1961
Manghang-mangha ako sa dami ng Ilaw na nakikita ko. Isang napakalaking litrato ng isang babaeng umiinom ng pampalamig. Napakaganda. Animo higante.
Madami ding taong palakad-lakad sa paligid. Parang abala silang lahat at may hinahabol. Medyo maingay din dahil sa busina ng mga jeep. Nasa tapat ako ng isang malaking pamilihan. Kakababa ko lng ng Bus mula sa halos dalawang araw na byahe.
"Hanapin mo si Nana Lucia, matutulungan ka nya. Isa syang malayong kamag-anak. May katagalan na sya sa Maynila kaya madami syang alam na maari mong pasukan. Mag-iingat ka ha. Alagaan mo ang sarili mo. Kayanin mo at magsikap ka, yan lng ang paraan para matupad mo ang mga pangarap mo." at isang halik sa pisngi at mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng Inay. Yakap na para bang hindi na kami magkikita pa.
Naluluha na naman ako habang inaalala ko ang mga nangyari nang nakaraang araw lamang. Kakatapos ko lang ng hayskul. Mapalad ako dahil sa probinsyang pinanggalingan ko ay bihira lang ang mga batang nakakapag-aral. Nag-tyaga lang talaga ang aking Ina para kahit paano ay hindi ako lumaking mangmang. Ayaw nyang matulad ako sa ibang kababayan naming dalagita na basta na lang nag-aasawa kahit elementarya lng ang natapos. Matayog ang pangarap ni Inay at gayundin ako. Kaya heto ako ngayon. Makikipagsapalaran, magbabakasakali. Susubukin ko ang aking tadhana. Baka may magbago pa.
Makailang ulit akong nagpalinga-linga sa kabilang kalsada. Ang sabi ni Inay, nag-iisang tindahan lang ng ihaw-ihaw ang nasa tapat ng malaking pamilihan na iyon. Naron ang Nana Lucia na syang nagmamay-ari nito. Di kalayuan sa may kanto ay may natanaw akong usok. Dali-dali akong tumawid bitbit ang nag-iisang bayong na dala ko.
"Magandang gabi po. Hinahanap ko po si Nana Lucia." bati ko sa matandang abala na nagpapaypay ng mga iniihaw na barbecue. Isang sulyap lang ang pinukol nya sa akin at biglang binitawan ang hawak nyang pamaypay at sinalubong ako ng yakap.
"Anak ka ni Imelda hindi ba? Akala ko hindi ka na luluwas ng Maynila Iha." sambit nya. Nagulat naman ako dahil hindi pa man ako nagpapakilala ay waring inaasahan na nya talaga ako.
"Kamukhang-kamukha mo si Imelda. Wala kayong pinag-iba."Kaya pala, naisip ko.
Binalikan ng Nana Lucia ang iniihaw pagkatapos akong paupuin sa isang gilid at inabutan ng bagong lutong barbecue. Kinain ko kaagad iyon dahil sa totoo lang kahapon pa ako huling kumain. Panay tinapay na lang ang pinantawid gutom ko habang nasa byahe. Iyon lang naman ang naipa-baon sa akin ni Inay kasama ng dalawang piso na ayaw ko pa sanang tanggapin.
"Sandali nalang ito Iha at makakapag-ligpit na tayo. Marahil ay pagod na pagod ka sa byahe. Uuwi na din tayo maya-maya." narinig kong sabi ni Nana. Tumango lang ako at ngumiti. At saka nagpatuloy sa pag kain.
Ilang minuto nga ang lumipas at nagliligpit na kami. Lumakad lang kami ng ilang metro patawid sa mga nagtataasang damuhan ay narating na namin ang tahanan ni Nana Lucia. Matapos nyang ituro ang hihigaan ko ay ibinagsak ko kaagad ang hapo kong katawan na unti-unti na iginugupo ng antok. Ngunit bago ako tuluyang pumikit at mawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Nana.
"Sige na at magpahinga ka na. Bukas ng maaga ay may pupuntahan tayo. Ipapasok kita ng trabaho sa mga Alba." sambit nya.
At saka na ako nilamon ng kadiliman....
Sorry po sa super duper late update. Busy po ang lola nyo sa mga chikiting.. Hehehe.. Alam nyo naman ang Nanay. But still, sana po basahin nyo pa din. I will try really really hard po talaga na makapag-update madalas. Well, malapit na ang start of classes kaya talagang dadalas ang update ko since mababawasan ang malilikot na bata sa bahay... :)
So ayan na po.. Please please please vote and share po.. Also I need your comments guys.. I wanted to know if may natutuwa po sa ginagawa ko.. Para naman po ganahan si Super Mommy magsulat.. Hehe.. (masyado po bang demanding?) pasensya na po.. Badly need yiur support talaga. Negative comments are also welcome.. Hindi po ako nag-aaway pag di ko nagustuhan ang comments nyo.. Promise!!! (devilish grin *) hehehe.. Joke lang po.. If you have suggestions din po.. Feel free to comment...
Mwuaahh....
See yah!!!

BINABASA MO ANG
Ang Bahay na Bato
ParanormalIsang Bahay na punong-puno ng Misteryo. Tara na! Pasok ka! Alamin natin ang hiwagang nakabalot sa Bahay na Bato....