Nabawasan ang inis niya sa sinabi nito at isang nakatitiyak na ngiti ang kumawala sa mga labi niya. "Oh, that is where you're wrong, Yaya. Nangako sa akin si Papa na hindi niya gagawin ang ginawa ni Uncle Nick sa mga manliligaw ni Drew. Na malaya kong mapipili ang lalaking mamahalin ko."
Iyon ang totoo. Pinanghawakan niya nang mahigpit ang pangako ni Alvaro na hindi nito gagawin sa lalaking napupusuan niya ang paimbestigahan na tila kriminal. Tulad ng ginagawa ng mga tiyuhin niya sa mga pinsang sina Cameron at Drew. Bagaman sa kaso ni Drew ay may dahilan ang Uncle Nick niyang gawin iyon. Drew had always been impulsive and reckless. She was only glad her cousin married the right man in the person of Jace.
Nayumi was never reckless. Lagi na'y kumikilos siya nang naaayon sa tamang pamantayan. Subconsciously, dahil marahil sa pagiging ampon niya'y hindi niya gustong makagawa ng pagkakamali na magdudulot ng kahihiyan kay Alvaro at sa buong pamilya.
Totoong empleyado lamang sa isang malaking kompanya ng gamot si Ranjo. But he was good, decent, and honest. Hindi nito ikinahihiya ang pagiging mahirap. Ayon dito, basta masipag at masikap lang ang tao ay hindi magugutom.
Tulad ng sinasabi ni Yaya Adora, Ranjo's behavior was exemplary. Natitiyak niyang mabuting pamilya ang pinagmulan ni Ranjo kahit na mahirap. Alvaro and James would approve of him."Huwag mong sabihing ang lalaking iyon ang napili mong mahalin, Naya?"
Muling bumalik ang galit sa dibdib niya sa tono ni Adora. "What is it with you? Nakalimutan n'yo na ba ang katayuan n'yo sa bahay na ito?"
"Sa akin ka ipinagkatiwala ng papa mo, Nayumi.""Tama. But you are overdoing it! Nanghihimasok na kayo. Wala kayong karapatang gawin iyon. So okay, hindi pa ako ipinapanganak ay narito na kayo. Pero hindi niyon mababago ang katayuan ninyo sa bahay na ito. You are still a hired help. Hindi na kayo dapat na lumampas pa roon!"
Wala siyang ideya kung paano nasabi iyon. And it was too late to take back the cruel words. Nang makita niya ang pagkamangha at pait na gumuhit sa mukha ni Adora ay nakadama siya ng usig ng budhi. Lihim siyang napaungol. She opened her mouth to say she was sorry. Subalit isang awtorisadong tinig ang pumigil sa anumang sasabihin niya.
"Nayumi!"
Pareho silang napalingon ni Adora sa malaking pinto. Si Alvaro. Ang pagkabigla ay nahalinhan ng ngiti pagkakita sa ama. Nakalimutan niyang iglap ang namagitan sa kanilang dalawa ni Adora at may pananabik na sinalubong ito. She hadn't seen him for two months. Nang umalis patungo sa Amerika sina James at Chantal ay naatang kay Alvaro ang trabaho sa disteleria.
"Bakit hindi ka nagpasabing darating, Papa?" Nakangiting niyakap niya ang ama. Sa driveway ay nakita niya nang iparada ng driver nito ang Wagon Hummer. "Sa isang linggo pa kita inaasahan."
Inalis ni Alvaro ang mga braso niyang nakayakap sa leeg nito at inilayo. Naniningkit ang mga mata nito nang titigan siya. "Hindi ko kailanman inisip, Naya, na pagsasalitaan mo si Adora nang ganyan. Hindi ko inaalis sa inyong mga anak ko na magalit o pagalitan ang alinman sa mga katulong kung may kasalanan. Pero hindi ko ipinahihintulot sa inyong mga anak ko ang laitin ang alinman sa mga kasambahay o mga tauhan natin. Lalo na si Adora!"
BINABASA MO ANG
Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)
Storie d'amoreAnim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero...