Chapter 3: No way home
Kristen
It's been 1 year since I lived here in the opposite world. Maraming nangyari sa totoo lang. Marami rin nag babago.
Nakatambay kami ngayon ni Tyler dito sa bench sa labas ng building ng apartment niya.
Nakikitira ako ngayon sa apartment niya dahil yung apartment ni Victoria hindi ko magamit sa kadahilanan na hindi ko alam kung anong passcode, hindi gumagana yung finger print scan niya, wala rin ang key card niya.
So, wala akong choice kundi makitira sa apartment ni Tyler. Hindi naman kasi pwede na makitira ako kila Nicole at Lily diba? Nalaman ko rin na live in sila ng mga boyfie nila. Hindi rin pwede kay Georgia kasi ang dami niyang boylet.
Kung uupa naman ako ng bahay, anong ipambabayad ko? Wala naman akong pera, wala rin akong trabaho at higit sa lahat ANG MAHAL NG PAUPAHAN DITO!
Alam mo ang ikinaganda ng opposite world? Malamig sa pilipinas kapag winter. Ang sabi ni Tyler umuulan rin ng snow dito kaya naexcite ako at niyaya siyang lumabas.
Sabi niya kasi maaaring umulan ng snow ngayon.
"Oh?" - Napatingin ako kay Tyler at sa kapeng hawak niya.
Nakangiting tinanggap ko yun at nag pasalamat. Mga ilang minuto lang ay nakikita ko na ang pag patak ng puting yelo
Inilahad ko ang kamay ko para sumalo ng flakes
"Ang ganda.."
"Ngayon ka lang ba nakakita ng snow?" - Tanong niya habang humihigop ng kape.
"Hindi. Madalas akong makakita ng snow sa mga palabas sa t.v pero ito ang unang beses na makaka experience ako ng snow. Sa opposite world kasi hindi ganito kalamig ang pilipinas, hindi rin umuulan ng snow kaya sobrang excited at saya ko na ma experience ang ganitong bagay." - Nakangiting saad ko habang pinapanood ang pag bagsak ng christmas flakes.
Napatingin ako kay Tyler ng hawakan niya ang kamay ko at itago yun sa loob ng bulsa niya.
*Dug dug dug*
Sa ilang araw kong namamalagi dito, unti unti akong nasasanay sa pagiging sweet niya sakin. Maalaga din siya.
"Tyler..."
"Hmmm?"
"Ipapaalala ko lang ha? Hindi ako si Victoria." - saad ko.
"Alam ko." Nakangiting sagot niya sakin.
"Bakit mo ba ginagawa sakin to?"
Tumingin siya sakin at ngumiti ng matamis.
*Dug dug dug*
"Dahil gusto ko. Gusto kita." - nakangiting pag amin niya.
Halos hindi ako nakahinga sa sinabi niya.
"Ano?"
"Gusto kita Kristen. Sayo ko lang naramdam ang ganito, maski si Victoria hindi naiparamdam sakin na importante ako. Ikaw lang." - Saad niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "Gusto kita Kristen. No. Hindi pala kita Gusto. Mahal kita."
Matapos niyang sabihin ang mga katagang yun. Unti unting lumapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit nalang ako ng mata ng maramdam kong naglapat ang mga labi namin.
~~~
Nakapangalumbaba ako habang pinag lalaruan ko itong cuckoo clock sa table niya.
Wala akong kasama ngayon dito sa apartment ni Tyler, umalis siya kasi nag karoon ng emergency sa company nila kaya ito napapanguso nalang ako sa sobrang pag kabored.
BINABASA MO ANG
Opposite World
Science FictionTwo Opposite World Two different person Exchange life