Just Read!!!

96 5 0
                                    

   Meron talagang pagkakataon sa buhay mo na kakainin ka ng 'depression'.'Yung tipong parang ayaw mo nang mabuhay dahil sa iba-iba at magkakasalungat na mga rason. 

Isa itong mental state na walang gamot na makakalunas at tanging oras lang at mala-pantas na mga payo ang solusyon. 

Meron iba na nade-depressed dahil nagkaproblema sa trabaho o pag-aaral. Meron din namang iba na dahil sa 'peer pressure' na kanilang nararanasan sa kanilang grupo na kinabibilangan. 

 Meron ding iba na dahil sa kahirapan. Dito sa bansa natin, kadalasan na nahuhulog sa kahirapan, pisikal na anyo at kwentong pag-ibig ang sanhi kung bakit umuusbong ang depresyon ng isang tao.

Ayaw kong palalimin ang topic na ito dahil nakakatamad magsermon ng isang bagay na negatibo na ang magiging finish product lang eh malalim na pagtatanong sa sarili kong nakakaranas ba ako nito.

Hindi gamot ang pagmumukmok o pagpo-post sa Facebook status mo na under deep depression ka. Hindi din gamot sa depresyon ang pagkalulong sa mga masasamang bisyo at lalong hindi din solusyon ang pagkitil sa sariling buhay. 

Ang tanging mapapayo ko lang sa inyo mga idol 'wag n'yong sayangin ang oras sa kakaisip na mahirap lusutan ang problema mo. Tandaan, lahat ng problema ay may solusyon at hindi solusyon ang pagiging 'EMO' ng isang tao.

 Kunware sa pag-aaral, nape-pressure ka dahil parating tambak ang mga modules at requirements. Halos hindi kana makatulog sa kaka-isip kung pano mo matatapos. Idol, walang magagawa ang kaka-isip mo, bawasan mo ang negative na pag iisip. Imbes na ma depress ka kaka isip ng deadline, galaw-galaw naman dyan. Taposin ang kayang taposin, sagutan ang kayang sagutan. 

Sa pag aaral, lalo na ngayon na modular, napaka halaga ng time management ( wag puro chill ). Mag set ka ng time sa pag aaral, at pag papahinga. Pag oras ng module, mag module ( wag makipag harutan ). Ayos lang naman mag pahinga ( basta hindi 1 week ).

Napaka common din ng depression ng dahil sa pag ibig. Ito lang ang mapapayo ko, bagamat matagal maghilom ang sugat ng break-up o tampuhan sessions ng dati mong GF/BF, hindi ibig sabihin n'yan titigil na ang takbo ng mundo ( hindi siya ang mondo ). Libangin mo ang sarili mo, ma masyal ka sa mga lugar na masasaya ( wag ma masyal sa profile nya ).

Sa mga magtatangkang magsuicide, wag nang ituloy mag-iiwan lang kayo ng problema sa pamilya ninyo. Paano na ang pambili ng kabaong? 'Yung libreng biskwet na ipapamahagi tuwing gabi ng iyong lamay sino ang bibili? 'Yung ipambabayad sa taong dadasalan ang bangkay mo sino ang magbabayad? Paano na ang tent para sa mga bisita saan kukuha? Sinong bibili ng barong-tagalog mo na isusuot mo kapag patay ka na? Paano kung tuksuhin ka ni San Pedro sa langit na talunan ka nakakahiya diba? 

Hindi praktikal ang magpakamatay sa panahon na ito. Magmumukha ka lang gago kung ginawa mo 'yan. Parte ng buhay ang mga problema bagamat mahirap minsan, kailangan harapin para tumatag ka. Malay n'yo baka sa hinaharap maging isa kayong matagumpay na tao sa larangan na pipiliin ninyo kaya hassle ang magpakamatay. Sa mga taong nakakabasa nito pero nag-suicide parin, MIDDLE FINGER UP SALUTE para sa inyo. Sa mga nakabasa nito pero depressed parin, basahin ulit baka meron kayong na-miss. Sa mga nabasa na nito at na-inspire sa 'wordplay' kong ito, SALUDO ako sa inyo. 

Laban lang, masyadong makulay ang iyong buhay para tapusin lang ng isang kutsilyong ginagamit sa kusina...

Scars Beneath her SmileWhere stories live. Discover now