"Versialle Verdes”
Mabilis akong napatayo nang marinig ang pangalan ko.
“ Good morning po”
“ 1000 for enrollment fee. Tapos uniform, 2000 lahat. Pwede naman na enrollment fee muna ang babayaran” suplada nitong sambit.
I handed her my credit card.
“ cash lang hija. Hindi kami tumatanggap ng card” iritadong sabi nito sabay lapag ng card kong mukhang may galit saakin.
“ Wala po akong dalang cash. Mag wi- withdraw lang po ako. “
“ aba bilisan mo andami pang nakapila sa likod mo”
Nagtitimpi akong umalis sa pila at naghanap ng atm machine.
“ bwesit!” mura ko sabay sipa ng maliit na bato sa harap ko.
Nakahanap nga ako ng ATM machine sobrang haba naman ng pila! Ang init init pa!
In so much frustration I brush my hair using my fingers and bite my lower lip to control myself as part of my habit whenever my mood changes.
Naka withdraw na ako at eksaktong lunch time na! Kailangan ko nanaman nag hintay ng isang oras para matapos ang lunch break!
“ bwesit na buhay!” I cursed under my breath. Napa sobra ata ang pagkagat ko sa labi ko at dumugo na ito. Nakakapanggigil talaga!
Gusto ko lang naman mag pa enroll! Gutom na din ako! Pag kumain pa ako baka mahaba nanaman ang pila sa school.
Naglakakad na ako pabalik pero mukhang sinusubok talaga ako ng kapalaran.
“ Teka! Teka ! bakit po kayo magsasarado?” sigaw ko nang makitang nagsasarado na ng gate si manong guard.
“ half day lang ang enrollment ngayon balik ka nalang bukas ineng”
My mouth parted in frustration.
“ putangina?! Ang init-init sa labas ang haba ng pila para maka withdraw lang ako punyemas tapos sasabihin niyo saakin na half day lang kayo?! Ginagago niyo ba ako?! Ano bang klaseng school to ha?! Hindi na nga nagsasabi na hindi pala kayo tumatanggap ng card! Wala pang notice na half day lang kayo! Magsarado na kayo habang buhay punyetang paaralan to!”
I shouted inside my mind. Napahingang malalim nalang ako. Baka makapatay ako ng wala sa oras. Pinaypayan ko ang sarili ko sa sobrang init at galit na nararamdaman.
“ ay nako ineng kung ako sayo mag private ka nalang. Dito oh! Maganda ang school na iyan kaso ang mahal mahal! Pero napakaganda daw nasa number one ata ang university na ito. Kaso ang mahal talaga hindi ko kaya kaya nagtitiis dito ang anak ko” wika ng katabi ko na mukhang hindi din alam na half day lang ang enrollment.
“Salamat po” wika ko nang ibigay nito saakin ang isang brochure ng university na tinutukoy nito.
“ESC University” basa ko sa malaking gate ng university.
Dire-diretso ako ng pasok dahil wala namang guard. Talaga bang prestigious university to? Ni wala man lang guard.
“papa enroll ka?”
Nagulat ako nang may matandang babaeng sumulpot nalang bigla sa tabi ko. She look sophisticated despite of her age. She’s also carrying a branded bag. I wonder what’s her position here.
“ uh opo” alanganin kong sagot. Tumango naman ito at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Hanggang sa pumasok siya sa isang office. She handed me some papers na mabilis ko namang kinuha.
“ Fill up mo to tapos bayad ka ng enrollment fee doon” turo nito saakin sa isang window. Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi nito.
“ Magkano po?” tanong ko sa babae sa window.
YOU ARE READING
Haywire
General Fiction-Versialle Verdes Accolti The story of a woman who just want her freedom but whatever she do, she can't escape the destiny she's meant to walk through...