PFEO Chapter 2♡♡

21 1 0
                                    

Kath's POV

Pumasok na ako ng school. Yes hindi ako na late! Hahahaha! Hindi kami sabay ni Juls kasi nag hire ang mommy ko ng bagong driver para hindi na ako ma late XD

Pagkapasok ko ay muntik na akong masagasaan. Aba lintik yung sasakyan na yun ah! Hindi man lang huminto para tignan ako! Nako lagot aa akin yang driver na yan!

Hinintay ko siyang lumabas ng sasakyan. Hmp! Lagot talaga to sa akin!

"Hoy kapal din ng mukha mo ah! Muntik na akong masagasaan. Hindi ka man lang ba marunong mag preno or tumigil para matignan kung okay ako! Walang hiya ka! Walang modo!" Sabi ko habang hinahampas siya. Umiilag siya gamit ang kamay niya.

"Ano ba!" Sigaw niya kaya napahinto ako sa kakahampas niya.

Wait pamilyar sa akin ang mukha na yan. Di ko nga alam matandaan. Aisht! Wait. Siya yung-

"Ikaw nanaman?!" Sabay naming sinabi

"Wag mo akong gayahin!" Parehas pa naming sinabi ulit

"Bahala ka diyan" Serioulsy?! Sabay nanaman naming sinabi

"Okay sorry na miss. Nagmamadali ako kasi may naghihintay sa akin. Sorry na! Sorry rin kahapon! Okay na? Happy ka na?"

Napa irap na lang ako. Aalis na dapat ako nang nagsalita siya ulit.

" Daniel John Cuesta. 17." Tapos nag lahad siya ng kamay. Tinanggap ko naman. Wala namang masama diba?

"Kathryn Chandria Cortez" tapos nag shake hands kami. Nauna na akong umalis. Tinext ko si Julia at tinanong kung nasan siya.

Guess what? Nasa canteen nanaman. Ang hilig talaga niyang kumain ng kumain. Ako rin naman eh. Buti hindi ako tumataba Hahahaha!

Daniel's POV

Kilala niyo ba yung Kathryn na yun? Shet! Ang ganda niya mga pre! Parang ngayon ko lang siya nakilala. Transferee? Pero wala akong pake! Nakaka inlab! Shet! Tigil mo to DJ.

Hi ako nga pala si Daniel John Cuesta. May company kami. Cuesta Inc. Nakatira ako with my mom. My dad? Nasa ibang bansa. May company din dun. Hindi na siya nauwi dito. Minsan lang siya umuwi tapos mabilis siyang bumabalik sa Canada. Yes. Sa Canada siya at may company kami dun.

Playboy? Basagulero? Hindi ako yan. Wag niyo akong itulad sa mga ibang lalaki. Nirerespeto ko naman ang mga babae sa mundo. Pogi? Mabait? Campus Crush? Ako yan! Hahahaha! Ako ang lalaking nagpapatunay na hindi kailangan may abs para pumogi. Wala nga akong abs pero habulin ng mga babae. Oh diba? Lakas ng tama ko! Hahaha!

Naglakad lang ako at pumunta sa class ko. Sa Greenfield University. Dito ako pumasok dahil ang may ari ng school nito ay ninang ko. Pero di ako sipsip. Di pa ako nao-office. Di dahil ninang ko may ari ng school kundi dahil mabait talaga ako. Hahahaha!

Umupo ako sa pinaka likod. Eh kasi mas gusto ko doon. Para hindi ako kaagad makikita ng teacher ko. Hahahaha!

"Uy pare! Bat wala ka kahapon?" Mga kabanda ko yun. Yes, meron akong banda. Parking 5 ang tawag.

Si Seth ang taga love advice namin. Mas malupit pa siya kay Madam Bertud sa Showtime! XD. Grabe yan mag love advice. Akala mo may experience siya sa love pero wala pa naman. Siya rin ang taga solve ng problema namin. Pag nag away away kami? Sya yung taga bati namin. Kaya pag nawala siya sa banda namin. Sus! Ano kaya mangyayari?

Si Katsumi ang pinagtitilian ng mga babae. Grabe charms niyan! Ewan ko ba kung bakit ganun. Ginayuma ata lahat ng babae pati na rin yung ibang lalaki sa mundo. Grabe pag may banda kami tinitilian siya. Pati rin naman ako eh. Hahahaha!

Si Lester ang joker namin! Grabe yan mag joke mga pare! Kahit corny matatawa ka pa rin. Dahil sa mukha niya. Hahaha! De joke lang! Siya yung taga tawa namin. Laging may baon na joke. Hindi yan mawawalan ng joke! Ewan ko nga kung saan niya nakukuha ang mga joke niya eh! Pero benta mga joke niyan mga bregs! Hahahaha!

Si JC ang pinaka tahimik sa banda. Siya ang bunso namin dito. Pero di namin yan binebaby! Hahahaha! Good Boy yan! Nako may girlfriend na yan mga girls. So sorry na lang daw. Grabe yan! Stick to one yan mga bregs! 2 years na sila ng GF niya. Sofia ang pangalan ng GF niya. Ang ganda niya mga bregs! Kaso in a relationship na siya eh.

"Good morning class!" Nandyan na pala teacher namin! Bye na muna!

===============================================================

GUYS COMVO! THANKS!

XOXO,

WINTERGIRL101 ♡♡

Perfect For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon