Caisanethe's POV
Hmmmmm
Bakit ganun? Parang niyayakap ako ni Killer? Bakit parang tumigas ata ngayon si Killer,hindi na siya fluffy.
"Hmm Killer,marunong ka nang yumakap? Bakit tumigas ka?Hmmm"
Sino si Killer? Siya yung life size kong teddy bear.Yung Teddy Bear na gift sakin ni Steven nung birthday ko. Buti pa to loyal hindi tulad nung g*go niyang amo...
"Killer...love mo ba si Mommy?"
"Opo,love na love po"
"Hmmm Good..teka, nagiispeak ka na?"
"Opo. Kaya Good morning"
"Goodmo---"
*mulat*
*kurap kurap*
"Waaaahhh----ouch!!!"
"Hala Cais! Ayos ka lang?!"
"Sa tingin mo?! Pisti-- aray!!!"
Ansaket na balakang ko T_T Ikaw ba naman mahulog sa isang hospital bed eh >_< Pano ba naman kasi..kala ko si Killer yung kayakap ko..s-si ano umm si R-Raven pala
Tapos magkatapat pa yung mukha namin. Tapos titig na titig siya sakin. Feeling ko nga umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko eh. Tapos nakisabay patong l*tcheng puso ko na wagas kung magpump ng blood -_____-
Tumayo na ako tapos nagstretch stretch. Hindi naman masama bagsak ko kaya keri pa naman.
"Bakit di mo ko ginising agad? Kanina ka pa pala gising"-ako
"Bakit naman kita gigisingin? Eh ang sarap ng tulog mo tapos ang sarap din nang higa ko tsaka *tingin sakin sabay smile* masyadong maganda yung tinitignan ko"
*dub.dub.dub.dub.dub.dub.dub*
"U-uh ano...ummm kukuha lang ako ng breakfast mo para makainom ka na ng gamot"sabi ko sabay talikod
Bwisit bwisit!! Bakit ba siya ganyan? Bakit ba sa tuwing magmimeet yung mga mata namin lagi nalang ganto yung puso ko! May kapangyarihan ba siya ng pagsipsip ng dugo kaya kung makapapump ng dugo yung puso ko eh grabihan.
Ilang minuto rin since pumunta ako sa mga nurse para ikuha ng pagkain si Raven. Pagbalik ko sa room niya eh ayun nangangalikot sa phone niya.
"Ohh you're back."-siya
"Yeah. Oh eto na pala pagkain mo"
Nakasunod na pala sakin yung food ni Raven. Nilagay na nung nurse na panay ang pacute kay Raven yung pagkain niya. Iniayos ko yung bed ni Raven para makakain siya ng maayos
"What happened to me? I can't remember a thing. Ang huli ko lang na naaalala ay yung nasa swing tayo"-siya
Yeah,he can't remember a thing. Yung mga huli lang na nangyari sa kanya. Actually tinurukan ko siya nung drugs na nakakapagpaerase ng memory. Yung huli nangyare sa kanya bago siya nawalan ng malay
"You fell off the swing"-ako
I know I'm lying but I'd rather lie than to explain the truth. Nakakatamad kaya tsaka it has nothing to do with him kaya why bother? Mas mapapahamak lang siya kapag nagkaroon siya ng kaalaman about sa Poisons and Trio.
"Nahulog ako sa swing tapos nawalan ako ng mala--- ouch? Dammit...what's this??? "Sabay kapa niya sa may likod niya na tinamaan ng bala
"Pagkahulog mo..may matalim na bagay dun sa pinaghulugan mo kaya ayan...nasugatan ka"-ako
BINABASA MO ANG
Between Guns and Roses
Teen FictionSi Caisanethe Suzyne Milendres ay isang simpleng teenager lamang NOON.Noon nung hindi pa nangyari ang malalagim na alala na gusto niya kalimutan ngunit patuloy ang paghunting sa kanya.Gusto niya patayin ang natitirang kadugo ng mga taong pumatay sa...