5

15K 482 30
                                    


DAVAO here I am... ang nasa isip ni Nayumi habang nagmamaneho sa malapad na kalyeng hindi niya alam kung ano'ng pangalan. Kumikislap sa dilim ang mga taillight ng mga sasakyang nasa unahan niya.


Palinga-linga siya sa paghahanap ng restaurant na makakainan. Pagkuwa'y may nakita siya sa kabilang bahagi ng daan na kumuha ng interes niya. Bigla siyang nagpreno at kinabig ang manibela patungo sa kabilang lane.


Umingit ang gulong nang iliko niya ang sasakyan sa parking lot ng bar/restaurant. Pagkatapos ay isiniksik niya iyon sa nag-iisang parking space sa pagitan ng isang truck at isang motorsiklo.Napaungol siya nang mapunang gahibla lang ang pagitan ng kanang pinto ng sasakyan niya sa kaliwang manibela ng malaking bike. In fact, may pakiramdam siyang nasagi niya iyon nang bahagya, pero hindi sapat upang mapinsala ang motorsiklo.


Kanina pa siya naghahanap ng makakainan at bagaman may nadadaanan siyang restaurant ay puno naman ang mga parking area. And she couldn't spend the whole night looking for a place to eat.


Wala rin siyang balak kumain sa hotel na tinutuluyan niya. Eating at the hotel restaurant was one of the routines. At wala siyang rutinang susundin sa pagtungo roon. She left Manila not only to think but also to shed off the sweet image she was sick and tired of showing to people.Bumaba si Nayumi at inikutan ang motorbike. Napasipol siya. It was a Harley Electra Glide. James had one like that in the mansion garage. Mula nang mag-asawa'y hindi na iyon nagagamit ng kapatid.


Hinanapan niya ng pinsala ang bike sa bahagi ng salamin. Nang wala siyang makita ay kalmante siyang lumakad patungo sa harap ng restaurant at tiningala ang karatula.


She was intrigued by its name. Taverna. Kahit ang façade ng restaurant ay tila dinisenyo mula sa eksena ng isang old Western movie. And it offered delicious grilled steaks and seafood. Iyon ang nakalagay sa ibaba ng karatula. Kumalam lalo ang sikmura niya. Ang huling kain niya'y ang kape at sandwich sa loob ng suite niya sa SuperFerry. At kanina pang alas-diyes ng umaga iyon.Lumakad siya patungo sa restaurant. Wala siyang nakikitang security guard sa may pinto. Pero nang itulak niya ang pinto pabukas ay magaan iyon dahil kasabay naman iyong hinihila ng security guard na nasa loob.


Umangat ang kilay nito nang mabungaran siya. Tumaas-baba ang mga mata nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tumuloy sa loob. Amoy ng usok ng sigarilyo ang agad na sumalakay sa ilong niya.


Then Nayumi stopped on her tracks. Napangiwi siya nang makita ang loob ng restaurant/bar. Actually, halos wala siyang makita sa makapal na usok ng sigarilyo at tabako. Tila iyon fogs sa madaling-araw.


The restaurant had a deceptive appearance from the outside. And if she had any sense at all, magmamadali siyang tumalikod at lumabas.


But she wasn't sensible at this point in time. She was here in Davao to rebel against her father and Adora... and everything she had been all her life. Gusto niyang makakawala sa lahat ng restrictions na siya mismo ang gumapos sa sarili sa buong buhay niya.


All her life she was sensible, rational, prim and proper. She had always acted with propriety. She was eager to please. Her cousins called her "Miss Goody Two-shoes." To her family, she was the sweet little Naya. Except that she wasn't little. She was five feet six inches. Also, she wasn't sweet. She could wring a man's neck until he would run out of breath.

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon