Chapter 15

618 4 0
                                    


"Pasok ka. Magdadamit lang ako." Mabilis ko siyang sinundan at sinarado ang pinto. Hindi ako sanay sa lamig ng boses niya. Kunot noo niyang sinulyapan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"I'm sorry, Raldh." Ani ko habang naluluhang nakatitig rito. Alam kong kasalanan ko ang mga nangyari pero, naging duwag lang ako. "I'm sorry kung ilang araw kitang hindi kinausap. Kung mas pinili kong iwasan ka." Napayuko ako nang maramdaman ang pagpatak ng luha ko.

"You ignore for more than a week, Eloise." Mas lalo akong nasaktan sa paraan ng pagsagot niya sa akin. Tanggap ko naman kung bakit siya ganyan.

"I know. That's why I'm here, Raldh. S-sobrang namiss kita." Umiiyak kong sagot. Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"Do you know how much I love you?" Tanong niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Marahan niyang inangat ang ulo ko upang makita ko ang mukha niya. "I love you so much, Eloise but everytime I'm looking at you, my heart aches." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "It hurts. Lalo na at alam kong natitiis mo 'kong hindi kausapin. Funny, right? Dahil sa isang sorry mo lang...nakikita ko ang sarili kong humahakbang pabalik sa 'yo." Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. Lalo na nang maramdam ang paghalik niya sa noo ko. "Everything will be fine, baby." Sunod-sunod ang pag-iling ko rito.

"I'm so sorry, love...kasalanan ko. Hindi ko sana sinabi ang mga bagay na iyon. Hindi ka sana natanggal sa university kung.." Natigilan ako nang hawakan niya ang labi ko.

"It's okay. Ang mahalaga nalinis ko ang pangalan mo." Nakangiti niyang putol sa sasabihin ko.

"R-Raldh....paano ang mga magulang mo?" Nagtataka kong tanong.

"Well, they are mad at me. We can't do anything about it, Eloise. Magiging okay rin ang lahat." Marahan niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi. "I miss you." His gaze rested on my lips, and without saying anything, he grabbed my nape for a passionate and intense kiss.

I closed my eyes along with him. Sa bawak galaw ng labi niya ay may kakaibang dulot na init sa buo kong katawan. His palm brushed against my jaw, angling my face to kiss me more. "I love you." He said between our kiss. I smiled and just wrapped my arms around his nape, tugging and kissing him deeper.

Pakiramdam ko ay namamanhid na ang labi ko sa sobrang tagal ng halikan namin. Mahina kong hinampas ang braso niya nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. "It's late, Eloise. Hatid na kita." Mahina akong natawa sa sinabi niya. Lalo na nang mabilis niya akong tinalikuran at nagtungo sa banyo.

Alam kong nagpipigil lang siya para hindi niya magawa ang mga bagay na puwede kong isisi sa kaniya sa huli. Tahimik kong pinagmasdan ang mga nakalagay na painting sa may sala. Mahilig rin pala siya sa painting.

"That's one is my favorite." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Nakatalikod ako rito habang ramdam ko ang paghalik niya sa leeg ko. "I miss you so much." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Gusto kong humarap sa kaniya. Pero iniisip ko palang na baka mas matagalan akong umuwe, mas pinili kong hawakan ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko.

"R-raldh.." Pagtawag ko sa pangalan niya nang bumaba ang halik niya sa balikat ko. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa. Humiwalay siya sa akin bago pumunta sa harapan ko.

"Let's go? Baka hindi kana makauwe kapag nagtagal ka pa." Natatawa niyang asar sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas. Sobrang saya ko kapag siya ang kasama ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing hawak niya ang kamay ko, wala akong pakialam sa puweding makakita sa amin o puweding mangyari. Pakiramdam ko ay nasa ligtas akong lugar sa tuwing kasama ko siya.

Kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakaupo sa tapat ng salamin. Hindi ko makalimutan ang paraan ng paghalik niya sa akin. Wala naman akong alam sa mga halik na iyan. Basta ang alam ko, sobrang kakaiba ang halik niya. Ang bawat haplos niya sa katawan ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang pumasok si mama.

Drowning In Fears - (Fear Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon