nagising ako dahil sa ingay ng manok kaya naman dahan dahan akong bumangon.nang tignan ko ang pulso ko ay puno pa rin ito ng mga dugo na ikina-iling ko.
"wala ka talagang kwenta"bahagya pa akong natawa habang pinuounasan ito ng wet wipes at agad na sumuot ng hoodie.
tatayo na sana ako nang narinig kong biglang kumatok si papa sa pinto.
"anak gising na, magjojogging tayo"paalala nito.
"hindi maganda pakiramdam ko, tay"pagdadahilan ko habang nakatingin sa aking pulso.
"ayan, puro ka kasi cellphone"narinig ko ang mga yapak niya palayo at sa inakala kong aalis na siya ay narinig kong may sinabi pa siya na aking ikinabuntong hininga.
"wala talagang kwentang mga bata
Ipinagpatuloy ko ang araw ko nang walang ginagawa, ilang beses na rin ako napapagalitan dahil kahit sa hapag kainan ay natutulala ako.
"ano megan wala ka bang planong pumasok?" napakurap ako nang marinig kong tinatawag ni papa.