Chapter 5: Ending

0 0 0
                                    

Chapter 5: Ending

Kristen

Dahan dahan ko iminulat ang mata ko, sumalubong sakin ang liwanag ng ilaw na nang gagaling sa puting kisame. Ginawa kong pang harang ang kamay ko.

"Gurl! Sa wakas gising ka na rin!" - Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Georgia.

"Georgia?" - Nagtatakang tawag ko sa kanya. "Anong ginagawa mo---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pumasok ang dalawang taong hindi ko inaasahan na makikita ko.

"Mama... Papa..." - Naiiyak na saad ko.

"Anak.. mabuti naman nagising ka na. Sobrang nag aalala kami sayo." - Saad ni Mama habang nakayakap sakin ng mahigpit.

Anong nangyayari? Bakit sila nandito? Hindi pa rin ba kami nakabalik ni Tyler sa mundo ko?

Si Tyler... Hinanap ng mata ko si
Tyler pero hindi ko siya makita

"Si Tyler? Nasaan siya? Nandito ba siya?" - Kinakabahan na tanong ko. Napapakagat ako sa labi ko dahil sa takot na baka hindi ko na ulit siya makita.

Nagtaka ako ng magkatinginan silang tatlo. Mas lalo akong kinabahan dahil doon.

"Sabihin niyo sakin na kasama ko siyang nag punta dito. Okay lang siya diba?" - Naiiyak na tanong ko.

"Gurl, okay lang si Tyler, nagpapahinga siya doon sa kabilang kwarto." Saad ni Georgia.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa anak? Anong ginagawa niyo sa sementeryo? At bakit wala kayong malay?" - Tanong sakin ni Mama.

"Sementeryo?"

"Oo gurl, nagulat na nga lang kami na may tumawag sakin na sinasabing nasa sementeryo kayo at walang malay. Anong trip niyong dalawa ni Tyler ha?" - Saad ni Nicole na hindi ko napansin na nakapasok na pala. Kasama niya ang Boyfriend niyang si France kasabay nilang pumasok si Lily at Xyrus.

"Oo nga girl. Buntis ka pa naman! Tapos lakas ng loob niyong matulog sa sementeryo." - Saad naman ni Lily. Dahil sa sinabi niya automatic na napahawak ako sa tyan ko. Nagtaka ako ng maramdaman ko may umbok na ito.

Paano nangyari ito?

Wala akong naiintinidhan. Hindi ba kami talaga nakabalik ni Tyler?

"Hindi ko maalala..."

"Ate!"

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses na yun. Hindi ko alam ang mararamdaman ko naiiyak ako sa tuwa ng makita ang mga kapatid ko, tumakbo sila palapit sakin at sabay sabay akong niyakap. Kasunod nilang pumasok ang nakangiting mukha ni Tyler at ng mga pinsan ko.

"Nakooo! Sobrang namiss niyo ba ang Ate niyo at kung makayakap kayo sa kanya para na itong walang bukas." - Saad ni Mama.

"Sobra. Ilang araw din kasi sila nawala ni Kuya Tyler tapos malalaman nalang natin na natutulog lang pala sila sa sementeryo. Anong trip niyo te?" - Saad ni Angel.

Tumingin ako kay Tyler ng may pagtataka at naguguluhan, ngumiti lang siya sakin.

Maraming kinuwento sakin ang mga kapatid ko nung wala ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin na iintindihan ang mga nangyayari pero masaya ako na makita at makasama ulit ang mga kapatid ko.

Ilang oras pa sila nag stay dito bago sila nag paalam na uuwi na. Naiwan kaming dalawa ni Tyler dito sa kwarto ko, busy siya sa pag hihiwa ng mansanas.

Pinanood ko lang ang ginagawa niya at nung matapos na siya, nakangiting humarap siya sakin at naupo sa tabi ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusubuan ako ng mansanas. Hinihintay ko siya mag salita, mag explain sa mga nangyayari pero mukhang wala siyang balak sabihin sakin kaya ako na nagtanong.

Opposite WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon