Prolouge

31 1 0
                                    

Ako yung tipong taong hindi naniniwala sa forever, destiny at kung anu ano pang may kinalaman sa love story na yan. Well nangyayari lang naman talaga yan sa mg books at movies.

Sus! Wala naman talagang kwenta yang love love na yan. Nakakasuka lang yang mga yan. Pinapaasa at sinasaktan lang ang mga puso niyo.

Kahit nga tatay ko pinaasa kaming pamilya ko. Asan na siya ngayon? Ayun naghanap ng ibang pamilya. Ito naman si mama ayaw paring tantanan si tatay. See? Pinapaasa lang tayo ng love na yan.

Akala namin perfect ang lahat. We are the happiest family noon. Perfect pa nga ang lahat lahat eh. Lagi kaming nagkukulitan, may bonding moments pa kami at higit sa lahat mahal nami ang isa't isa.

Pero sa isang iglap nawala ang lahat. Nahiwalay kami sa tatay namin. Wala kaming balita sa kanya. Ang pinaniniwalaan ko ay may iba na siyang pamilya. Hindi na ako umaasa na babalik siya.

Lahat ng nakikita kong couples sa paligid ko ay nasasabi ko na lang na magbe break din kayo niyan. Pero nag iba ang lahat ng nakahanap ako ng Perfect Man para sa akin. Dati, wala sa dictionary ko ang salitang Perfect pero iniba nung lalaking yun eh. At dun na nag simula ang love story namin.

Ako nga pala si Kathryn Chandria Cortez, at ito ang aking buhay.

Perfect For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon