Chapter Two

9.1K 332 93
                                    

"Simang saglit, hintayin mo ako dito a? Bibili ako ng bibingka!"

Pipigilan ko sana itong si Anding kaso mas mabilis naman siyang umalis sa harapan ko at tumawid. Nandito na kami sa harap ng The Rivers at naisip pa niyang bumili ng bibingka, tsaka anong bibingka ba ang sinasabi niya? E egg pie naman ang nakikita kong tinitignan niya at biglang ngingiti.

Totoo na nga talagang nababaliw na siya— palibhasa ay mukha siyang pagkain.

Naiwan tuloy akong nakatanga dito sa harapan ng Rivers at naghihintay sa kaibigan kong may tuktok ang ulo.

Ang bagal ah.

"My gosh, you again?!" Imbes na magulat sa babaeng nagsalita sa tabi ko ay bigla lang akong napairap at nainis ng makita na naman ang babaeng kanina lang ay tinatawag akong magnanakaw. Nandito na naman siya? "Are you following me?!"

Ay makapal talaga ang apog ng babaeng ito. Kung p'wede lang sana manapak ng maganda ay kanina ko pa ginawa.

Aba'y wala akong pakialam kung sakali mang mawala ang kagandahan niya 'pag nalagyan ko na ng black eye and dalawang mata niya.

Magmukha siyang cute na panda.

"Excuse lang ha? Nauna kaya akong umalis sa 'yo kanina, kaya paanong I'm following you ka diyan? Ako nga rin nauna dito e. Baka ikaw? Are you following me?!" Ginaya ko ang tanong niya pati na rin ang boses na ang arte-arte! Akala mo naman maganda, e kamukha naman niya 'yong si Squidward na galit sa mundo araw-araw— ay mali, cute kasi si Squidward kaya malabo rin na kamukha niya 'yon.

Hanggang ngayon ay naka-formal attire pa rin siya at mukhang fresh si Ate girl na naligaw lang ata dito.

"Are you mimicking me?!" Siguro pinanganak siya para sigawan at awayin ako 'no?

"Tse! Halata na nga tinatanong mo pa!" Jusko naman mga mader! 'Yan ang pinaka ayoko e. Halatang-halata na nga, magtatanong pa. 'Yong sinabi mo na nga, ipapaulit pa. Ano sila mga bingi?

Paulit-ulit e!

"How dare you?!" Napairap ako sa kaniya. Nanumbalik na naman ang inis ko.

"Alam mo, Miss..." Simula ko at medyo kumalma. "P'wede mo naman kasi akong hindi pansinin kahit nakita mo ako rito e. Kailangan talaga na i-you again-again mo ako diyan? Aba wala akong pakialam sa 'yo, Miss."

Nakakainit ng ulo ang babaeng ito.

"I don't care. I will do whatever I want." At talagang kumunot pa ang noo niya na para bang sinasabi niyang 'wag ko siyang turuan sa gagawin niya.

"Ay, bahala ka nga." Ubos na ang pasensya ko sa kaniya. Tinaasan pa ako nito ng kilay bago muling nagsalita.

"Kung papasok ka man sa loob then don't you dare to come near me. Mukha kang dugyot at you stinks." Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa The Rivers at nawala sa paningin ko.

Aba, sino naman kasing nagsabi na lalapit ako sa kaniya?

Ang kapal ng mukha!

Alam kong sobrang pawis na pawis ako ngayon dahil ang layo ng nilakad ko kanina, idagdag mo pa ang pagsakay namin sa jeep ng dalawang beses kanina at biglang siksikan. Gusto ko na ngang ihulog si Anding kanina para lang magkaroon ng space 'yong inuupuan ko e. Kaso kawawa naman, mabangasan pa ang mukha niyang hindi ko alam kong mukha ba talaga.

Mabaho na ba ako? Paano niya naamoy kung hindi naman siya malapit sa akin?

Ipa-ban ko na lang kaya ang babaeng iyon dito sa coffee shop ni Ate Tontons? Para naman magtanda at hindi ko na siya ulit makita rito.

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon