Synopsis:
Limang taon na ang nakalipas nang sinamahan ni Gavin si Jairus papuntangairport. Umalis na kasi noon si Jairus papuntang Canada kasama ng mama niyahabang si Gavin ay umiiyak dahil aalis na si Jairus. Maayos naman ang kanilangkomunikasyon sa social media pero habang tumatagal ay bihira na silang nag- uusap dahil pareho silang may ginagawa sa buhay hanggang sa di na sila nag- uusap. Ma-realize kaya nilang may pagtingin sa isa't isa? May pag-asa banamagkikita sila muli?
Five years ago...
Third POV
Hinatid nina Gavin, Ronnie, at Jude sina Jairus at Emma sa airport dahil aalis angmag-ina papuntang Canada. Nagtatrabaho si Emma sa Canada bilang guroat doon nag-aaral si Jairus ng senior high. Mag-aaral sana siya ng kolehiyoperokailangan niya muna mag-senior high dahil huling batch kami na grumadweyt under the new curriculum. Masyadong napaiyak si Gavin dahil nalulungkot siyasa pag-alis ni Jairus.
"Jai, di ka na babalik dito?" tanong ni Gavin habang umiiyak at mabilis angpagtulo ng kanyang mga luha.
Ipinahid ni Jairus ang mga luha ni Gavin at hinahagod ni Ronnie ang likodngkanyang nakababatang kapatid para patahanin ito.
"Vin, huwag kang mag-alala. Babalik ako dito, okey? Huwag mong kalimutanmag-video call para di mo ako ma-miss." bilin ni Jairus habang hawak niyaangpisngi ni Gavin.
Nagulat si Gavin dahil hinalikan siya ni Jairus sa bibig tsaka umalis. Natulala nangilang segundo si Gavin.
"Jude, ikaw na bahala kay Gavin. Pasayahin mo siya at huwag mong paiyakinkundi lagot ka sa akin." dagdag ni Jairus sabay niya ipakita ang kanyang kamaopara matakot si Jude.
"Kung gusto niyo pumunta ng bahay namin, nandoon naman ang caretakernamin. Sinabihan ko naman na puwede kayong pumunta doon pag gusto niyo." bilin ni Emma
Bago umalis si Jairus ay hinalikan niya muna ang kanyang hintuturo tsaka niyaidinikit sa labi ko. Bigla akong nakaramdam ng kilig pero sabi ng isip ko, bakapinagtitripan lang ako.
"Crush mo ba si Jairus?" bulong ni Jude
"Hindi ko siya crush!" palusot ni Gavin habang mataas ang tono ng kanyangpananalita.
"Napakadefensive mo naman!" sabi ni Ronnie
Lumabas na sa airport sina Gavin, Ronnie, at Jude. Nakaabang na ang vannasinakyan nila kanina. Nasa front seat si Ronnie habang nasa likod ng front seat sina Gavin at Jude. Si Norman (ang nakakatandang kapatid nina Gavin at Ronnie) naman ang nagmaneho ng van.
"Sumakay na ba ng eroplano sina Ma'am Emma at Jairus?" tanong ni Normanhabang nagmamaneho
"Naghihintay pa sila ng kanilang flight, Kuya Norman." sagot ni Jude
"Naiinis talaga ako kay Jairus dahil bigla na lang niya akong hinalikan! Parati nalang niya akong pinag-tripan!" ani Gavin habang kumakain ng Pringles.
BINABASA MO ANG
Seasons of Love: Twelve Days of Christmas
General FictionAng pag-ibig ay tulad ng panahon, darating ito ng hindi natin nalalaman, darating ito na hindi sinasabi kung sino nga ba ang darating para sa atin, wala itong pinipili, wala itong nakikitang katauhan, hindi ito humuhusga, sa halip tulad ng panahon a...