11

12.9K 444 22
                                    


NANININGKIT ang mga matang tinitigan ni Ivan ang shopping bag na dala ni Nayumi nang lumabas siya ng mall patungo sa pinagparadahan ng sasakyan. "Dalawang oras ka sa loob ng mall pero iyan lang ang binili mo?"


"Tired of babysitting?" she taunted. Inilagay niya ang shopping bag sa likuran at pagkatapos ay sumakay na sa harapan.


Hindi ito sumagot at paarangkadang inilabas sa parking ng mall ang sasakyan. Kahapon ay inubos nila ang buong araw sa pamamasyal sa buong Davao. They went to Mount Apo National Park and saw the endangered eagles. At pagkatapos ay sa lahat ng maaaring puntahan pa.


Isa sa mga pinagdalhan nito sa kanya ay ang Hilltop kung saan sa isang restaurant doon ay naaliw siya nang makita ang mga buwayang kasinlalaki ng butiki sa isang maliit na aquarium. Other than that, wala nang kumuha ng interes niya.


Pagkatapos nilang maghapunan sa isang restaurant ay nagyaya na siyang bumalik sa hotel. This morning, she woke up very late. Napagod siya sa pamamasyal maghapon. Bukod pa sa binayaran niya kagabi ang ilang araw na hindi pagtulog mula nang umalis siya ng Maynila.Ala-una pasado na siyang bumaba at dinatnan na sa lobby si Ivan. And since there was really no particular place to go, niyaya niya itong mag-shopping.


"Saan ka nakatira, Ivan?" tanong niya nang nasa daan na sila."Why the sudden curiosity about me?" he snapped.


Nayumi rolled her eyes. "I am making a simple conversation. Bakit kailangan mong umangil?"A muscle in his jaw twitched. "I have a farm ten miles from the town proper."


Mahabang sandali ang pinalipas ni Nayumi bago muling nagtanong. "After that incident six years ago, where'd you go?"


Nagdikit ang mga kilay nito nang sulyapan siya. "Hindi ko inaasahang babanggitin sa iyo ni Kurt iyan."


"I threatened not to cooperate if he didn't tell me everything about you."His laugh was sardonic. "Hindi mo kilala si Kurt kung iniisip mong kaya mo siyang takutin. May sarili siyang dahilan kung bakit ipinakilala niya ako sa iyo."


Nagkibit-balikat siya. "Gusto niyang mapanatag ako."Muli siyang nilinga ni Ivan, a predatory male-gleam in his eyes. "Are you?"Hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko."


"We went back to the States, waiting for another assignment.""Who's we?""Brad and Trace."


Tumango siya. "Kurt said your father had Dutch blood but your mother was pure Filipino. Nagtrabaho ba sa ibang bansa ang mother mo at doon sila nagtagpo ng father mo?"Sinulyapan nito ang sideview mirror, his eyes narrowed. "My mother never left Davao until her death."


"Wala ka bang mga kapatid?"


Muli ay dumako ang mga mata nito sa rearview mirror. "I am an only child. And will you just shut up, Miss Navarro? Hindi ako binabayaran ni Kurt para sagutin nang sagutin ang walang kakuwenta-kuwenta mong mga tanong."


Nayumi's nose flared in anger. "Why, you... you're such a Neanderthal!"Subalit wala sa kanya ang atensiyon nito. "What the f—ck!" Kasabay ng dagil sa bumper sa likod ng wagon ay ang pagtapak nito sa accelerator at pagkabig sa manibela pakanan.


Nagtuloy-tuloy ang sasakyan pababa sa gilid ng daan, isang metro mula sa man-made ditch.Kung wala ang seat belt ay humampas ang ulo ni Nayumi sa window shield sa unahan sa biglang pagpreno nito at pagpahinto sa Hummer.


"What was that all about?" sindak na tanong ni Nayumi.Sinundan ni Ivan ng tingin ang itim na van na humarurot at hindi man lang huminto. It was too late to get its plate number.


Binalingan siya nito. "Are you all right?" he asked with a worried frown. "May nasaktan ba sa iyo?" Hinawakan nito ang mukha niya at hinanapan ng pinsala at pagkatapos ay ang mga braso."I'm fine, Ivan. Ano ang nangyari?"


His face looked deadly. Tila alamid na gustong sumila ng kalaban. Nanayo ang balahibo ni Nayumi sa anyo nito. "'Yong kasunod nating itim na van ay kanina pa halos gustong humalik sa bumper ng Hummer. I indulged the driver, naisip kong humahanga lang. This car is a man's dream, Nayumi. Pero nawalan siya marahil ng kontrol at muntik na niya tayong ihulog sa hukay.""Ang agang lasing ng driver na iyon," komento niya at umiling. "At least, walang nasaktan sa atin."


"Are you sure you're not hurt?"


Nayumi smiled at him. "Positive." She saw his Adam's apple move as he gazed at her, then his eyes moved to her lips that her breathing suddenly turned erratic. Bahagyang yumuko ito at natitiyak ni Nayumi na hahagkan siya nito. To her horror, she anticipated the touch of his lips to hers.


Subalit bigla ay tumuwid ng upo si Ivan at pinaandar ang makina ng sasakyan at iniahon pabalik sa daan.


Hanggang sa makarating sila sa hotel ay wala nang salitang namagitan sa kanila. Pagkatapos siya nitong ihatid sa silid niya ay muli itong bumaba.


May ilang sandaling nanatiling nakahiga sa kama si Nayumi at nakatitig lang sa kisame, binalik-balikan sa isip ang sandaling iyon sa loob ng kotse. What made Ivan change his mind? Natitiyak niyang binalak siyang hagkan nito.


Ano ang gagawin niya kung hinagkan siya nito? Dinama ng mga daliri niya ang mga labi, then closed her eyes dreamily.


Don't be stupid, Nayumi. Ano ang dahilan at gugustuhin mo ang isang tulad ni Ivan... ?


Malalim siyang huminga at bagot na tumayo. Alas-nuwebe pa lang ng gabi at wala siyang balak matulog nang maaga. Sumilip siya sa bintana. Wala roon ang bike ni Ivan. Umuwi na ba ito?


Biglang pumasok sa isip niya ang isang ideya.



*************Parang natatakot ako sa kung ano man ang biglang naisip ni Nayumi kakaloka ka ghorl char hahaha. Kumusta ang lahat? - admin A *******

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon