Suzyne's POV
Agad akong tumayo at lumapit sa may terrace sabay talon pababa.Hindi ako pwede magtagal dito sa bahay ni Raven
Alam ko na pinapasundan niya ako sa mga bata niya kaya hindi nila pwedeng malaman na nandito ako sa bahay ng target nila
Dumaan ako sa likod ng bahay nina Raven.Wala naman atang tao kaya walang nakapansin na nagala spiderman ako.
Since malapit lang naman tong bahay nila sa unit ko naglakad nalang ako.Dalawang kanto lang naman pagitan namin eh kaya mabilis lang ako makakauwi .
Biglang nagring yung phone ko....
Si Raven........
[Hello?]
[Nasan ka?Bakit ka bigla bigla umaalis?Hindi ka pa magaling ah!]
[I'm okay na.Salamat sa pag-alaga.May emergency kasi kaya hindi na ako nakapagpaalam.Sige ibaba ko na]
[Teka Cai---]
*toot toot toot*
Habang papalapit ako sa building ng unit ko may isang pamilyar na lalake ang nakita kong nakaabang duon.
Dahan dahan pa akong lumapit para makita ko kung sino.
Si Austin......
Si Austin ay isang myembro ng Poison.Ano naman kaya ginagawa niya dito?
Balak niya bang ipaghiganti ang mga kamyembro niya?Pero...ang pinagtataka ko....
Bakit wala siya sa laban kagabi?
Unti unti ako lumapit sa kanya pero sinisigurado ko na yung porma ng katawan ko ay yung handang dumepensa.
Pumwesto ako sa likod niya....patuloy lang siya sa paninigarilyo..
"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko pero hindi naman siya nagulat.Malamang alam na niya siguro na nadun ako
"Pwede ba kitang makausap?"
"Naguusap na tayo"
"Wag dito"sabi niya
Lumingon lingon muna siya bago ako sinenyasan na sundan ko siya.Alam ko na dapat hindi ako dapat basta basta sumasama sa kanya pero sa tingin ko naman na may mahalaga siyang sasabihin.
Handa naman ako kung may panganib na dadating at tsaka kung balak niya akong saktan...pero alam ko na hindi sa ganitong kadaling paraan.Tanga ang mga Poison kaya hindi nila maiisip na may ganito kadaling paraan
Nang makarating kami sa Parking lot ng building sumandal siya sa isang pader at ako naman sa isang sasakyan.
"Spill"sabi ko
"Alam mo ba na hindi ka dapat nagtitiwala kahit kanino?"panimula niya
"Sino ba may sabi sayo na nagtitiwala ako sa kahit sino?"
"Halata sayo Haven.Masyado mong pinagkakatiwalaan mga kamyembro mo o yung mga taong malalapit sayo"
"Kung yan lang sasabihin mo makakaalis ka n--"
"Wag kang mag tapang tapangan Haven"
"P*nyeta!Istraight to the point mo na kase!Ang dami mo pang paligoy ligoy eh"
"Gusto ko lang sabihin na hindi porket kalaban mo ay masama lalong lalo na hindi porket kakampi mo ay dapat no nang pagkatiwalaan.Marami nang traydor ngayon Haven.Marami kaya dapat mag-ingat ka kung ayaw mo mahulog sa isang napakasakit na bitag."
"Bakit mo sonasabi sakin to?"
"Kase yun ang nakita at nalaman ko.Ikaw na bahala kung sino sa kanila.Hindi naman porket myembro ako ng Poison ay masama ako.Tumitingin rin ako sa tama Haven.At alam kong napansin mo yun"tama siya....oo napapansin ko yun...
"Bakit nga ba wala ka kapag pinapasugod kayo ni Evil Knoght samin?"tanung ko
"Andun ako....hindi nga lang nakikipagaway.Mali kasi....maling mali.Mauuna na ako baka may makakita pa satin"
"T-teka!"
"Basta haven wag kang magtitiwala.Tsaka wag kang masyadong magpadala sa away na to kase pare-preho lang tayong naglolokohan"
Sabi niya sabay alis.......bakit ganun?Parang gusto mong maniwala sa mga sinasabi niya?
Pero hindi pwede yun.Poison siya!at kalaban namin ang Poison.Pero naguguluhan ako!
Anong motibo niya sa mga sinasabi niya?Plano rin ba to ni Evil Knight?O baka naman gusto lang niya kami sirain?
Tama yun yon!Gusto niya kaming sirain para madali niyang makukuha saakin ang mga precious stones.
Pwes nagkakamali siya!Ipaglalaban ko yun ng patayan.
Pero anong ibig sabihin niya sa
Naglolokohan........
BINABASA MO ANG
Between Guns and Roses
Teen FictionSi Caisanethe Suzyne Milendres ay isang simpleng teenager lamang NOON.Noon nung hindi pa nangyari ang malalagim na alala na gusto niya kalimutan ngunit patuloy ang paghunting sa kanya.Gusto niya patayin ang natitirang kadugo ng mga taong pumatay sa...