EPILOGUE

1.8K 6 1
                                    


________

3 years of relationship with him.

2 years of trying to forget him.

to forgive him but, I can't.

I did my best to understand him. To look for the positive side, but I failed.

Malalim akong napabuntong-hininga nang mapansin ko si Raldh. Tahimik na naghihintay sa pinaka-dulo ng restaurant. Our favorite place before.

Saksi ang lugar na 'to sa malalim naming pinagsamahan ni Raldh. Ang dami pala talaga naming pinagdaanan.

Iyong patago naming relasyon, iyong masasaya naming asaran na umuuwe sa isang malalim na halikan.

Pilit akong napangiti bago tuluyang lumapit dito.

"Hey..." Mabilis itong tumayo nang mapansin niya ako. Katulad nang nakasanayan ko dati, mabilis siyang tumayo at inalalayan akong maupo sa tapat niya.

Natigilan ako nang mapansin iyong coffee na iniinom niya. Mukhang napansin niya iyon kaya agad siyang nagsalita. "I order this one while waiting." Tumango ako kahit ang totoo ay unti-unting bumabalik sa ala-ala ko iyong araw na masaya pa kami.

Iyong araw na nangarap kaming magsasama at bubuo ng masayang pamilya.

"Kanina ka pa? I'm sorry... kinailangang ko pang hintayin si Kuya Harvin." Pag-iiba ko ng usapan.

Ayaw kong bumalik pa sa nakaraan. Masakit pa rin pala talaga iyong nangyari sa amin.

Gusto kong mailang nang makita siyang nakangiti habang titig na titig sa mukha ko. Iyong mga titig na madalas niyang gawin kapag nagkikita kami...dati.

"It's okay, Eloise. It's been 2 years, right?" Tumango ako rito.

Sa dalawang taon na iyon, hindi lang dalawa o apat na beses kong hiniling na kalimutan siya. Na sana hindi ako nagtiwala, na sana ay nakinig ako sa mga magulang ko. But, at the end..alam kong naging masaya rin ako kay Raldh.

Isa siya sa dahilan kung bakit naging masaya ako at nagmahal ng totoo. At the same time... siya rin ang dahilan ng mga luha ko noon. Kung bakit minsan na akong natakot magtiwala at magmahal.

Sa dalawang taon na hindi kami nagkikita, naisip ko na may mga bagay talaga na hindi para sa atin.

"Yeah. 2 years of trying to forget you." Tumango ito habang pilit na nakangiti sa akin. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit?

Bakit nagawa niya akong saktan?

Kung bakit mas pinili niyang iparamdam na wala lang ako sa kaniya?

Kung bakit pinili niyang manahimik at hayaan akong mag-isip?

Na may kulang sa akin.

Na hindi ba ako naging sapat sa kaniya?

"I'm sorry, Eloise. I'm sorry for hurting you...sorry kung nasira ko ang tiwala mo." Nakangiti akong umiling rito.

"I'm okay now, Raldh. Everything happens for a reason. Alam kong minahal mo 'ko and that's enough." Masyado pa kaming mga bata nun.

Masyado kaming nagpadalos-dalos. Inuna ang emosyon na nararamdaman namin. Ayaw kunang balikan ang araw na iyon. Iyong araw na unti-unti kong nawawala ang sarili ko.

"Eloise..." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. He's my first love after all. Binigay ko sakaniya ang lahat dahil gusto ko na siya ang makasama ko habang buhay. Binigay ko ang isang bagay na alam kong pinaka-iingatan ko. "Bakit mo tinago ang mga nangyari?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Drowning In Fears - (Fear Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon