Chapter 28

615 4 0
                                    


"You're kidding right?" Tanong ko habang nagsisimulang pumatak ang luha ko.

"Why would I? Bakit hindi mo siya tanungin? Natatakot ka bang malaman ang totoo, Eloise. Hindi mo ba matanggap na ang taong minahal mo ay isang mamamatay tao?!" Paulit-ulit akong umiling dito.

"No. Hindi gano'n si Raldh..." Bumuntong-hininga hinanga siya bago hawakan ang balikat ko.

"Sinasabi mo iyan dahil hindi mo pa siya kilala, Anak. Eloise, alam mo ba kung ano ang trabaho ng magulang niya? Kilala mo ba ang pamilya nila?" Nagtataka ko siyang sinulyapan. Hindi ko makuhang sagutin ang tanong niya. "Hindi mo masagot, hindi ba? Nahihirapan kang sagutin iyon dahil hindi ka sigurado, Anak. Hindi mo alam kung talaga bang kilala mo ang taong minahal mo." Tuluyan akong napaupo sa sahig habang pilit pinapaniwala ang sarili ko. Kilala ko si Raldh, alam kong hindi siya masalitang tao kaya hindi rin ako nagtatanong tungkol sa pamilya niya.

Gusto kong sabihin kay mama na wala siyang alam sa pagkatao ni Raldh pero, alam kong ipipilit lang niya, na ako talaga ang mas hindi nakaka-kilala kay Raldh. Kilala ko nga ba talaga siya? O kampati lang ako dahil mahal namin ang isa't isa at buto sa kaniya ang mga kaibigan ko? Pero hindi rin naman nila sinabi na gusto nila si Raldh para sa akin. Ang sabi lang nila ay masaya sila kung masaya ako sa bagay na ginagawa ko.

"Are you okay?" Tanong ni Mika nang madatnan niya ako sa may sala. Dalawang araw na ang nakalipas magmula ng makauwe ako rito. "Nag-away ba kayo ni Raldh?" Marahan akong umiling dito. Hindi naman kami nag-away, pero hindi ko rin masasabi na ayos lang kami.

"Ilang araw na siyang late umuuwe, e. Pakiramdam ko tuloy ay umiiwas ka sa kaniya." Yumuko ako habang pinagmamasdan ang daliri ko.

"Busy lang talaga si Raldh." Pagdadahilan ko. Kahit naman close kami ni Mika, hindi ko ugaling magkuwento sa kaniya ng problema ko. Mas madalas akong magkuwento kay Nadia pero, simula nang mag graduate siya, hindi na talaga kami nag-uusap.

Gano'n siguro kapag nag-matured kana. Iyong kahit na hindi na kayo nag-uusap ng mga kaibigan mo, alam mo pa rin sa sarili mo na kaibigan mo sila. Na hindi kailangan na lagi mo silang kasama o kausap para lang masabi na kaibigan mo nga talaga sila, ang mahalaga ay nagkaka-unawaan kayo.

Hindi naman ako naniniwala na kapag kaibigan mo iyong isang tao, dapat alam niya lahat ng nangyayari sa 'yo. Mas gusto kong mapag-isa at hindi maging pabigat sa kanila. Ayaw ko rin namang masanay na lagi silang nariyan para sa akin. Ano nalang ang mangyayari kapag isang araw wala sila sa tabi o kaya ay busy? Magpapaka-sad girl din ako sabay "nasaan kayo no'ng mga araw na kailangan ko kayo." Ayaw ko nun, hindi naman nila ako responsibility.

"Lagi ka nalang naglilihim sa akin, wala ka bang tiwala sa akin?" Malungkot na tanong ni Mika. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Mayroon, okay? Pero alam kong may sarili kang problema, Mika. Hindi rin naman ako sanay magkuwento." Nakangiti kong paliwanag. Siguro ay nasanay talaga ako. Na sarili ko lang ang gusto kong kapitan sa tuwing ganitong may problema ako.

"About your family ba?" Tanong ni Mika. Pilit akong napangiti. Alam kong hindi maganda ang naging relasyon ni Mika at nang pamilya niya. Kaya nga siya ganyan, e. Kasi mas gusto niyang iniinis ang pamilya niya.

"I'm just thinking...bakit kaya gano'n ang pamilya ko? Ginawa ko naman ang lahat ng gusto nila pero, bakit hindi nalang nila ako hayaan sa gusto ko?" Malungkot niyang hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry." Natatawa kong sabi. "Minsan kasi parang kasalanan ko pa na nandito ako sa mundo. Na parang responsibilidad ko na sundin sila kasi anak lang ako. Na utang na loob ko ang lahat sa kanila pero, hindi ko naman pinili na mapunta sa magulong mundo na 'to. Puro pasakit lang ang dala." Pinunasan ko ang pisngi ko nang maramdam ang pagpatak ng luha ko. Tumawa lang ako kay Mika kahit alam kong mukha na akong tanga sa harapan niya.

Drowning In Fears - (Fear Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon