Beatriz?" I asked. Kumunot lang ang noo niya sa confusion na ikinatawa ko naman.
Babalik na 'to sa pagiging masungit, pustahan.
"'Wag mo na nga sagutin! Magtanong ka nalang." Sabi ko nalang.
"What's your favorite song?"
"Marami akong favorite, pero Lover ni Taylor Swift pinakafavorite ko." I said.
Nakita kong may pinindot-pindot pa siya sa cellphone niya bago ulit humarap sa'kin. 'Wag niya sabihing patutugtugin niya 'yon mamaya?
"Last question, may I have this dance with you?" He lastly asked.
Tumayo siya sa harapan ko at inilahad ang kamay sa harap ko. Nagsimula nang tumugtog yung intro ng Lover. I looked at him and stared at his eyes. Nakangiti ang mga 'yon at makinang.
I love how the way you smile, yet something's telling me that I would miss it forever.
Tinanggap ko ang kamay niya tsaka tumayo para sumayaw kasama niya. He held my hand carefully before taking the dance with me."We could leave the Christmas lights up 'til January
And this is our place, we make the rules
And there's a dazzling haze, a mysterious way about you dear
Have I known you 20 seconds or 20 years?~"
Sinasabayan ko sa isip ko ang kanta habang tumutugtog ito. He was staring at me intently while dancing. Parang gusto ko bigla isipin na ako yung taong nagugustuhan niya. Pero parang imposible naman 'yon.
Sa dulo nalang ng bahaghari mangyayari 'yon.
Ayaw ko nang matapos pa ang gabing 'to. Gusto kong manatili nalang dito. Ayokong umalis o umuwi pa. Dahil pagkatapos ng araw na 'to, magdudusa na naman ako. Babalik na naman ako sa lugar na kinaaayawan kong puntahan. Iisipin ko na naman kung anong kahihinatnan ko.
Iisipin kong huli na naman ang lahat."Can I go where you go?
Can we always be this close forever and ever?
And ah, take me out, and take me home
You're my, my, my, my
Lover~"
I'm really thankful that I met Adi. Siya ang kinakapitan ko at naging dahilan ko para manatili pa. Kahit pa hindi tugma sa amin ang tadhana at panahon, nagpapasalamat pa rin akong pinagtagpo kami ng tadhana."Ladies and gentlemen, will you please stand?
With every guitar string scar on my hand
I take this magnetic force of a man to be my lover
My heart's been borrowed and yours has been blue
All's well that ends well to end up with you
Swear to be overdramatic and true to my lover
And you'll save all your dirtiest jokes for me
And at every table, I'll save you a seat, lover~"
Pinigil ko pa ang luha ko. Inaantay lang namin matapos ang kanta para makapagpahinga na kami. Last dance na siguro namin 'to. Pero at least naranasan ko 'di'ba?
Someday, he'll dance with someone else."Can I go where you go?
Can we always be this close forever and ever?
And ah, take me out, and take me home (forever and ever)
You're my, my, my, my
Oh, you're my, my, my, my
Darling, you're my, my, my, my
Lover~"
Hindi ba pwedeng manatili nalang ako sa tabi niya habambuhay? Hindi ba pwedeng gano'n nalang?
Hindi ba pwedeng dito nalang ako sa tabi niya?
-------
A/N: Another short update:)
BINABASA MO ANG
Sa Dulo Series #1 | Pahimakas sa Takipsilim
RomancePahimakas. Last Farewell. Everyone in this world would have their last farewell someday. It could be in the next minute, next hour, next day or even in a year. We won't know when we are going to bid our last goodbye to the people we loved with all o...