PFEO Chapter 8 ♡♡

7 0 0
                                    

Daniel's POV

Pumunta kami sa mall ng kapatid ko. Grabe dinamay pa ako. Ayoko sa mga mall na yan eh. Ka boring. Nandun sana ako kayna Lester eh biglang nag aya yung kapatid ko. Ang bata bata pa kasi mahilig ng mag mall! Yan tuloy pinasama ako ni mama baka daw kasi maligaw.

"Kuya we will going to buy shoes! Yehey!" Sabi ni Magui habang pumapalakpak. Psh. Ang tagal niya kayang pumili ng shoes. Grabe.

Umupo muna ako sa upuan (Alangan sa table guys). Parang may napansin akong nagsusukat ng shoes. Pamilyar sa akin yung tao eh. Inisip ko ito at naisip ko si Kath.

"Kath?" Tinawag ko siya. Parang nataranta yung tao. Sabi na nga ba si Kath to eh. Papalapit na sana ako sa kanya ng tawagin ako ni Magui.

"Look kuya it's so pretty right? Bagay kaya to sa feet ko? Hmm what do you think kuya?" Bad timing lagi tong Magui na to! Argh!

"You know what Magui. Bagay sayo. Go try it." Sabi ko. At hinanap ko si Kath. Bad trip wala na!

Tatakbo na sana ako para hanapin si Kath kaso tinawag ako ni Magui.

"Hey kuya where are you going? Mama said that dont iwan iwan me. Baka mamaya I'm lost na!" Sabi niya. Konyo pa rin talaga tong Magui na to.

"Wait lang Magui. Babalikan kita promise. May pupuntahan lang si kuya" Sabi ko. Hindi ko na hinintay yung sagot niya at dali dali na akong tumakbo palabas sa shop.

Kailangan kog makita si Kath. Feeling ko talaga galit siya sa akin. Ano ba kasi ginawa kong masama? Good boy naman ako ah!

Hindi ko na mahanap si Kath kaya sumuko na ako. Bumalik na ako sa shop at nakita ko si Magui. Binili na niya yung shoes ata.

"Your so tagal kuya! Here oh! You carry it because it's so bigat!" Jusko ka konyohan talaga ni Magui.

"Mabigat? Grabe Magui isang shoebox pa lang to."

"I dont care kuya. Let's go find some dress! I'm so excited!" Sabi niya at tumakbo sa isang shop.

Di pa rin matanggal sa isip ko si Kath. Ano nanaman ba kasi ginawa ko?

Kath's POV

Wooh! Buti na lang at hindi ako nahabol nung Daniel na yun! Kinabahan kaya ako. Buti tinawag siya ng girlfriend niya. Kaya pagka kuha ko ng shoes ay binigay ko na yung pera. Sakto yung binigay ko para di na ako mag antay ng sukli.

Pumunta muna ako sa restroom at nag ayos ng sarili. Wooh! Kahit naka aircon tong mall pinag pawisan ako. Kasi naman eh.

Lumabas na ako ng restroom ng may makita akong shop.

Pumunta ako dun at mau nakita akong lavander na dress. OMG nainlove ako sa dress. Kukunin ko na sana yung dress ng may nakasabay akong kumuha ng dress. Tumingin ako sa kanya. Hmm pamilyar sa akin. Mukha pang bata.

"Hey miss. Ako ang first na kumuha nitong dress." Sabi nung babae. Aba mukhang mataray.

"Uhm ako po kumuha ng dress."

"No! Ako kaya!"

"Miss ak--"

"Anong nangyayari dito?" Tanong nung kasama niya. And guess what? Si Daniel -_-. Dali dali kong binitawan yung dresa at aakmang lalabas ng tawagin niya ako.

"Kath!" Napatigil ako. Humarap ako sa kanila.

"Kuya. She away me! I want that dress pero inagaw niya!" Sabi nung babae. Wait what? Kuya?

Perfect For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon