Chapter 14

9 0 0
                                    

Raven's POV

Hmmmm ang boring naman dito sa bahay. Alam niyo yung feeling na wala kang magawa? Yung ang daming pwedeng gawin pero di mo feel gawin -___-

"Arf arf"nagulat ako sa biglang pagtalon ni Aaron sa laps ko

"Oh bakit A? "Ganto talaga ako sa aso kong to. Kinakausap ko siya na as if eh tao siya

"Alam ko na prinomise ko sayo na magkakaroon ka ng mommy and sa tingin ko malapit na matupad yun."

Oo,sa tingin ko medyo malapit na matupad yun. Si Aaron kasi yung tipo ng aso na sweet sa babae. Minsan nga iniisip ko if naghahanap lang to ng magaalaga sa kanya na babae eh. Yung siguro magiging mommy niya since ako yung daddy niya ^_^

"Alam mo ba A...ang ganda ganda nun. Kaso bihira lang yun ngumiti. Ngingiti man yun pero sobrang bilis yung tipong di mo makukunan ng pic. Dinala ko na yun dito eh kaso di mo naabutan kase tulog ka pa. Hmmmm gusto mo pasyal tayo sa park?" Bigla naman nagtatalon si Aaron.

Minsan iniisip ko kung baliw ba ako o sadyang naiintindihan lang niya yung sinasabi ko eh. Binuhat ko na si Aaron then naglakad na ako papuntang park

Magtatakip-silim na pala. Saktong sakto maganda scenery neto.Habang naglalakad ako papalapit sa park bigla nalang tumalon sa lap ko si Aaron.Eto talaga asong to kung an--

Eh? Si Cais yun ah. Kaya pala biglang tumalon si Aaron kasi pumunta siya kay Cais. Siguro alam ng pet ko na yung babaeng yun ang mah-- ahem....so lumapit nalang ako kay Cais..

"Ang ganda....."sabi ko

Napalingon siya sakin kasi umupo ako sa kabilang swing.

"Siya si Aaron....cute no"sabi ko

"Yup,ilang taon?"tanong niya

"1 year old lang."

"Ahhhh"

"Bakit ka nandito?"-ako

"To lighten up?"

"May problem ka?"

"Wala...I just need some fresh air"

Patuloy lang kami ni Cais sa pagkuwkentuhan ng nga bagay bagay about sa school. Bakit ganun? Malungkot nanaman siya?

Tuluyan nang nagtakip silim dahilan para magdilim ang kapaligiran. Tumingin ako kay Cais...kakaiba talaga tong babaeng to

" ang ganda......."bigla nalang lumabas sa bibig ko

Kainis naman oh! Dapat lagyan ko to ng tape eh..mamaya iba pa lumabas dito at bigla ako magconf-- eh? Haiissttt nawawala nanaman ako sa wisyo.

"Huh? Wala nang araw ah"pagtataka niya. Yan! Magdadahilan nanaman tuloy ako

"Wala....basta ang ganda....ang ganda ganda"sabi ko nalang sabay tingin sa kawalan

"Ummm Sige una na ako. At ikaw cutie...see you around"sabi niya kay Aaron sabay kiss niya sa noo nito

Natuwa naman ako sa nakita ko. Pet lover din pala siya. Tumayo na siya sa swing tapos naglakad palayo. Hmmm wala manlang baby--

"See you tomorrow....Raven"napalingon ako sa kanya. Nakatalikod niya palang sinabi yun. Okay na yun! At least nagbabye siya ^_^

"A...siya yung magiging mommy mo. Sabi ko sayo eh...maganda..."

"Arf arf!"tahol nito

Napangiti nalang ako sabay tingin sa langit. Hay ang ganda ganda. Tama nga sabi niya....See you tomorrow Cais...

Caisanethe's POV

Nagdrive na ako pauwi sa bahay.Kala ko si Raven na pinaka worst face na nakita ko. Cute rin pala si-- ano..I mean.....yung aso niyang si Aaron ang cute sobra.

I had a dog once nung 10 years old ako. Pinky pangalan niya kasi yung dulo ng buntot niya may pink. Inborn na siya nun. Regalo sakin nung mommy and daddy ko nung 1st honor ako. Sobrang saya ko nga nun eh yung panahon na bu--haisssttt here I go again -___-

Pinark ko na yung sasakyan ko then umakyat na ako papunta sa unit ko. Habang naglalakad ako nakakaramdam ako ng kaba....this isn't good. Ewan ko pero bigla nalang nagstep back yung paa ko. I've decided na wag nalang tumuloy sa unit ko. Naglakad ako pab--

"Where are you going.......Haven....."

Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. Bigla nanlambot yung tuhod ko. Unti-unti kong nilingon yung nagsalita sa likod ko. I'm right....she's here...

"Mia....long time no see" I'm trying not to look scared.

Yes...I'm really scared. Takot ako sa mangyayare ngayong gabi. Cuz last time I met this b*tch...I almost died.

"You've grown up Haven. Did you miss me?"this b*tch never changed

"Of course,mas lumakas ako eh. And why will I miss you. Diba nga pinadala na kita sa impyerno..bakit ka pa nandito?"

"Cuz I'm too evil to be there? Binalik nila ako kasi...baka ako ang magreyna doon? Hahahha. Why Cais,you afraid of me? Why don't you just give me those stones para di ka na magaya sa paren--"

"NEVER! I WILL NEVER GIVE YOU THAT DIAMONDS! THEY'RE MINE! THEY'RE MY PARENTS! Kahit anong gawin niyo hindi niyo makukuha yun saken!"

Sobra na ako sumabog. Dimadamay niya pa ang parents ko. They're long gone. Sobra nang nanlilisik ang mata ko sa kanya at unti unti ko naring binubunot yung balisong ko.

Bakit ko pa patatagalin tong usapan na to eh sa bakbakan rin naman punta nito.

"Wow...naging tigre ka nanaman. It's been two years since nakita ko yang galit na mukha na yan. Hahahahahahahah. Takot ka talaga Haven. Cry bab---"

Binato ko na sa kanya yung balisong ko pero dinaplisan lang yung pisngi niya. F*ck >_< Dumulas yung kamay ko.

"Ganto gusto mo? Sige...pagbibigyan kita"

Bigla siyang may nilabas na parang straw na black.Tsss nauuhaw ba siya?Mapapatay ba ako ng straw na yan? Makakasaksak ba yan? Tssss...bigla niyang hinipa-- oh sh*t! I need to get awa--

Nakaramdam ako ng may tumusok sa likod ko..

My body got numb....

Then everything went black......

Between Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon