Chapter 2: I'm not her!

4 0 0
                                    

Chapter 2: I'm not her!

Victoria

Nagising ako dahil sa marahan na pag tapik sa pisngi ko. Sa inis ko tinapik ko rin yung kamay na tumatapik sa pisngi ko.

Ang lakas ng loob niyang hawakan ang beautiful face ko.

"Hoy! Ate gumising ka na, wala ka bang balak kumain?" - Tanong ng isang babae.

Minulat ko ang mata ko at tinaasan ng kilay ang hampas lupang nang gising sakin.

"What?"

"Gumising ka na at kumain para makainom ka na rin ng gamot." - Saad niya. Mas lalong tinaasan ko siya ng kilay.

"At sino ka para utusan ako ha? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Sino ka bang hampas lupa ka?" - Inis na saad ko. Imbis na sagutin niya tanong ko tinitigan niya lang ako at saka umalis.

Naupo ako. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa pagkirot at pagkahilo then after a minute narealize ko na may mali.

Inilibot ko ang paningin ko sa maliit na kwartong kinaroroonan ko.

Super plain and cheap ng color halatang pang mahirap. Walang class. Wala ring kabuhay buhay ang kwartong ito and the interiors is to common and old. I hate it.

Kanino bang kwarto ito? Gusto ko siya makausap at maturuan ng tamang pag aayos ng kwarto.

"Ate!! Tumayo ka na jan!"

At isa pa ano bang ginagawa ko sa lugar na ito? Paano ako napunta sa panget na lugar na ito? As long as I can remember nasa resort ako ni Nicole for our outing and I decided to go to sleep then when I woke up I'm here na sa panget at low class na kwarto.

Napatingin ako sa soot kong damit kasi medyo nangangati ako at laking gulat ko ng makita kong nakasoot ako ng pang mahirap na damit.

Wth!?

"Ewww!! What is this? Bakit ako nakasoot ng pang pulubing damit!" Nandidiring sigaw ko.

"Hoy Ate ano bang nangyayari sayo ha?! Kanina pa kita pinapababa para kumain." Tumingin ako doon sa babae na kanina pa ako tinatawag na Ate.

"Excuse me? Stop calling me 'Ate' I'm not your 'Ate' stupid brat." - Mataray na saad ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ganyan ba ang epekto ng pagkakasakit mo ha?"

"What?"

"Bumaba ka na po doon ATE kumain ka na ng makainom ka na po ng gamot ATE." - Saad niya habang binibigyang diin ang word na 'Ate' napairap nalang ako sa ugali ng kung sino man ito.

"Who are you ba? Anong ginagawa ko sa panget na lugar na ito? At bakit ganito kapanget ang soot ko? Paano ako nakapunta dito? Did you kidnap me?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya at napailing sakin.

"Seryoso ba yan or joke time ito? Kasi hindi pumapatok sakin eh. Nag mumukha ka lang weird at loka loka."

"What? I don't understand what your talking about. Can you please answer my question nalang?" Iritang saad ko.

"Hindi ko alam kung anong trip mo ngayon Ate pero please bumaba ka na at kumain. Tigilan mo rin yang kakaenglish mo, hindi bagay sayo." - Saad nito at nilayasan na ako.

Hindi pa rin nag proprocess sa isip ko ang mga nangyayari.

Paano ako napunta dito? Nasaan ang mga kaibigan ko? At sino ba yung babaeng kausap ko kanina? Bakit niya ako tinatawag na Ate? Sa pagkakaalala ko wala naman akong kapatid.

Wait, hindi kaya anak siya sa labas!? OMG! NO WAY! Meron akong kapatid sa labas?! Pero kanino siyang anak? Kay Mommy or Daddy? Sino ang cheater sa kanila?

Opposite WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon