Jeff's POV
ABALA ako ngayon sa pagdedekorasyon ng christmas tree, ten days na lang at pasko na pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag ayos ng bahay.
Mag-isa lang ako ngayon sa bahay, si Mama ay nasa ibang bansa bilang isang nurse, samantalang si Papa naman ay kakapanaw lang noong nakaraang taon. Ito ang unang pasko ko na hindi sila kasama, lalo na si Papa.
Bahagya kong itiningala ang ulo ko, naluluha kasi ako sa tuwing naaalala kong mag-isa ako ngayon, na wala ang pamilya ko sa desperas ng pasko at bagong taon. Pinunasan ko ang mga kapiranggot na luha sa gilid ng mata ko at ipinalik ang atensyon sa pag aayos ng christmas tree.
"Ayan!" Inilagay ko ang star sa may taas ng christmas tree. Sinipat-sipat ko pa ito kung maayos ang pagkakagawa ko at nang makuntento na ako ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo.
Maraming nagsasabi na matagal daw akong maligo, pati si mama sabi niya ay para raw akong babae kung maligo sa sobrang tagal. Pero anong magagawa ko kung ganito ako maligo? Gusto ko lang naman na malinis ako, ang buong katawan ko.
Biglang nag-ring ang cellphone ko, buti na lang at tapos na akong maligo. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag pero hindi naka-register ang number niya sa cellphone ko. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi, pero biglang may tumulong tubig galing sa buhok ko at kusang nasagot ang tawag.
"hysst! sh*t!" malakas kong mura at tinakpan ang mouthpiece ng cellphone para 'di ako marinig ng nasa kabilang linya.
Dahan-dahan ko naman inilapit sa tainga ko ang cellphone at hinintay ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Huy! ikaw!" sigaw niya.
"Hello, sino po ito?" pormal kong tanong.
"Bumalik ka na sa akin, mahal ko," mukhang lasing ata 'tong lalaking kausap ko.
"Sir, na-wrong call po kayo,"
"Please, mahal na mahal kita...bumalik ka na, gano'n mo na lang ba itatapon ang two years na pagsasama natin?" halata sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Hindi na ako nagsalita pa at pinakinggan ko na lang ang mga sinabi ng nasa kabilang linya, siguro ay kailangan niya lang ng may makikinig sa kan'ya.
"Please, Rica...bumalik ka na please," nagulat ako nang magbanggit sila ng pangalan.
Rica? as in Rica? Si Rica na bestfriend ko ba tinutukoy nito? Ang sabi ni Rica stay strong sila, bat lasing ngayon ang lalaking 'to? Mahirap talaga ang LDR.
Ngayon na gets ko na bakit sa akin tumawag itong lalaking 'to. Ang number kasi namin ni Rica ay parang magkapareho, ang pagkakaiba lang namin ay ang last number. Kay Rica kasi one ang last number niya, samantalang two naman sa akin.
Siguro hindi nakaregister ang number ni Rica sa cellphone niya at ako ang natawagan nito.
Hindi kami close ng lalaking 'to, kahit na boyfriend siya ni Rica at kahit na lagi kaming nagkikita, parang ang akward lang.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love: Twelve Days of Christmas
General FictionAng pag-ibig ay tulad ng panahon, darating ito ng hindi natin nalalaman, darating ito na hindi sinasabi kung sino nga ba ang darating para sa atin, wala itong pinipili, wala itong nakikitang katauhan, hindi ito humuhusga, sa halip tulad ng panahon a...