chapter 3

0 0 0
                                    



TW/SH

12 years of age(present)

"ate meg, gising na aalis tayo mamaya"rinig kong bulong ng pinsan ko.

iminulat ko ang aking mata at agad akong ibinati ng sikat ng araw kaya ngumiti ako at tumingin sa aking pinsan.

"okay baba kana don at susunod nalang ako" tumango naman ito at agad tumakbo habang dala dala ang stuff toy ko.

"talagang hilig iuwi natitirang laruan ko eh ano?papal;unok ko talaga yan nang buo sayo"bulong ko sa sarili ko habang padabog na inaayos ang higaan kaya naman sinamaan ako ng tingin ng kapatid ko.

"umayos ka"mahinahong sambit ni ate clara ngunit alam kong galit ito kaya wala akong ibang nagawa kundi ngumiti.

matapos kong ayusin ang higaan ko ay naligo ako kaagad at bumaba para kumain.habang kumakain ay talagang hindi ako sanay na walang kinakalikot ngunit dahil nasa pinsan ko ang stuffed toy ko ay inilabas ko nalang ang cellphone ko.

"huwaqg kang gumamit ng cellphone kapag nasa hapag kainan, apo"hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si lola kaya napatalon ako ng kaunti at kaniya naman itong itinawa.

"may chinecheck lang ho ako"ngumunguyang sagot ko at sabay open ng aking facebook account.

dahil wala akong ibang magawa at wala rin naman akong kachat dahil ang mga kaibigan ko noong elementary ay hindi na rin ako kinakausap, naisipan ko nalang na makipagkaibigan sa mga schoolmates ko kaya naman isinearch ko ang pangalan ng bago kong paaralan.

"st. joseph integrated high school"pagtipa ko at sunod agad na bumungad ang napakaraming facebook account.

"hmm not this"bulong ko sa sarili ko habang tumitingin sa mga schoolmates kong naglike sa page ng aming paaralan.

cause like, look at his damn bio!

"hey stalker" may kasama pang sandamakmak na emoji at sandamakmak rin ang kaniyang hobbies!

"pwede na to" bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang account ng isang lalake at si todoroki ang kaniyang profile picture.

i didnt even hesitate to click the add friend button! i mean i just wanna be friends...

maya maya pa ay pumasok ang pinsan ko sa bahay at sinabihan akong magbihis na dahil aalis na kami kaya naman ikinalat ko nalang sa plato ang natitirang kanin dahil busog na rin ako at nilagay sa lababo upang di magmukhang hindi ko ito inubos.

nang makapasok kami sa bago kong paaralan ay namangha ako sa ganda nito.ang dalawang building sa magkabilang-gilid ay kulay yale blue, ito ang paborito ko! sa kabilang banda, ang dalawang building na nasa pagitan nito ay kulay gray.mayroon pang maliit na hardin at makikita ito pagkapasok mo ng gate ng paaralan at lumingon ka sa kaliwa at doon mo siya makikita! ang bubong pa nito ay gawa sa glass at napapalibutan din ito ng stainless steel na wire mesh screen  para hindi makawala ang mga paro-paro sa loob.

napansin kong nakatingin sa akin ang gwardya sa gilid ng duard house kaya naman lumapit ako rito.

"bakit po?"tanong ko rito at nag-angat pa ng kilay.

"ah wala ma'am! para ho kase kayong prinsesa, ang ganda niyo po"sagot nito at di maalis ang ngiti sa kanyang mukha.

"i know po"nahihiya kong tawa at sabay hampas sa braso ni kuya guard na ikinagulat pa nito pero ngumiti rin sa huli.

nakikipagkwentuhan ako kay kuya guard nang biglang nagvibrate ang phone ko kaya naman agad ko itong tinignan.

"gago"bulong ko sa sarili nang makitang inaccept ni achlys ang aking friend request, ang lalaking in-add ko kanina.

how i get myself killedWhere stories live. Discover now