TW: DEATH!!!
11:11
Hindi naging madali ang buhay ko matapos ng lahat nang nangyari. 'Ni hindi ko alam kung paano ulit magsisimula noong una. I don't know where to start again. Pagkatapos kong masanay na nandiyan siya palagi, naging imposible na para sa akin ang mga bagay-bagay. Ngayong wala na siya sa tabi ko, sinubukan ko ulit sanayin ang sarili kong ako nalang.
Ako na lang ulit.
Isang buwan na ang nakakalipas. One month since the goodbye. No signs of him, even on social media. Walang paramdam kahit isa. It looks like, he just disappeared after that night. I even tried asking Clea about him, pero wala rin siyang alam.
I was curious of what happened to him, pero mas minabuti kong unahin na muna ang sarili ko. Kahit gusto ko siyang hanapin, pinili ko muna ang sarili ko sa ngayon. My sickness became much worse and uncontrollable. Dagdag pa ang paminsan-minsang pananakit ng dibdib ko. Pero not even once, I go to the doctor. Hindi ko na tinuloy ang check-ups ko, pati na rin ang pag-inom ng mga gamot ko. Hinayaan ko nalang ang sarili kong mabuhay nang wala noon.
I get to control my life on what I want it to be. Life is now meaningless. Lalo na nung nawala siya. It's freakin unbelievable how I can still get up every morning and go on. Hindi ko alam kung paano ko kinakaya matapos nang lahat.
Paulit-ulit ko ring kwinekwestyon ang sarili ko kung okay lang ba talaga ako. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko tungkol sa totoo kong nararamdaman. Kung may nararamdaman pa ba ako. I feel all empty inside. Walang buhay, walang kulay.
"Sasama ka ba sa birthday celebration niya mamaya?" Tanong sa'kin ni Lilac. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at huminga ng malalim.
Right. It's his birthday today.
"I still don't know Lilac. Marami pa akong gagawin." Sabi ko.
That was a lie. Sadyang hindi pa lang ako handa na makita siya. It's been a month, I know, pero ayokong pilitin ang sarili ko. Alam kong maaalala ko na naman ang nakaraan, at ayokong makita niya akong ganito. Nanghihina, maputla. Na parang hindi inaalagaan ang sarili nang ayos.
"That is an excuse, Bea. I saw your gift for him at your desk this morning." Sabi ni Li sa'kin. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naupo sa tabi ko. Napabuntong-hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
Sa Dulo Series #1 | Pahimakas sa Takipsilim
RomancePahimakas. Last Farewell. Everyone in this world would have their last farewell someday. It could be in the next minute, next hour, next day or even in a year. We won't know when we are going to bid our last goodbye to the people we loved with all o...