Taong 1985
"Nasan na ba ang kapatid mo Marco? " tanong ni Aling Selia sa panganay nya. Hapon pa nang magpaalam ang anak nyang si Teddy, nakababatang kapatid ni Marco. Pupunta daw ito sa isang birthday sa Sta. Cruz Maynila. Madaling araw na ngunit wala pa ito. Kahit tawag sa telepono ay wala silang natatanggap. Panahon ng Martial Law ngayon.
"Ano ba naman 'tong batang 'to. Alam na alam naman nya na may curfew at hindi na sya makakalabas ng ganitong oras na alas-2 na ng madaling araw para hanapin ko pa sya" bulong ni Aling Seling sa sarili.
"Ma, sinabihan ko naman sya. Matanda na un. Uuwi dn yon". sambit ni Marco.
"Sus! Kahit kailan Marco wala ka talagang pakialam dyan sa kapatid mo!" singhal ni Aling Seling sa panganay.
Siguro nga ako din ang dahilan kung bakit malayo ang loob nilang magkapatid sa isat isa. Pitong taon ang agwat nila ni Teddy. At magkaiba ang Ama nila. May isip na si Marco nang mag-asawa akong muli at magkaanak, si Teddy nga. Kahit nagkahiwalay kami ng Tatay ni Marco hindi naman ako nagkulang ng pagmamahal sakanya. Lalo na ang pangaralan sya na mahalin ang kapatid nya. Kaming tatlo na lamang ngayon dahil nang mag-12 si Teddy ay namatay sa TB ang pangalawa kong asawa. Si Marco naman noon ay 19 na. Halos limang taon na din ang lumipas simula nang mangyari yon. Ang asawa kong si Ignacio ay napakabait. Tinanggap nya ang nakaraan ko at walang pagaalinlangan na minahal ako pati ang panganay kong si Marco. Nang mamatay si Ignacio, parang namatay din ang kalahati ng pagkatao ko.
Sa totoo lang, buhay pa ang Ama ni Marco. Ito siguro ang kinasasama din ni Marco ng loob. Dahil kahit naghiwalay na kami ng Ama nya ay hindi na ito nag-asawang muli. At alam ko hanggang ngayon ay umaasa pa rin sya na balikan ko si Manuel.
Pero hindi! Hinding hindi ako babalik sa kanya. Mas lalong hinding-hindi ko gugustuhing manirahan muli sa Mansyon ni Manuel. Habang ako'y nabubuhay ay hindi ko hahayaan na bumalik ang anak kong si Marco doon. Dahil kahit kailan hinding-hindi mabubura sa isipan ko ang kilabot na bumabalot sa Mansyon na iyon. Ang Bahay na Bato at sa Pamilya Alba!....
Hi Guys.. Vote and Share naman po. Feel free to Comment din po.. Please let me know if u have anything to say about the story...
Salamat po..
28 Reads is a Good Start...
Antay2x lang po sa update, medyo busy ksi ang inyong abang lingkod.. But will try to publish the next chapter later.. :)
Keep on reading Guys...

BINABASA MO ANG
Ang Bahay na Bato
ParanormaleIsang Bahay na punong-puno ng Misteryo. Tara na! Pasok ka! Alamin natin ang hiwagang nakabalot sa Bahay na Bato....