"Morpheus Jil Y. Torin is a woman who always seeks fun in life. People around her used to call her Mojito. Matapos nitong makatapos ng kolehiyo ay agad itong nakakuha ng trabaho. But after years of working things out, suddenly it feels like it wasn't entertaining, challenging, and fun for her anymore. She got fired from her job. At ngayon wala na syang ginawa kundi humilata sa condo nya. Kumain, matulog, uminom, tumambay sa loob ng condo--- Manahimik ka dyan Shardine, bago pa kita maiulam."
Putol ko sa walang kwenta pero may isat kalahating tama na dinadaldal nito.
"Oh my god Mojito! Alam kong mukha akong mesherep pero you can't ulam mo oke? You have so many foods naman in your fridge right?" Walang kwentang pahayag nito.
"What do you need?" Buryong na tanong ko dito habang nakatutok parin sa screen ng cellphone ko. Looking for new K-drama or anime to watch.
"What?Di mo lang ba kukumustahin ang maganda mong kaibigan hmmm?" Maarteng saad nito at siguradong may di hawak hawak pa ito sa mukha nito kahit di ako lumingon.
"Sinong maganda?" Deretsong tanong ko dito.
"Tsk. Wala talagang aasahan sayo kahit konting papuri man lang. Che!" Kunwaring dabog nito.
Napahagikhik na lang ako dahil asar nanaman ang kulangot nito.
"Anyways, I'm planning to have new hairstyle. Sa tingin mo anong bagay na gupit sakin." Nilingon ko ito at nanalamin na sya sa salamin ng vanity table ng kwarto ko.
May pasabi sabi pa itong 'Oh my beautiful face. Mwua' with matching flying kiss in front of my mirror.
Iwww disgursting shet. Masyado nyang isinabuhay ang salitang 'love yourself'.
"Gupit ba?" Tanong ko rito. Sumagot lang ito ng "Uhumm"
"You can try Uppercut." I simply said.
Agad naman itong humarap sakin na lukot ang mukha. HAHAHAHHAAH. What? Nag-suggest lang naman ako.
"What?" kibit balikat na tanong ko rito.
"Argh!Pwede bang kahit minsan maging seryoso ka naman." Inis na sabi nito.
Nagkibit balikat lang ako. I'm serious though.
Wanhap ganon pfft."Kaya siguro natanggal ka sa trabaho mo ano at hanggang doon pilosopo ka." 555 Shardine
jokingly said."Whachutokin about?I didn't get fired. Naka-leave lang ako." Natatawang sabi ko dito.
"Yeah. Yeah. Whatever." Maarteng saad nito at may pairap pa. Humarap na ulit ito sa salamin and continue admiring herself.
You wouldn't like it if got serious though.
"You know what? I am amazed at how you got fired up when you want or like something or when you want to accomplish some goals. You know... You really worked hard for it but when things don't seem interesting anymore to you, you look lifeless." Lintanya nito.
"It's kinda scary 'cause what if the next thing that will seem uninteresting to you is living? Will you also quit living?" Ngayon ay may pag -aalala na sa boses nito.
"Say what? Of course not. As long as something motivates me I'll continue breathing. Who's gonna end their lives just because they got bored?" Sagot ko rito.
"Yeah, whatever." Then she came back to her usual maarteng self again.
"So, get out of my room and my condo now. Dahil oras na ng beauty rest ko okay?" Pagtataboy ko rito.
Nakamusangot lang itong lumabas at padabog na sinara ang pinto. HAHAHAHA This girl.
Who said I'm going to kill myself? I'm bored but I'll never gonna do that.
"Kung alam ko lang na yun na ang huling araw ko sa mundong ibabaw, sana sinamahan ko na magpa-uppercut si Shardine huhuhuhu"
Nagpatuloy lang ako sa pag iyak ng biglang may mag-salita.
"Are you done?"
"No, I'm Mojito huhuhu." At nagpatuloy nanaman ako sa sa pagd-drama.
"No. I mean. Are you done crying?"
"Oh Goddess of all! Nagkamali ba ang system sa pagpili?" Frustrated na sabi ng may boses babae na yon.
Inangat ko ang aking tingin at there she is. Sitting on the throne, like some sort of Queen.
Pinunas ko ang luha at uhog ko ng magtama ang aming paningin.
She's gorgeous. She has long white hair, pale skin, blue eyes, and what's with her clothes? Goddess ba sya or something? Ang haba kasi tapos white parang katulad nung mga damit ng saintess sa mga anime na napapanuod ko. Tapos may malaking boobs.HAHAHAH
Oh shit...
Wait a minute...namatay ba ako dahil madami na akong napanood na anime at K-drama? Huhuhu
Pero ganito ba talaga kaganda ang bantay ng langit?
"Sino ka? Ikaw ba ang guide ko papuntang heaven?" Sumisinghot singhot kong tanong dito.
"Sure ka ba na sa heaven ka mapupunta?" Mataray na saad ng babae.
Ay pilosopo? May dalaw?May galit?
UWAAAH 555 Shardine ikaw ba yan?"Argh! I've never been this frustrated. How come isang katulad mo ang napili?" Hinilot hilot pa nito ang kanyang sintido.
Anong pili pili pinagsasabe nito. Eh ni minsan di pa ako napipili, kahit nga sa raffle sa Christmas party ng kompanya di man lang ako nakasabit. Tapos ngayon napili ako pero hindi sa raffle kundi mamatay? Huhuhu my lord I'm just bored human being please don't do this to me.
"Anyway, let's get down to business." Nakadekwatro nitong sabi.
Business sa langit? What's the next thing she'll say? God is good, so buy my goods? Ano ba pinaglalaruan ba ako nito?
"Listen. Don't get confused, this isn't what you call heaven. This is the boundary between different dimensions or different worlds. I am Goddess Gin. The guardian of this place. "
How come she can understand my language?
"If you're wondering why we understand each other's language. That's because I made it. I used magic so that my words before reaching you will be automatically translated to the language of your knowledge and that's vise versa. Hence, I am not using your language, it's the translator magic that is making this conversation run smoothly." Paliwanag nito.
I just noticed that she's sitting in her throne-like chair while staring down at me dahil nakasalampak ako sa sahig. Kanina kasi wala naman ako sa ganitong pwesto huhu akala ko langit kasi puro liwanag lang nakita ko kanina eh.
Ngayon pakiramdam ko Isa akong servant nakapantulog pa sa isang historical story o kdrama. May nagawang mababaw na kasalanan pero papatawan ng mabigat na parusa. Sisigaw na ako ng "Mamaaa, forgive me spare this lowly life"?
"Then anong ginagawa ko dito?" Kunot noong tanong ko.
"You like fun things right? Ngayon, bibigyan kita ng misyon. I am giving you permission to travel to different world." Seryosong saad nito.
BINABASA MO ANG
MOJITO In Another World (COMPLETED)
Short StoryMorpheus Jil Y. Torin a.k.a Mojito, is a human who always seeks fun in life. She got bored working so she took a leave for a while. On that day after she fell asleep, she woke up in a different room and in a different world.