"Oh Ben, nakauwi ka na pala, how's your day today?" ang bungad na tanong ni mama nang dumating ako nang bahay habang inilalagay ko ang bag ko sa sofa sa salas. Kasalukuyan naman noong nasa kusina siya at naghahanda para sa hapunan.
"Oh ano natulala ka na diyan? Is there anything happened habang nasa store ka?" ang tanong ni mama na natigil din sa ginagawa niya. Mula kasi sa kusina na kinaroroonan ni mama ay matatanaw agad ang salas kaya naman paboritong parte ng bahay ni mama iyon, para sa kanya nagagawa na niya lahat ng gagawin niya wala pang kawala sa kanya ang kung sino mang lalabas o papasok sa bahay.
"Ben, are you listening to me? Anak?" ang sabi ni mama at nagulat na lang ako nang pitikin niya ako sa ilong, hindi ko namalayan na natulala na pala ako at hindi ko na napansin si mama na lumapit sa akin.
"Mama naman!" ang tugon ko sa kanya habang hinihimas ko ang ilong ko dahil sa sakit nang pagkakapitik ni mama.
"Deserve mo 'yan, kanina pa kita kinakausap pero wala kang imik diyan . Nakatulala ka lang, sinigurado ko lang na hindi aparisyon ang nakakausap ko." ang sabi ni mama."Aparisyon talaga mama? Alam mo ma' kakabasa mo 'yan nang Spooktoofi kaya kung ano-ano nang nai-imagine mo." ang tugon ko, habang pabalik si mama sa kusina at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Asus, you know naman na iyon na lang ang libangan ko. Since we came here in Hawaii halos wala na akong inatupag kundi business natin buti nga ngayon I can depend on you na since your dad left us para sa kaibigan kong may dugo ni Hudas na nananalaytay sa ugat niya." ang sabi niya at napansin ko na bahagyang may gigil ang naging paghalo niya sa niluluto niya. "Tsaka nakaka-refresh ang mga ganong istorya, oo hindi na realistic 'yung iba pero still I believe some of them were true. Wala naman sigurong masama kung maniwala sa gano'n hindi ba?" ang dagdag pa niya.
"I guess you're right naman ma'." ang sabi ko na pumunta na din noon sa kusina at naupo habang pinagmamasdan siya sa pagluluto.
"Pero maiba ko, may nangyari ba sa store? Tulala ka kasi agad pagkauwi na pagkauwi mo pa lang." ang usisa agad ni mama.
"Ah iyon ba ma', wala namang problema sa store ma'. I just realize how fast time flies. Parang kaylan lang kasi nang mag-migrate tayo dito dahil sa kagustuhan na din ni papa. And I realize, it is almost two weeks na lang Pasko na naman then another year na naman ang lilipas." ang tugon ko. Kumuha ako ng isang mansanas na nasa fruit basket sa gitna ng mesa at pinagmasdan ko iyon at inikot-ikot iyon sa kamay ko na para bang bola.
"Hay naku Ben, kilala na kita. Ilang Pasko na ba ang lumipas at bakit pa nga ba kita tinanong kung bakit ka natulala kanina, I should've known the answer already. Hindi mo pa din ba nakakalimutan ang ginawa sa'yo ng best friend mong..."
"Correction ma', ex-best friend." ang may diin kong pagtatama kay mama.
"Okay ex-best friend mong si Odyssey, aba anak, ipapaalala ko lang sa'yo dekada na 'yang tagal ng galit mo sa kanya. Baka nga may pamilya na ngayon 'yun." ang sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love: Twelve Days of Christmas
General FictionAng pag-ibig ay tulad ng panahon, darating ito ng hindi natin nalalaman, darating ito na hindi sinasabi kung sino nga ba ang darating para sa atin, wala itong pinipili, wala itong nakikitang katauhan, hindi ito humuhusga, sa halip tulad ng panahon a...