Special Chapter: PAUL
Ermitanyo
Masaya akong pinapanood ang mga batang masayang nagtatakbuhan sa parke. Nawala lamang ang ngiti ko ng makita kong bumakas ang portal at lumabas doon si Alysia. Isang malakat.
Nilapitan ko siya at marahas na hinila pabalik sa portal.
"Ano satingin mo ang ginagawa mo?"
"Tumigil ka na sa pang gugulo sa mga tao Alysia! Wala silang ginawa sayong masama!" - Galit na saad ko sa ginang.
"Malaki ang kasalanan ng mga tao sakin Ermi. Kung hindi dahil sa ginawa nila, buhay pa sana ang anak ko!" - Saad nito.
"Matagal mo ng pinarusahan ang mga taong pumatay sa anak mo Alysia. Hindi lahat ng tao dapat mag bayad sa nangyari sayo at sa anak mo! Tumigil ka na! Maayos na ang lahat. Wag mo ng guluhin pa."
"Dahil sayo nasira ang mga plano ko. Makakasama ko na sana ulit ang anak ko, konti nalang Ermi, konti nalang makakasama na ulit natin ang anak natin pero anong ginawa mo? Sinira mo ang lahat! Tinulungan mo silang makabalik! Sinira mo ang lahat! Dahil sayo malalayo na naman ang anak ko sakin. Ang anak natin!"
"Tumigil ka na. Matagal ng patay ang anak natin Alysia. Palayain mo na siya."
"Hindi. Hindi ako makakapayag na maging masaya ang mga taong pumatay sa anak ko. Magbabayad silang lahat!" - Sinubukan niya ulit buksan ang Portal pero hindi na muli ito bumukas.
"Anong ginawa mo? Bakit hindi ko mabuksan ang portal?!"
"Hindi ko na ulit hahayaan na sirain mo ang mga buhay nila. Masyado ng marami ang nabibiktima mo Alysia kaya gumawa na ako ng paraan para permanente ng mag sara ang Lagusan."
Gamit ang mga kwintas na binigay ko sa binatang nangangalang Tyler. Naputol ang sumpa na matagal ng nakakapit sa pamilya niya at sa pamilya ng kasintahan niya. Nag karoon ako ng pagkakataon na permanenteng isara ang Lagusan sa kabilang mundo at tanggalin ang kapangyarihan ni Alysia.
Hindi ko na ulit hahayaan na mangyari ulit ang aksidente na nag pabago ng lahat.
~~~
Paul
*Before the accident*
"Paul hindi ka ba talaga sasama? Minsan lang mag aya si Daddy ng outing. Ayaw mo talaga?" - Pangungulit sakin ng pinsan kong si Kristen.
"Hindi nga kulit nito. May trabaho ako at kailangan din ni Mama ng tulong sa tindahan." - Nakangiting saad ko, nginusuan naman ako ni Kristen na tila nag tatampo siya sa sakin. Tinawanan ko naman siya at niyakap. "Babawi ako next time promise. Sa ngayon kasi di talaga ako pwede sumama."
"Ikaw Jenna di ka sasama?" - Tanong niya sa kapatid ko.
"Hindi Ate e, Meron kasi kaming usapan ng mga group mates ko sa thesis kailangan na namin tapusin yun. Sorry bawi nalang din ako next time." - Saad ni Jenna.
"Okay. Ingat kayong dalawa. Nakakalungkot na hindi ko makakasama sa outing ang dalawa kong pinsan." - Nakasimangot na saad niya.
"Hon, wag mo na kasi sila kulitin." - Saad ni Tyler. Tumingin si Tyler sakin at nakangiting tumungo.
"Hoy Tyler ingatan mo yang pinsan ko ah nako kapag yan nasaktan makakatikim ka sakin." - Pagbabanta ko.
"Kahit hindi mo na sabihin sakin Paul. Iingatan ko ito pinsan mong mapapangasawa ko." - Saad ni Tyler nakita ko naman na namula si Kristen sa sinabi ni Tyler kaya natawa ako. Napansin din yun ng mga kaibigan nila kaya sinimulan silang asarin nito.
"Tumigil nga kayo! Sige na Paul, Jenna. Alis na kami." - Saad ni Kristen habang kumakaway saamin.
"Ingat kayo Ate!"
BINABASA MO ANG
Opposite World
Science FictionTwo Opposite World Two different person Exchange life